7

4 0 0
                                    

Pagtapos nilang asikasuhin si Shiro sa ER ay lumipat na siya sa isang private room.

"Shiro.......pagaling ka agad ahh"

tumingin siya saken ng matagal. "O-oo naman" paos niyang sabi.

Nginitian ko siya at sinabing."I promise mo saken na lalaban ka, na malalampasan mo tong pagsubok na toh Shi. Ipangako mo"

Tinitigan niya lang ako ng matagal at hindi sinagot ang tanong ko.

Sa halip sabi niya ay."Pano ba yan Esha pag nawala ako wala kanang makikitang magandang dilag" natatawang sabi niya.

"Ano ba! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!"

Ngumiti lang siya saken bago bumuntong hininga. "Alam mo Esha? Hindi lahat ng tao sa mundo tumatagal. Ang salitang FOREVER ay para lamang sa mga nababasa mong libro at alamat, lahat ng tao nawawala. Pero wag kang mag-alala pag ako nawala, tumingin kalang sa mga bituin sa langit kase andun lang ako tatambay, babantayan kita palagi" nakangiti niyang sabi.

Humagulgol ako ng iyak at niyakap siya ng mahigpit. Ayokong mawala ka Shiro, hindi ko kakayain.

I LOVE YOU 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon