Samantala na sa isang madilim na kwarto si shiela Wala siyang kamalay malay sa lahat ng nangyari hindi niya alam na wala na ang tatlo niyang kaibigan nag iisa nalang siya at ang masaklap pa nito ay naka kulong siya sa isang hawla.
Naligo muna si cassandra bago siya lumabas sa silid na iyon pag katapos ay nag pahinga muna siya , pagod na pagod ang kanyang katawan sa pag patay niya sa dalawang lalaki. Humiga siya sa kama, napangiti siya sa kanyang ginawa, habang inaalala ang gabing nag iinoman ang tatlong mag kakaibigan.
Dahil sa subrang kalasingan ng tatlong mag kakaibigan ay hindi na nila kinayang pumasok sa kanilang coutage. Napangiti naman si cassandra sa kanyang nakita inisa isa niyang dinala ang tatlo sa isang kwarto kung saan niya pinatay si amanda. Habang si shiela naman ay hiniwalay niya sa dalawang lalaki. Ipinasok niya ito sa isa ring sekretong kwarto sa under ground. Inilagay niya si shiela sa isang hawla at si kiven ay pina upo niya sa silya na ginamit din ni amanda ng patayin niya ito. Habang si harold na man ay hinubaran niya at ibinitin niya patiwarik.
Habang inaalala niya ang lahat ng iyon ay para siyang isang baliw na maluhaluha sa katatawa.Hindi makatulog si shiela ng gabing iyon dalawang araw na siyang naka kulong sa hawlang iyon. Sigaw siya ng sigaw ngunit walang ni isang nakakarinig sa kanya, Wala siyang nagawa kundi ang umiyak,
Inalala niya ang mga nang yari noong nag iinoman sila, ang natatandaan lang niya ay nag inuman silang tatlong mag kakaibigan sa bar tapos lasing na lasing sila, yun lang ang natatandaan niya, kung bakit at paano siya na punta sa madilim na kwartong iyon ay hindi na niya natatandaan.
BINABASA MO ANG
Reuion (Short Story)
HorrorIsang masayang outing ang ang napag planohan ng mag kakabarkadang Amanda, Kevin, Shiela at Harold. Dati silang mag kaklasi at ilang taon ding hindi sila nag kitakita dahil na rin sa busy sa kanikanilang mga trabaho dahil sa tulong ng social networki...