Nasa loob ng Hacienda Primera ang bahay niya?? Teka, kung taga-rito siya, malamang na isa siyang Brecede. Rosem... Siya ba si Rosemi Brecede? Ang nag-iisang tagapagmana? Aha! That makes sense.
Ngayon ko lang napagtanto. Kung ganoon, mayaman ang babaeng nasa loob ng sasakyan ko. Kaya pala ganoon na lang ang pakakakwento niya sa akin tungkol sa mga magulang niya. Natural lang na maging strikto ang mga magulang lalo na kung pwede itong gamiting ransom item.
Who knew na makakapasok ako rito? At sakay ko pa ang nag-iisang anak ng mga may-ari nito.
Bumaba ako para buksan ang pinto ng kotse sa gawi ni Rosem. "Hey, wake up!" I grabbed her shoulders and shook her.
She gasped and opened her eyes.
"We're here," I told her.
She nodded and made her way out of the car. Dahil hindi niya agad naiapak sa lupa ang paa niya ay nawalan siya ng balanse.
Mabuti na lang at naagapan ko siya. Nakulong siya sa bisig ko and I saw how she closed her eyes.
"Rosem," sambit ko para kunin ang atensyon niya pero hindi siya kumilos.
"Ganito pala ang feeling ng nalalasing," narinig kong sabi niya at lalo pang isinubsob ang mukha sa dibdib ko.
Hindi ako makakilos. Para ngang ayaw ko ng kumilos. Why? It felt incredibly good to have her in my arms and our bodies were close to each other like that. Parang kagaya sa bar kanina, but now we were in a private place.
Private? We're in front of her house!!
Panicking didn't help when the front door opened. Lalo akong nabato. Anong gagawin ko?
Bulbs outside the house lit up and that was when Rosem's eyes flew open.
Nanlaki ang mga mata namin nang makita ang dalawang tao sa harap ng bahay. Kunot na kunot ang noo ng lalakeng nakaroba habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Ang babae naman ay bahagyang nakanganga, tila namamangha. Bakit hindi? Nakita nila kaming magkayakap.
Itinulak ako bigla ni Rosem kaya nabitiwan ko siya.
Lumapit siya para humalik sa pisngi ng mga magulang niya. "Mom, Dad.."
"Good evening po!" bati ko naman sa dalawa.
"Good evening din! May I know kung bakit kayo nagyayakapan rito?" pormal na tanong ng daddy niya.
"Dad, uhm, bale kasi muntik na akong-" paliwanag sana ni Rosem.
"Siya ba ang boyfriend mo?" putol ng mommy ni Rosem sa sinasabi niya.
Ha? Oh no! Napagkamalan pa kami! Paano na ngayon?
"Dad, Mom, kasi-"
"It's okay, baby," nakangiting singit ulit ng mommy niya. "We're not mad because we caught you hugging this guy. It's okay to hug. Boyfriend mo naman siya, e. I actually felt relieved that you finally brought this young man here."
Umubo ang daddy niya nang kaunti bago nagsalita. "What's your name, hijo?"
"Trystan po, sir, mam, Trystan Hidalgo," pakilala ko.
"Nice to meet you, Trystan." Her mom offered a handshake. "I'm Emilia but you can call me tita Emi, and this is my husband, Ross."
So her name's origin is clear, right?
Nakipagkamay din ako sa daddy niya.
"I know it's late, but did you already have your dinner?" tanong ni tita Emi.
BINABASA MO ANG
Smoking Beauty (COMPLETED)
Ficção AdolescentePaano kung ma-inlove ka sa isang babae na babae rin ang hanap? Mas lalake pa sayong umasta tapos tropa lang ang turing sayo. Will you stay by her side? O tatanggapin mo na lang na hindi kayo talo? Credits to ate @vNessaM for the beautiful new cover...