PROLOGUE
Napatingin ako kay Amara ng marinig ko ang hikbi nito sa may gilid. Umusog ako palapit dito at tinapik ang balikat niya.
"R, okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Tumingin kaagad ito sakin at mabilis na pinunasan ang mga luha na patuloy na lumalaglag sa mata niya.
Ngumiti siya na parang naniniwala akong totoo iyon.
"Ano? Syempre okay lang ako. Ano kaba?" At simple itong tumawa pero ramdam ko naman ang sakit sa tawa niya."Pwede naman tayong tumakas sa party. Mag-iimbita ka pero mukhang hindi ka naman nag-eenjoy. Look at you. Your sober." Puna ko dito. Umirap naman siya at kinuha ang baso sa lamesa bago tumayo.
"You know what? Tama ka, I'm not enjoying pero I'll try! Ayokong magalit si momshie sa akin, no! Baka pagbayarin ako non ng milyonis!" Sigaw niya at binuntunan pa ng tawa. "And you must drink also, G. Drunk yourself up baka may mabingwit ka! Counter lang ako! Enjoy!" At iniwan na ako nito sa table namin.
Ang dali talaga niyang kausap.
Napailing naman ako bago kinuha ang Maria Clara sa lamesa bago ako nagsalin sa baso ko.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa invitation ni Amara dito sa party. I'm not that type of woman who always attend a party, lalo na't nasa club. Para akong masusuka sa mga nakikita na hindi dapat.
I know I am very at my age now, pero hindi ko lang maiwasang punain ang sarili ko at pilit intindihin na magtratravel pa ako bago magpakasal.
Yeah, wala akong balak mag-boyfriend.
Limang baso na ang nainom ko pero parang tinatamaan na ako ng init.
I frowned and look at the bottle of MC. Akala ko red wine to na hindi nakakalasing?
I am feeling hot right now. Nararamdaman ko ang init na bumalatay sa buong katawan ko. What's happening?
Tumayo ako at agad ding napaupo nang mahilo ako. I felt a pang on my head that suddenly punch my brain.What the fitch?
"Hey, there." Tawag pansin ko sa isang waiter na napadaan table namin. Huminto naman ito.
"Ma'am?"
"Bigyan mo nga ako ng isang basong tubig, please?" Utos ko dito.
"Sure, ma'am. Just wait a second." At nawala na ito sa paningin ko.
Actually, I'm not planning to get waisted here. Kailangan ko pang ihatid si Amara kasi wala namang dalang sasakyan iyon dahil ang akin ang ginamit namin papunta dito.
At ang problema ko ngayon. Hahanapin ko pa siya kung asan na iyon dahil mula dito sa pwesto ko. Hindi ko siya makita sa counter na sinabi niya.
Baka nag-cr. Yeah, tama.
"Here's the water, ma'am." Agad ko namang inabot ang tubig at ininom iyon. Para kasing nanunuyo ang lalamunan ko. Kulang ang isang baso.
"Another water. Make it two nalang." Sabi ko dito at tumango naman ito saka umalis.
Medyo nahimasmasan naman ako kaya tumayo na ako. Hahanapin ko pa ang babaeng iyon dahil uuwi na ako. Baka malasing pa ako dito at kung ano pa ang mangyare sakin.
"Gago mo, ah. Hindi mo man lang ako kinuha samin. I've waiting you more than hour, Z." Nakarinig ako ng boses ng lalaki sa gilid nang mapadaan ako sa isang counter.
Binagalan ko ang lakad ko kasi para na akong nanghihina dahil medyo nahihilo ako.
Parang wala man lang epekto ang tubig na iyon?!
YOU ARE READING
ONSS2: One Night Stand With a Stranger [ON-HOLD]
Ficción GeneralAttending a party is a mistake.Hira Gomos always remind herself to move on what happened that night. A Stranger took her innocence in the party and she's blaming herself for being a bullheaded. She's drunk and out of herself so she ended up making o...