Chapter 7

2 2 0
                                    

JIA'S POV

Inaasar ba ko nito? Napangisi naman ako bigla nang maalala ko yung line ng bida sa story ng nabasa ko nung nakaraan.

"Kiss muna." Sabi ko sa kan'ya at kita kong nanlaki bigla ang mga mata niya kaya natawa ako.

"Bastos!" Sigaw niya sakin pagkatapos niyang mapaatras palayo sa'kin. Umupo naman ako sa kama saka siya hinila.

"Nahiya ako sayong bigla na lang ako hinalikan dati ah." Pang-aasar ko sa kan'ya.

"Babangon ka o hihilahin ko paa mo?" Banta ko sa kan'ya at mukhang ayaw pa rin niyang bumangon. Lumapit pa ko sa kan'ya at pilit na inalis ang kumot niya saka siya hinila sa braso.

"You're so annoying!" Sigaw niya na halatang naiinis na.

"You're supposed to help me clean this house!" Sagot ko sa kan'ya habang pinipilit siyang hilahin pero iba talaga ang lakas ng mga lalake.

Nagulat ako nang bigla siyang bumangon at hinila ako pahiga. Ang ending ay nasa ibabaw ko siya ngayon at seryosong nakatingin sa'kin pero kita ko pa rin ang konting inis niya dahil sa pangungulit ko kanina.

"Should I just kiss you again for you to shut up?" Tanong niya sa'kin at hindi naman ako nakasagot agad dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Sinabi mo rin kanina na kiss muna, 'di ba?" Nakangising asar niya sa'kin.

"Why would you kiss me? Gusto mo ba ko?" Pambawi ko sa kan'ya habang seryosong nakatingin at siya naman ngayon ang hindi nakasagot.

"Tch. No way that I will like you." Sagot niya pagkatapos ng ilang segundo saka umalis sa ibabaw ko.

"Ako sa baba ah." Sabi niya pa saka naglakad palabas. Natawa na lang ako ng mahina dahil asar talo pala siya.

∆∆∆

After hours of cleaning ay natapos rin ako maglinis dito sa taas. Bumaba naman ako para tingnan kung tapos na si Jesin dahil late siyang natapos nung nakaraan.

Pagtingin ko sa buong paligid ay sobrang linis at mukhang kanina pa siya natapos maglinis.

"Ngayon ka lang natapos?" Napalingon naman ako sa kan'ya at kita kong nagpapatuyo siya ng buhok.

"Naligo ka?" Tanong ko at tumango naman siya. Lumapit naman ako sa kan'ya saka hinawakan ang buhok niya.

Kita ko naman na medyo napaatras siya. Nagulat ata siya paghawak ko sa buhok niya.

"Ang haba na ng buhok mo. Natatakpan na yung mga mata mo." Sabi ko sa kan'ya at bigla niya namang inayos ang buhok niya.

"Ano naman?"

"Ang ganda tingnan ng maliit na nunal sa baba ng left eye mo pag nakahawi buhok mo." Sagot ko na ikinatahimik niya. Maya maya pa ay bigla ko naman napansin na parang namula ang mukha niya at bigla na lang ako tinakbuhan paakyat.

"May mali ba kong nasabi?" Bulong ko sa sarili ko.

∆∆∆

Gabi na ngayon at naglalaro kami ni Jesin ng barilan. Pumunta siya kanina sa kwarto ko para ipasa sa'kin yung game dahil boring daw. Mukhang ayaw na rin niya mag XO dahil lagi siyang talo sa'kin.

"May kalaban sa tabi ng tanke, natamaan ako!" Sigaw niya habang ako naman ay natataranta sa paglalaro dahil sa kan'ya.

"Nabaril ako." Sabi ko at kita ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"You're only good at playing XO." Sabi niya na halata mo sa tonong masama ang loob dahil natalo kami.

What would he expect from a newbie like me??? (•‿•)💢

"Sana ayos ka lang." Nakangiting sabi ko sa kan'ya at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Magkaharap lang kaming dalawa at hindi malayo sa isa't isa kaya kitang kita ko siya.

Hindi na siya sumagot habang ako naman ay nakatingin lang sa kan'ya. Ang tangos pala ng ilong niya at medyo makapal din ang kilay niya. Napatingin ulit ako sa maliit na nunal sa baba ng left eye niya at doon talaga ko na a-attract.

"Hey, what's your Facebook account?" Biglang tanong niya kaya napatigil ako sa pagtitig sa mukha niya. Inabot niya naman sa'kin ang phone niya na sinasabing i-add ko ang account ko.

Inabot ko naman ang phone niya saka sinearch at inadd ang account ko. Pagkatapos ay binalik ko na sa kan'ya ang phone niya. Kinalikot ko naman ang phone ko saka inaccept ang friend request niya. Pinindot ko ang profile niya at nagulat sa dami ng followers niya.

"28,000 followers??" Gulat na tanong ko sa kan'ya pero hindi niya man lang ako pinansin.

"Seryoso ba 'tong account mo? What's with the Aij V name? Naiwan ka ba sa jejemon stage?" Pagrereklamo niya na para bang hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya sa account ko samantalang gusto ko na lang siyang palayasin ngayon sa kwarto ko.

Falling Into Your SmileWhere stories live. Discover now