6

3 0 0
                                    

Simula ng malaman ko ang kondisyon ni Shiro, Palagi na akong nasa tabi niya.

"Ano ba babaita! Para namang mawawala ako, palagi ka nalang nakabuntot" pairap na sabi ni Shiro.

"Wag kanang maarte dyan Shirogie. Ako ng bahala sayo"

*KINAGABIHAN*

"Hi nay mano po, nasaan po si Shiro?" tanong ko kay nanay paguwi ko galing sa palengke.

"Andun siya sa kwarto niya anak, hindi pa nga lumalabas yun simula kanina eh" nag-aalalang sabi ni nanay Selya.

"Ahh ganun po ba? Sige po nay ako nalang po tatawag sa kanya" sabi ko at dumaretso sa kwarto ni Shiro.

Nagulat ako pagbukas ko ng pinto.

"Shiro?! Anong nangyare sayo?!" nakita kong nakahiga si Shiro sa sahig habang may dugo ang kanyang bunganga at damit.

"Hmm....E-esha?" hirap niyang sabi.

Naiiyak ko siyang tinignan."Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Nay tulong! Si shiro po!"

"S-shiro! Ano ba? SABI MO OKAY KALANG DIBA?! Baket ganto? Anong nangyayare sayo?" umiiyak kong sabi.

"Jusko anak ko!" umiiyak na sabi ni nanay selya habang tumatakbo papunta sa anak.

Pagdating ng ambulansya ay sinugod agad namin si Shiro sa ospital.

"S-shiro lumaban ka please" pabulong kong sabi habang nasa stretcher siya.

"Ma'am sorry po hanggang dito nalang po muna kayo" sabi ng nurse at pinasok na sa loob ng ER si Shiro.

"A-anak ko!" humahagulgol na iyak ni nanay Selya.

Nilapitan ko siya at niyakap. "lalaban si Shiro nay" pilit kong pagpapatatag sa kalooban niya.




I LOVE YOU 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon