"Makinig ka sa akin pre. Madali lang basahin ang mga babae. Iyang mga nakatingin saiyo dyan? Wala iyan. Ang piliin mo, iyong babaeng kahit wala kayong eye contact, malakas ang pull!" out of the blue na sabi ng tropa kong si Curt.
Bago ko makalimutan, Trystan nga pala. Nasa Noah's Arc kami ngayon.
Sa edad na 17, ang mga sophomore engineering students na kagaya namin ay praktisado na sa pag-iinom. Katunayan ay nagpapart-time ang kasama ko rito.
Hinalo-halo ko muna ang Martini sa baso bago ko ininom, at saka ako nagsalita. "Kailan mo pa natutunan ang equation ng relationship gravity? E pareho tayong madalas na wala sa klase?" bawi ko sa kanya. Kaunti lang kasi ang units ni Curt at madalas pa itong absent. Full load ako dahil sa pangungumbinsi ng mama ko ngunit wala ring pinagkaiba kay Curt pagdating sa number of absences. Kung may title nga siguro sa school para roon ay kaming dalawa din lang ang magbibilangan.
Palibhasa ay OFW ang parents ko kaya bwelo.
"Di ka makabawi Curt? Totoo kasi ano?" nangingiting-asong sabi ng bartender para sa gabing ito na si Cyfer, kakambal ni Curt, at walang ibang kukumpleto sa tropahan.
Ang dalawang ito ang responsable kung bakit malaya kaming maglabas-masok ng bar.
Pareho silang working student. Salitan sa pagiging bartender. Natural asset nila ang mukha, katawan, at galing sa paggiling habang nagtitimpla ng alak.
"Kung talagang handa na iyang si Trystan, matagal na sana iyang pumili sa mga babaeng nagkakagulo sa kanya," biglang sentro ni Cyfer sa tunay na topic tungkol sa akin.
Napailing na lang si Curt sa sinabi ng kakambal bago umorder uli ng isang gin and tonic-ang paborito niya, na agad namang ibinigay ni Cyfer.
Tinungga iyon ng buo ni Curt. "Iyon na nga e, sa dami nila, imposibleng wala kang magustuhan kahit isa, pare," banat uli ni Curt na tinanguan ko na lang. Pero sa isip-isip ko, hindi rin. Sabihin na ng iba riyan na makaluma ako, pero naniniwala ako sa true love.
Ilang beses na ring naging issue sa aming magkakaibigan ang pag-iwas ko sa commitment, e sa ayaw ko, tsaka gustuhin ko man, hindi ko pa nakikita ang babaeng gusto ko. Gaya ng suggestion ni Curt, nagtry ako dating pumili sa ilang babaeng kilala ko at medyo malapit ang loob sa akin, pero nauwi rin sa wala. Kung ano ang dahilan? Simple lang. Sabi ko nga diba, naniniwala ako sa salitang PAGIBIG, pero hindi ko pa nakikilala ang babaeng gusto ko. Kaya hanggang ngayon, single ako, at wala silang magagawa dahil desisyon ko iyon.
Kailan pa nga ba nagsimula ang pangungulit ng dalawang ito sa akin tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend? Hindi ko na maalala. Hindi ko na nga rin mabilang kung ilang beses na naming napag-usapan ito.
"Huwag mo na siyang kulitin bro. Baka walang makitang bakante," komento ni Cyfer na nakakatanggap sa desisyon ko.
"Tch. Imposible," sabi ni Curt at inilapag sa table ang empty shot glass niya bago sinala ng mata ang buong itsura ko. "Iyan si Trystan? One look from him and girls would already be orgasming, even breaking their guys' asses to be with him."
Sanay na ako sa kalaswaan ng bibig niya. Sa tagal ba naman naming magkakakilala.
"Buti kung kabilang sa lahat ng mga babaeng iyon ang gusto niya," argumento ni Cyfer who has always been the critical thinker in our group.
Curt and I didn't get the chance to either affirm or reject what Cyfer has stated when someone approached the young bartender.
"Cy, isang margarita nga." It was a girl and judging from its physical appearance, she is of our age.
BINABASA MO ANG
Smoking Beauty (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung ma-inlove ka sa isang babae na babae rin ang hanap? Mas lalake pa sayong umasta tapos tropa lang ang turing sayo. Will you stay by her side? O tatanggapin mo na lang na hindi kayo talo? Credits to ate @vNessaM for the beautiful new cover...