Palagi akong mag-isa noon, wala akong kaibigan, wala akong maturing na pamilya. At lalong lalo ng walang nagmamahal saken. Pero ng makilala ko siya, binago niya lahat. Binago niya yung takbo ng buhay ko, binigyan niya ako ng lakas at pag-asa sa buhay.
*FLASHBACK*
(author's POV)Umiiyak ang batang Yesha sa hindi malamang lugar.
"Uy bata! Bat ka umiiyak? Naligaw ka ba?" biglang tanong ng binatang lalake.
Tumingala ang batang Yesha. "Hindi na ako bata! 14 na ako!" pagalit niyang sabi.
"Ay weh? HAHAHA ang liit mo kase eh" natatawang sabi ng lalake.
tapatigil naman si Yesha sa pagiyak. "Anong pangalan mo?" tanong ng lalake.
"Yesha" pabulong niyang sagot.
"Ahh ako naman si Shiro!" nakangiting pahayag ng batang lalake.
"Bat ka nga pala umiiyak kanina?"
"Namatay kase yung parents ko"
"Kaya pala.......Condolence Esha" nakangiti ang lalake habang may awa ang kanyang mga mata.
"E-esha?"
"Yup! Yun na magiging nickname mo saken" Nakangiting sabi ng batang lalake."May matitirahan ka ba? Gusto mong sa bahay ka muna namin tumira?"
"T-talaga?"
tumango naman ang batang lalake.
"H-hindi mo ako i-iiwan?" parang naiiyak na sabi ni Yesha.
ngumiti ang lalake. "Ofcourse" masayang sabi nito. "Hinding-hindi kita iiwan, lalo na't may pinagdadaanan ka. Mas kailangan mo ng masasandalan kaya hindi kita iiwan, mananatili akong nasa tabi mo hanggang sa huli kong hininga" nakangiting sabi ni Shiro.
Hii readers! Did you enjoy this chapter? Please let me know:)
ENJOY READING!
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU 3000 (Completed)
Short StoryEsha" "Hmmm?" "Pag nawala ako......." bago niya tinuloy yung sasabihin niya ay tumingin muna siya saken. "Wag kang iiyak ahh, hindi kona mapupunasan luha mo ehh" nakangiti niyang sabe, habang ako naman ay naguguluhan sa pinagsasabi niya. "Tsk! ano...