PROLOGUE

4 0 1
                                    

Hi! i'm Yesha Eunixe De castro 17 years old.No one knows about me, hindi nila alam na nage-exist ako, simula namatay ang mga magulang ko. itinakwil na ako ng lolo ko, hindi naman daw nila ako pamilya eh, sampid lang daw ako sa buhay nila HAHA harsh right? nung pinalayas nila ako, wala akong kaalam-alam kung saan ako pupunta, ni wala akong dalang kahit na ano. Damit? wala pera? wala, lahat wala kahit piso wala, not until napunta ako sa isang lugar na tanggap ako, sa  lugar na minamahal ako ng lahat. Sobrang saya ko dahil napunta ako sa lugar na yun. May nakilala akong matalik na kaibigan, masayahin, makulit, palangiti, punong puno ng kulay yung buhay niya, naiingit ako sa kanya oo. complete family siya eh. Tsaka, tanggap yung kasarian niya, yes HE'S A GAY definitely a GAY, pero walang kaso saken yun, tanggap ko siya kung ano man siya. Paborito naming tignan yung mga bituin tuwing gabi.

"Esha! halika na dali, malapit ng gumabi! makikita na ulit natin si starla!" masayang sabi ni Shiro.

"Pfft! HAHA masyado ka namang exited na makita si starla!"

"Siyempre noh! mas cute kaya yun sayo duhh" pairap niyang sabe sabay flip ng imaginary hair niya "daw"

umiling-iling nalang ako. "O siya, sige na. Halika na at abangan si starla"

"Ayon! yan ang gusto ko sayo!"

"So may gusto ka saken?" pabulong kong sabe.

"May sinasabi ka babaita?" nakapa-maywang niyang tanong.

"Wala po master beks"

"Amp! halika na! ayun na si starla oh i can see it na shining shining"

HAHAHAHA laugh trip talaga tong si beks.

maya-maya pa habang nakahiga kami sa nilatag naming kumot sa gilid ng malaking puno, ngunit tanaw na tanaw mo padin ang malawak na kalangitan.

"Esha"

"Hmmm?"

"Pag nawala ako......." bago niya tinuloy yung sasabihin niya ay tumingin muna siya saken. "Wag kang iiyak ahh, hindi kona mapupunasan luha mo ehh" nakangiti niyang sabe, habang ako naman ay naguguluhan sa pinagsasabi niya.

"Tsk! ano ka ba Shi? walang patay patay na magaganap ok? diba motto natin 'walang iwanan'?"

pagkatapos kong sabihin yun ay ngumiti siya saken. Huminga siya ng malalim at sinabing.............

"Alam mo Esha? walang bagay na nagtatagal, lahat ng tao pwedeng mawala. Yung kahit ayaw pa nilang lumisan.....hindi pwede kase hanggang dun lang sila eh, kaya kahit masaket isipin na may maiiwan kang mga mahahalagang tao para sayo. Wala kang magagawa" mahabang paliwanag niya habang nakangiting nakatingala sa langit.

"A-ano bang pinagsasabi mo!" sabi ko sabay sapok ng balikat niya.

"HAHAHA wag kang mag-alala Esha, pag dumating man yung araw ng katapusan ko" huminto siya saglit at sinabing. "Hindi ka naman mawawala sa puso't ala-ala ko" nakangiti niyang paliwanag.





Bear with me please, THIS IS MY FIRST STORY i hope you'll understand ENJOY READING!

I LOVE YOU 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon