Matapos maghugas ng mga kubyertos ay lumabas kami ng mansyon at iginala ako ni Rosem sa rancho nila.
"Ang lawak at ang ganda!" namamanghang puri ko sa lugar.
Ngumiti lang si Rosem at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Bago ko gawin iyon, I gave the whole place one last look.
Malalaki ang kwadra ng bawat kabayo at napakalawak ng lupaing pwedeng baktasin sa pangangabayo. Marami ring punong namumunga sa paligid. Presko ang hangin at nakakarelax ang lugar.
Sinundan ko si Rosem sa loob ng isang kwadra at nakita ko siyang hinahaplos ang mukha ng isang puting kabayo.
"Halika, subukan mo rin," alok ni Rosem, and I happily obliged.
"May pangalan ba siya?" tanong ko.
Tumango si Rosem bago magsalita. "Pegasus."
"Gaya ng nasa Greek mythology?" paniniguro ko.
"Oo," sabi ni Rosem na nakatingin sa akin na parang may kung anong malalim na iniisip.
"Ganda ng pangalan a, bagay sa itsura," sabi ko.
"Si Daddy ang nagpangalan sa lahat ng kabayo rito."
"Ehem!" Naykupo!
"Ay, kayo po pala tito Ross." Nagbow ako. Nakakadalawa na ito ha! Kanina sa mesa, nambigla rin ito. Balak niya bang bigyan ako ng sakit sa puso para tigilan ko na ang anak niya?
"Hindi mo na kailangang magbow," paalala ni tito.
"Paumanhin," mabilis kong sabi nang iangat ang ulo ko. "Bakit po pala Pegasus ang ipinangalan niyo sa kabayong ito?" turo ko sa puting kabayo.
"Lahat ng kabayo rito ay pinangalanan ko ayon sa Greek mythology," sagot ni tito.
"Hmm, good choice tito," I smiled and I saw how he stiffened. Awkward bang ngitian siya ng suitor ng anak niya? Kailangan kong tagalan ito. Kakayanin ko. Besides, nag-eenjoy ako sa pamilya ni Rosem.
Napansin ko na parang naghihintay pa si tito sa kung ano pang sasabihin ko dahil nakatingin lang siya sa akin. "Mahilig din po ako sa Greek mythology, pero hanggang sa pagbabasa lang ng mga kwento," kwento ko.
"Dyan din ako nagsimula noong ka-edad niyo pa lang ako," dugtong ni tito.
Tahimik lang si Rosemi sa paghimas sa ulo ni Pegasus pero alam kong nakikinig siya sa amin.
"Iyang si Rosem, wala iyang hilig sa libro gaya ng mommy niya, wala ng ibang ginawa kundi manood ng tv, maglaro sa ipad at gumala. Kaya halata naman sa marka niya," bothered na pagsishare ni tito ng saloobin.
"Dad naman," Rosem whined upon hearing her dad telling me about her.
"Ayaw mong malaman niya ang totoo? Doon ko lang masisiguro kung hanggang saan ka niya kayang tanggapin," paliwanag ni tito kay Rosem, pero alam kong sinadya niya iyong iparinig sa akin.
Hanggang saan ko nga ba kayang tanggapin si Rosem? Bakit ako pumunta rito? Para lang nga ba sa parents niya? O para sa kanya? Ugh! I need to clear my mind.
"Pwede po ba akong sumakay?" pagpapaalam ko kay tito.
"Marunong ka ba?" tanong ni Rosem na parang nanghahamon.
"Oo naman," sagot ko.
"Hindi ako maniniwala hanggat hindi kita nakikitang mangabayo," sabi niya. And so I'm right, she's really challenging me.
"Gusto mo isakay pa kita?" sagot ko naman which instantly made her cheeks burn. Hindi ko nga gets kung bakit.
"Ehem!" panawag-pansin ni tito Ross kaya nabitawan ko ang kamay ni Rosem. "Kapag nagawa na kitang kilalanin bilang nobyo ng anak ko, saka mo lang siya maaaring isakay sa kabayo. Pero ngayon, magkaibang kabayo ang sasakyan niyo."
"Walang kaso po iyon sa akin," magalang na pagsang-ayon ko. "Tsaka huwag kayong mag-alala, marunong po akong mangabayo."
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo," seryosong pahayag ni tito. "Sige na, habang maaga pa."
"T-Talaga, daddy?" tanong ni Rosem na para bang nanalo sa lotto. Kainis! Ang kislap ng mga matang iyan ang isa sa dahilan kung bakit magaan ang loob ko sa kanya.
"Oo, pero ngayon lang na nandito si Trystan, para masamahan mo siya sa pag-iikot," pagpayag ni tito Ross.
"Yehey!!" And just like that, parang nakawalang tupa si Rosem na nagmadali sa pagkuha sa kabayo at pagsakay palabas. "Hiyah! Takbo, Pegasus!!!"
Habang inilalabas ko ang isa pang kabayo ay sumabay na rin si tito sa paglalakad palabas ng kwadra.
"Senyorita! Kabilin-bilinan po ni Senyor na-" sabi sana ng isang katiwala na nakakita kay Rosem pero agad rin natigilan nang tapikin ni tito ang balikat nito. "Senyor, kayo po pala." Tinanggal pa nito ang suot na buri at nagbow pa ito.
"Mang Crsipin, pinahihintulutan ko siya ngayon na maglibang sa pangangabayo kasama ang nobyo niya." Lumingon si tito sa akin. "Si Trystan."
Nagbow din sa akin ang matandang lalake.
"Naku, hindi niyo po kailangang magbow sa akin," sabi ko at iwinagayway pa ang dalawang kamay ko sa ere.
Nagkatinginan na lang ang dalawa sa reaksyon ko at nag-ngitian.
"Hijo, ikaw na muna ang bahala sa anak ko," sabi ni tito at sumenyas papunta sa direksyong tinahak ni Rosem. "Kung maaari sana, ingatan mo siya."
"Salamat po," magalang na pagtanggap ko sa tungkulin.
Matapos iyon ay sinundan ko na sa pangangabayo si Rosem.
"Hoy Rosem! Huwag ka ngang basta na lang nang-iiwan!" sabi ko sa kanya habang pigil ang hininga ko sa paghabol sa kanya.
"Akala ko ba marunong ka?" balik-sigaw niya sa akin.
Tae! Mas pasikat pa sa akin ang babaeng ito. Hindi pwede ito. Kailangan ko pang bilisan ang paghabol ko o kaya ay maiwawala niya ako sa kakahuyan.
Pero sa loob-loob ko, may natatagaong saya. Ikaw ba naman kasi ang hayaang masolo ang nag-iisang tagapagmana ng mga Brecede?
BINABASA MO ANG
Smoking Beauty (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung ma-inlove ka sa isang babae na babae rin ang hanap? Mas lalake pa sayong umasta tapos tropa lang ang turing sayo. Will you stay by her side? O tatanggapin mo na lang na hindi kayo talo? Credits to ate @vNessaM for the beautiful new cover...