Pag gising ko kinabukasan nakita ko si Shirong nakatitig saken.
"Hoy! bat ka nakatitig?"
"Siyempre pag nawala ako diko na makikita yung panget mong mukha" nakangisi niyang saad.
"Ano bang pinagsasabi mo Shiro?!"
tumawa lang siya at tumingala.
"Mahal na mahal kita Yesha.......mahal ko kayong dalawa ni mama, sobra." nakatingin sa kawalan niyang sabi."Esha, may hiling ako sayo" sabi niya sabay tingin saken."Bantayan mo si mama palagi ah, wag mo siyang papabayaan. Ipangako mo rin saken na wag mong papabayaan yung sarili mo, pangako?" seryoso siyang nakatingin saken habang may ngiti sa labi niya.
naguguluhan man ako pero pumayag na ako."P-pangako"
Nakita ko siyang ngumiti.
"Mahal na mahal din kita Shiro, kaya sana wag mo akong iwa-" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Alam ko" tumingin siya saken. "Randam ko yung pagmamahal mo saken Esha, humihiling ako sayo na kay mama mo lahat ibuhos yung pagmamahal mo saken pag nawala na ako" seryoso niyang sabi.
"S-shi-" nalatigil ako sa pagsasalita ng marinig kong tumunog ang monitor niya.
Mabilis akong napatingin dun."S-shiro kumapit kalang! Lumaban ka! S-saglet tatawag ako ng doctor" hindi pa ako nakakaalis ng hilain niya aki at niyakap ng mahigpit.
"M-mahal kita Yesha......pakisabi k-kay mama, mahal na mahal ko siya. U-utang ko ang buhay ko sa kanya" nahihirapan niyang sabi.
"M-mahal din kita shiro" pabulong kong sabi kasabay ng paghinto ng heartbeat niya at pagubos ng lakas ko.
My Baby Shiro is now dead.......
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU 3000 (Completed)
Short StoryEsha" "Hmmm?" "Pag nawala ako......." bago niya tinuloy yung sasabihin niya ay tumingin muna siya saken. "Wag kang iiyak ahh, hindi kona mapupunasan luha mo ehh" nakangiti niyang sabe, habang ako naman ay naguguluhan sa pinagsasabi niya. "Tsk! ano...