Chapter 2

15 1 0
                                    

JIA'S POV

Nagising ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa'kin ang isang lalakeng mahimbing na natutulog at nakayakap pa siya sa'kin.

Ilang segundong napaisip ang utak ko hanggang maalala ang nangyari kagabi pati ang paghalik niya sa'kin.

Ngayong napagmamasdan ko ang mukha niya ay hindi ko maipagkakailang gwapo nga siya. Parang pamilyar din ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Dahan dahan kong hinawakan ang pisngi niya at bigla na lang siyang dumilat kaya napatigil ako. Ilang minuto kaming nagkatitigan hanggang magsalita siya.

"Who are you?" Tanong niya at napalunok naman ako dahil sa boses niya. A husky voice.

"Do you want me to kiss you so you'll remember what you did last night?" I fearlessly asked him and he look shocked.

This is one of my characteristics, being fearless even tho I don't know the person.

Bumangon na ko saka ko siya tiningnan. Mukhang naaalala na niya yung ginawa niya kagabi dahil sa expression ng mukha niya.

"Bumaba kana maya maya. Magluluto ako ng pagkain." Sabi ko saka lumabas at sinara ang pinto. Pagkababa ko ay naghilamos muna ko saka nag umpisang magluto.

Makalipas ang 20 minutes ay natapos na rin ako at sakto rin na bumaba na siya suot ang damit na pinahiram ko sa kan'ya. Binigay ko yon kanina sa kan'ya dahil naalala kong medyo madumi na rin ang suot niyang damit at syempre pinaligo ko na rin siya.

"Kumain na tayo." Aya ko sa kan'ya pagkahain ko. Ramdam ko naman ang pagtitig niya sa'kin, nakaupo na ko pero nakatayo pa rin siya.

"Hindi ka man lang ba magtatanong about sa'kin?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Makapaghihintay naman 'yan. Kumain ka muna." Sabi ko at wala naman siyang nagawa kung hindi ang umupo at kumain.

Tahimik lang kami hanggang sa matapos kumain.

"Saang lugar nga pala 'to?" Panimulang tanong niya kaya napatingin ako sa kan'ya saglit.

"Northeastern Camp Wood." Sagot ko na mukhang ikinagulat niya. Kinwento ko naman sa kan'ya ang buong pangyayari kagabi hanggang sa ginamot ko siya.

"Are you not going to be mad at me because of what I did last night?" Mahinang tanong niya at mukhang nahiya siya dahil sa ginawa niya kagabi.

"Have we met before?" Tanong ko naman dahil pakiramdam ko talaga ay nakita ko na siya dati. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya na sagot sa tanong ko.

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap kana sa inyo." Pag change topic ko habang pinagmamasdan ang expression ng mukha niya.

"I'm not going home yet. Can I stay for few days?" Tanong niya habang puno ng determination ang mga mata niya na ayaw niyang umuwi. May nangyari siguro sa kanila.

"As long as you will help me with the chores." Sagot ko at tumango naman siya. Tumingin ako sa paligid saka tumingin sa kan'ya.

"Let's clean the house now." Sabi ko saka tumayo at niligpit ang pinagkainan namin.

"Nasa gilid ng hagdan ang walis at map. Walisin mo muna 'tong first floor saka imop. Ako na ang bahala sa second floor." Utos ko sa kan'ya at agad agad naman siyang kumilos.

Hindi siya nagkwento about sa nangyari kagabi so I guess ayaw niya munang magsabi kaya hahayaan ko muna siya.

Falling Into Your SmileWhere stories live. Discover now