6-Hopeful

193 7 6
                                    

When you hit the ball dead on, it reaches the goal..

"Hoo! Nakita mo iyon? Ang galing ko diba? Diba?" hiyaw ni Rosem matapos tirahin ang golf ball.

She's too good for me. Will I be able to reach her? Or will I be hitting on her for the rest of my life? Ugh! That's too much for a thought.

"Ikaw din o," abot niya sa akin ng rack.

"Sige," pagpayag ko.

"Sigurado ka bang marunong ka?"

Tumango ako. "Sasabihin ko naman sa iyo kung hindi."

It's her time to nod this time.

Naglabas pa siya ng isang rack at nagsimula kaming magparamihan ng puntos.

Hanggang sa mapagod na siya. "Ayoko na, panalo ka na.."

"Just give it one more try. Malay mo, masuwerte ka." Hinihintay ko ang last hit niya.

"Gumaganti ka lang sa akin ng asar e, pero sige, tutal huling tira na ito, pero kapag nanalo ako, kailangan nating magkaroon ng tie-breaker."

"Hindi ka talaga makaget-over sa pagkatalo kanina sa pangangabayo ano?" I pondered.

"Shut up." At saka siya tumira.

Pabagal nang pabagal ang bola habang palapit sa hole.

Hanggang sa...

Shoot!

"Yes!!" sigaw ni Rosem at nagchestbump pa sa akin. Wew! "Ay sorry," sabi niya nang mapansin ang pagkailang ko.

"Okay lang. Ganoon din kami nina Curt at Cyfer kapag masaya."

"Pero bakit...?" Itatanong niya ba kung bakit hindi ako tumugon? "Never mind," mabilis na bawi niya. "Paano ba iyan, panalo ako?" Mabilis ding nagbago ang facial expression niya from clueless to a happy smile.

"Edi anong laro ang sunod dito?" tanong ko.

"Archery!!" masayang sabi niya.

"Kaya lang, hindi ako marunong."

"Ano ba iyan? Bakit naman kung alin pa ang tie-breaker, iyon ang hindi mo alam," she teased.

"Wala ka na bang ibang alam na laruin?"

"Wala na e."

"Well I guess I have no choice then." Namulsahan ako.

"Pero sabi mo hindi ka marunong diba?" A, wala siyang ideya.

I looked at her frail form. "Edi turuan mo ako tapos tsaka tayo maglaban."

Kumunot ang noo niya. "Nagbibiro ka ba? Hindi ganoon kadaling matutunan iyon." Can't she trust me? Oh well, I also have doubts if I can possibly carry on archery through half a day. But for her satisfaction, I would like to try.

Nakuha kong matutong mangabayo only within a day with Coach Rambo's assistance. Ang pagpana pa kaya? "I believe I can do it. I'm a fast learner after all." I smiled with confidence. "It now depends on the teacher. I count on you." I lightly tapped her shoulder.

"Stupid!" she muttered, taking my hand off her shoulder, before guiding me to the Archery Hill which was surrounded by apple trees.

Smoking Beauty (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon