10-Guilty

212 8 21
                                    

Sa prisinto, dumating sina tito Ross at tita Emi para sunduin si Rosem. Buti na lang mga menor de edad kami kaya wala kaming kargo.

Pak!

Isang malakas na sapak ang inabot ko kay tito Ross. At hindi lang iyon, marami pa siyang binitawang masasakit na salita na pawing tumama sa puso ko na walang kinasanayang magulang na magtuturo sa akin ng leksyon sakaling mali na ang direksyon ko.

"Pinagkatiwalaan ka namin! Itinuring ka namin na parang sarili naming anak!" Bakit nga ba hindi ko pinahalagahan iyon?

"Hon, tama na. Naeeskandalo na tayo rito," pag-awat ni tita Emi sa asawa niya.

"Huwag mo akong pigilan Emilia! Kailangan niyang marinig ang lahat para matuto siya sa mali niya." Marahas na sabi ni tito at muling bumalik sa akin. "Paano mo nagawa sa amin ito? Wala kang utang na-!"

"Tama na!" putol ni Rosem sa pag-lilitaniya ng daddy niya. "Ginawa niya ang lahat para sa akin. Isinama niya ako sa bar para magkatuwaan. Hindi naman namin sinasadya na may makaaway ang kaibigan namin. Gusto kong maranasan ang maging malaya at ginawan niya ng paraan para mangyari iyon, kahit katiting lang. Hindi niyo ba naisip na masyado niyo ng pinakikialaman ang buhay ko? To the point na minamanipula niyo na ang bawat kilos ko. Nababato na ko sa sobrang pagkabagot sa mansion niyo."

"Bakit? Kulang pa ba sa iyo ang lahat ng pagmamahal at karangyaang ibinibigay namin? Nagtatrabaho kami ng mabuti para maibigay ang lahat ng kailangan mo. Kung kinakailangan na ikulong ka namin sa mansion para hindi ka maimpluwensyahan ng mga taong kagaya ng lalakeng ito ay gagawin namin!"

"Diyan naman kayo magaling e. Ilang taon niyo ba kong gustong grounded sa bahay?"

"Rosem.." Sinubukan kong pigilan siya pero hinarap niya pa rin ang mga magulang niya at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Naitanong niyo na ba sa akin kung ano ang gusto ko? Hindi diba? Lagi naman kasing kayo ang nasusunod. Paano naman ako? Wala na ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko?"

"Ginagawa namin ang lahat para sa ikabubuti mo, at hindi iyon pwedeng malampasan ng kagustuhan mo kung ikakasama mo rin lang," sagot ni tito Ross.

Ngumiti ng mapait si Rosem. "Ganyan naman kayo e. Kayo lagi ang tama. Hindi niyo ba nakikita na hindi ako masaya? Inilalayo niyo ako sa mga bagay na pwedeng maging ako."

Pak!

Hindi ko inaasahang sasaktan din ni tito si Rosem. "Tito!" I shouted and caught his arm mid-air to stop his second attempt to slap his own daughter.

Marahas na binawi ni tito ang kamay niya sa akin.

"Sige, saktan niyo pa ko!"

"Tama na Rosem, anak," naiiyak na pagpigil ni tita sa mag-ama. "Papa mo pa rin siya at kailangan mo siyang i-respeto. Simula pagkabata, ginawa namin ang lahat para mapabuti ka. Ibinigay namin ang lahat ng gusto mo."

"Para ano? Para matiyak na susundin ko ang lahat ng gusto niyo diba? Sawang-sawa na ako sa pangkokontrol niyo sa buhay ko! Ni wala akong naging kaibigan simula pagkabata dahil sa sobrang ka-istriktuhan niyo! Lagi kayong may pagdududa, lagi kayong nag-iingat, kaya wala akong natututunan sa tunay na mundo." Naluluha na si Rosem at wala ng ibang masabi ang mga magulang niya. "Trystan, tayo na." She grabbed my hand and pulled me away from her parents.

"Anak, saan ka pupunta?" narinig ko pangtanong ng mommy niya. "Hon, hindi mo ba sila pipigilan?"

"Let them do what they want," narinig ko namang sagot ng daddy niya.

Smoking Beauty (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon