2

3 0 0
                                    

"Bekiiii!!" nakakairitang sigaw ng kaibigan ni Shiro.

"Ano ba Cola?! kung makasigaw ka parang may sunog!"

"Oo nga bat ka ba kase nandito Langot?" nakakunot noo kong sabi.

tinignan naman niya ako ng napakasama at sinabing."Amp! wag mo akong tawaging ganyan hayup kang babaita ka! toxic! palibhasa kase lahat ng babae sa mundo toxic" madamdamin at naiinis niyang sabi, sabay irap.

"Ohhh kalma lang Colangot, kalma lang"

"Putang-"

"Tsk! ano ba? kung mag-aaway kayo pwede lumabas nalang kayo?!" inis na sigaw ni Shiro.

"Toxic!"

"Colangot!"

............................

"Uy Eunixe!" tawag ng ni Edi, kaklase kong basketball player na supot CHARR.

"Oh?"

"Manonood ka ba ng laro namin mamaya?" nakangiti niyang tanong.

"Hindi"

"Huh? bakit hindi?"

tinignan ko siya at sinabing."Ano namang gagawin ko dun? sisigaw? iche-cheer ka? kunin mo nalang ngala-ngala ko ikabit mo sayo tapos i cheer mo sarili mo" masungit kong sabi.

nakita ko namang napanganga si Edi dahil dun.

"Ahmm hindi mo namang kailangang i cheer ako Eunixe, just watch me playing"

ay wow ingles! HAHAHA ang pangit mo Edi!

"Tsk okay"

"Yes!" nakangiting tagumpay niyang sabi sabay suntok ng kamay niya sa ere, nakikipagsuntukan ata sa ulap.




pagdating ko sa parking lot nakita ko si Shi na nakabusangot na naghihintay saken.

"Oy babaita! kanina pa ako naghihintay sayo, eh kung wala ka namang balak umuwi edi sana sinabi mo saken noh? para kahit hanggang hating gabi pa kayo maglandian ng lalaking supot na yun" mataray niyang sabi.

Bahagya pa akong natulala sa sinabi niya.

"Bakit beks, tuli kana?"

"Oo bakit? pakita ko sayo?!" galit niyang sabi.

"HAHAHAHAHAH ikaw naman beks! nagjo-joke lang ako"

tinitigan niya lang ako ng masama at pinaandar na ang kanyang kotse.








I LOVE YOU 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon