Esha" "Hmmm?" "Pag nawala ako......." bago niya tinuloy yung sasabihin niya ay tumingin muna siya saken. "Wag kang iiyak ahh, hindi kona mapupunasan luha mo ehh" nakangiti niyang sabe, habang ako naman ay naguguluhan sa pinagsasabi niya. "Tsk! ano ka ba Shi? walang patay patay na magaganap ok? diba motto natin 'walang iwanan'?" pagkatapos kong sabihin yun ay ngumiti siya saken. Huminga siya ng malalim at sinabing............. "Alam mo Esha? walang bagay na nagtatagal, lahat ng tao pwedeng mawala. Yung kahit ayaw pa nilang lumisan.....hindi pwede kase hanggang dun lang sila eh, kaya kahit masaket isipin na may maiiwan kang mga mahahalagang tao para sayo. Wala kang magagawa" mahabang paliwanag niya habang nakangiting nakatingala sa langit. "A-ano bang pinagsasabi mo!" sabi ko sabay sapok ng balikat niya. "HAHAHA wag kang mag-alala Esha, pag dumating man yung araw ng katapusan ko" huminto siya saglit at sinabing. "Hindi ka naman mawawala sa puso't ala-ala ko" nakangiti niyang paliwanag.