JIA'S POV
"Gusto mo unfriend na lang kita?" Nakangiting banta ko sa kan'ya pero hindi niya pa rin ako nilingon.
"Anong klaseng profile picture 'to, anime? No wonder na 20 lang ang friends mo sa fb." Pang iinsulto niya sa account ko na totoo naman kaya nakakaasar.
"Wala ka man lang bang picture mo sa account mo?" Tanong niya na mukhang ini-stalk ako pero wala siyang mahahanap dahil hindi ako nag u-upload ng picture ko.
"Never akong nag upload ng picture." Sagot ko sa kan'ya at tiningnan niya ko na para bang tinatanong kung seryoso ba ko.
"Mag picture ka palitan mo profile picture mo." Sabi niya saka tumabi sa'kin.
"Ano bang problema mo sa profile picture ko??" Kunot noong tanong ko sa kan'ya.
"You're my only facebook friend that have an anime profile picture." Sagot niya at kinuha ang cellphone ko at maya maya pa ay tinapat niya sa'kin ang camera ng phone ko habang hawak niya.
"Say cheese." Utos niya at ngumiti na lang ako ng pilit para matapos na ang picture na 'to.
"Nice pic." Komento niya habang kinakalikot ang phone ko. Dumungaw naman ako at nakita kong inupload niya ang picture ko. Ngayon ko lang din napansin ang kamay niyang naka piece sign sa taas ng ulo ko kanina.
"Ikaw naman p-picturan ko tutal pinicturan mo ko." Sabi ko sa kan'ya saka kinuha ang cellphone niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kan'ya saka tinapat ang camera sa'min.
Pagkapicture ay binalik ko rin sa kan'ya ang phone niya. Napatingin pa ko sa kan'ya dahil wala siyang imik. Pansin ko ang konting pamumula ng mukha niya. Tinapat ko naman ang kamay ko sa noo niya.
"May sakit ka ba? Mainit ba? Bakit biglang namula ang mukha mo?" Tanong ko pero hindi naman siya mainit. Maya maya pa ay hinawi niya ang kamay ko saka tumayo at naglakad palabas sa kwarto ko.
"Anong problema no'n?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko.
∆∆∆
1 week na ang nakalipas mula nung mag stay dito sa bahay si Jesin at inaamin kong masaya ako dahil may kasama ako saka puro kami kalokohan madalas.
"May tumatawag sa phone mo." Sabi niya saka binigay sa'kin ang phone ko. Hiniram niya kanina dahil nagpapasa siya ng laro. Nakatambay din kami ngayon sa sala.
Pagtingin ko ay si kuya ang tumatawag. Agad ko namang sinagot.
[Ayos ka lang ba diyan, Jia? Papapuntahin ko na diyan mamaya si ate Nora para may kasama ka.] Sabi niya kaya bigla akong nataranta at nakalimutan ko rin na ngayong week nga pala balak papuntahin ni kuya si ate Nora.
"Ayos lang ako kuya saka wag mo na rin papuntahin si ate Nora. Kaya ko naman dito at gusto ko rin mapag-isa." Sagot ko dahil pag pumunta dito si ate Nora ay patay ako dahil may kasama akong lalake.
[Anong ayos lang? Mag-isa ka lang diyan baka mamaya kung anong mangyari sayo.] Pamimilit ni kuya. Napatingin naman ako kay Jesin na nakatingin sa'kin at mukhang nakikichismiss dito sa usapan namin.
"Ayos lang talaga ako kuya saka walang masamang mangyayari sa'kin." Pangungumbinsi ko sa kan'ya.
[Nagdududa ako sayo ah. Hindi ka naman gan'yan dati saka gusto mo rin lagi kasama si ate Nora tuwing magbabakasyon diyan.] Sabi niya kaya kinabahan ako bigla.
"Gusto lang mapag-isa kuya at mag spend ng time sa sarili ko. Sinabi ko rin na pag college na ko ay mag d-dorm ako dahil gusto ko maging independent." Sagot ko na sana'y gumana. Natahimik naman si kuya bigla sa kabilang linya kaya kinabahan ako lalo.
[Okay.] Sagot niya na ikinatuwa ko dahil gumana ang sinabi ko.
[Pero alagaan mo ang sarili mo diyan. Next month pa ko makakabalik diyan. Osya, aalis na ko. Mag ingat ka diyan ha?]
"Opo, kuya. Ingat." Sagot ko at inend na ang call.
Napatingin naman ako kay Jesin na kumakain sa harap ko.
"Ilan kapatid mo?" Tanong niya sabay inom ng gatas na tinimpla ko pa sa kan'ya kanina.
"Tatlo at nag iisang babae lang ako sa'min." Sagot ko.
"Kumain kana." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ha?" Tanong ko pa kung tama ba yung narinig ko dahil parang ang bait ng pagkakasabi niya.
"Kumain kana dahil maglalaro pa tayo. Ang bagal mo pa naman kumain." Paliwanag niya na hindi man lang ako tiningnan saka niligpit ang pinagkainan niya at umalis. Ang bilis naman kumain no'n.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile
RomanceThe expressionless girl who will meet an interesting teenage boy saying that he will change her boring life in whole summer. Their story that began in summer.