Ate, salamat po ng marami sa cover, gagamitin ko na siya. Hehe. I dedicated this part for you as a sign of gratitude. Sana patuloy kayong tumulong sa mga writer na mahinang gumawa ng cover kagaya ko. Hahaha.
-nonalita
"Tsk. Tsk. Tsk. Sinong mag-aakala na seryoso iyon sa panchichicas?" napapailing na tanong ni Curt matapos kong magkwento.
"Sinabi ko naman sa inyo diba?" sabi ni Cyfer na mukhang tantyado na ang nangyari. Rumaraket na naman siya ngayon sa bar, at ganun din si Curt.
"Pero bakit hindi mo sinabi na ang ex niya ang babae ng t-boom na iyon?" angil ni Curt na hindi gusto ang kinalabasan ng pagsama-sama ko kay Rosem.
"Hindi niyo naman itinanong a!" depensa ni Cy.
"Sira ka ba? Iyon ang pinakamahalagang detalye roon bro," Curt pointed out.
Somehow, that is not true. Yeah, I was shocked upon seeing Rosem with Senna, but even if it was a different girl, I would still act that way. Even if I already knew from Cy about her gender orientation, I was still surprised by the time I saw it with my own eyes.
Her slap was hard and it stung kaya naglagay ako ng band-aid sa pisngi, pero ang mas masakit ay ang mga sinabi niya. I just couldn't take it. I thought we were getting along as friends.
"Bakit ipinagkait mo ang impormasyong iyon kay Tryst? Tingnan mo siya ngayon," sabi ni Curt.
Napatingin ang dalawa sa hitsura ko na nakasalampak sa counter habang pinapakatitigan ang basong puno ng tequila.
Cyfer shrugged. "Still, hindi ko kasalanan na inaway siya ni Rosem."
Curt combed his hair in disbelief. "May gana ka pa talagang sabihin ulit kung ano ang nangyari? Come on, Cy, alam mo namang hindi naging maganda ang love story nila ni Senna, so anong ini-expect mong reaksyon niya sa natuklasan niya?"
"Mabuti nga iyong may iba na si Senna diba? Edi ibig sabihin, naka-move on na siya," Cyfer insisted.
"We both know that girl is really creepy. Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip nun."
"Tumigil na nga kayo," sabi ko na agad naman nilang pinagbigyan? Umayos ako ng pagkakaupo at nag-inat ng kaunti. "Ayos na ako."
"Are you sure about it?" Curt clarified.
"Oo. Hindi na bago sa akin ang masampal ng isang babae," sabi ko.
"Whew! Cool man, ikaw na nga iyan! Welcome back to consciousness!" Curt chimed.
"Baliw! Sino namang nagsabing wala ako sa sariili kanina?" bati ko.
"Hmm..." The two gave meaningful arms.
"Fine! Nagulat ako sa nangyar. It was my first time being slapped so hard without even cheating on a girl. And right then, I realized she's really different from all the other girls I knew. She was..enigmatic." I huffed after my long explanation.
Cyfer only nodded.
"Wow! Enigmatic ha? Big word!!" Curt mused.
"But it is true. She's the first girl to make me feel less than a man," I rebutted.
"Less than a man? Like Cy?" Curt teased.
"Shut up!" Cyfer and I gave him a death glare as a response.
BINABASA MO ANG
Smoking Beauty (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung ma-inlove ka sa isang babae na babae rin ang hanap? Mas lalake pa sayong umasta tapos tropa lang ang turing sayo. Will you stay by her side? O tatanggapin mo na lang na hindi kayo talo? Credits to ate @vNessaM for the beautiful new cover...