Chapter 3

11 2 0
                                    

JIA'S POV

Pagkalipas ng buong araw ay natapos din kami sa paglilinis.

"Saan ko ilalagay tong plastic?" Tanong niya sa'kin habang bitbit ang plastic ng mga basura.

"Sa likod ng bahay." Sagot ko saka tinuro ang pinto kaya lumabas naman siya agad. Umakyat naman ako para maligo.

Pagkahubad ko sa damit ko ay ngayon ko lang napansin na sando at maikling short pa rin pala ang suot ko. Buti na lang ay wala lang kay Jesin 'yon.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ko. Nakita ko siyang nakatambay sa terrace. Lumapit naman ako sa kan'ya saka tumabi.

"You're weird." Sabi niya at hindi ko alam pero natawa ako doon.

"You're not asking me why I want to stay here instead of going back home and your personality that I can't explain." Dagdag pa niya kaya napalingon ako sa kan'ya.

"My two brothers said the same thing to me. Sasabihin mo ba sa'kin pag itanong ko sayo kung bakit ayaw mo pang umuwi?" Tanong ko sa kan'ya kaya napalingon siya sa'kin. Tahimik lang siya at hindi sumagot.

"I don't want to ask people what they don't want to tell me. I rather hear silence than a lie." Sabi ko sa kan'ya at muntik ko na naman maalala ang isang senaryong kinakalimutan ko.

"Papasok na ko, isara mo 'yan pag pumasok ka." Sabi ko dahil madilim na at medyo nilamok ako.

"Pumunta ako sa lugar na 'to dahil may nagsabi sa'kin na maganda ang view sa grass hill. Gusto mong sumama?" Tanong niya sa'kin kaya napahinto ako. Mag-iisip pa sana ako pero hinawakan niya ang braso ko saka naglakad palabas.

"Teka lang gabi na baka mapahamak pa tayo." Pagpapatigil ko sa kan'ya hanggang makalabas kami.

"Mas maganda raw ang view doon pag gabi. Sumakay ka sa likod ng bike ko saka kumapit sa'kin." Sabi niya at inayos ang bike niya.

Pagkaupi niya ay tumingin siya sa'kin at hinihintay ako. Ilang segundo pa ko napaisip at napatingin sa madilim na paligid saka nagdesisyon na sumakay. Iniisip ko rin na baka mapahamak siya kaya kailangan ko siyang samahan.

"Kumapit ka sa bewang ko." Utos niya at nag alanganin pa ko pero bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko saka kinapit mismo sa bewang niya.

Nagsimula siyang magpedal at buti na lang ay may ilaw ang unahan ng bike niya. Napatingin ako sa liwanag ng buwan at ilang bituin habang dinadama ang lamig ng hangin.

"Mas marami pang bituin sa pupuntahan natin." Sabi niya sa'kin kaya medyo napangiti ako.

"Kaya ka lang ba pumunta dito ay dahil sa grass hill?" Tanong ko sa kan'ya.

"Yeah dahil malayo sa syudad." Sagot niya. Napatingin naman ako sa unahan at may naaninag na taong nakaputing damit.

"Hala!" Malakas na sabi ko sabay turo sa nakita ko.

"What the heck is that?!" Gulat na sigaw ni Jesin.

"Wag kang hihinto!" Kinakabahang sabi ko sa kan'ya kaya mas binilisan niya pa ang pagpedal hanggang malagpasan namin ang nakaputing damit.

Bigla na lang akong natawa dahil sa na experience ko ngayong gabi. Unang beses ko 'yon maranasan at maging si Jesin ay natawa na rin. Sabay kaming nagtatawanan sa ilalim ng maliwanag na buwan at hindi ko malilimutan ang senaryong 'to.

"Nandito na tayo." Sabi niya at bumaba naman ako pagkahinto ng bike. Pagkababa niya ay nagsimula na siyang maglakad paakyat.

Napatingin ako sa left side at nakita ang abandonadong amusement park. Parang nakakatakot pumunta doon.

"Dahan dahan sa pagtingin baka may sumunod sayo." Biglang sabi ni Jesin kaya dumikit naman ako sa kan'ya. Rinig ko naman ang mahinang hagikgik niya na hindi ko na pinansin.

Hindi ako natatakot pag nanonood ng horror movies pero iba pag sa personal naranasan.

"Malapit na tayo."

Napatingin ako sa dinaraanan namin, buti walang ahas dito. Rinig ko rin ang huni ng kwago. Lagot ako pag nalaman ni kuya na gumala ako ngayong gabi.

"Sorry." Mahinang sabi ni Jesin kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Para saan?"

"For kissing you unconsciously." Hindi naman ako nakasagot at tumahimik lang.

"Nandito na tayo." Paghinto namin ay napatingin ako sa unahan namin. Para kaming nasa cliff dahil kitang kita ang buong kagubatan sa baba. May railings din dito at sa right side naman ay may treehouse na medyo malaki.

"Look up."

Sinunod ko naman ang sabi niya at namangha na lang ako sa dami nga mga bituin sa kalangitan.

Falling Into Your SmileWhere stories live. Discover now