JIA'S POV
2 days na ang nakalipas at nag b-bike ako ngayon habang si Jesin ay nasa likod ko at sobrang likot.
"Wag kang malikot baka matumba tayo." Mahinahong saway ko sa kan'ya pero hindi siya nakinig kaya wala na kong magagawa.
"Wala na bang ibibilis ang pagpedal mo?" Tanong niya sa'kin. Sinabi ko naman sa kan'ya na ang huling gamit ko ng bike ay nung bata pa ko kaya kanina ay medyo nahirapan pa ko nang hindi natutumba at inalalayan pa ko ni Jesin.
"May bayan sa baba nitong bundok, 'di ba?" Tanong niya pa at sumagot naman ako ng oo.
"Puntahan natin. Hindi ko pa napupuntahan 'yon." Aya niya at naisip ko rin na maaga pa at hindi kami gaanong gagabihin pag pumunta kami sa bayan saka hindi pa rin ako nakakapunta doon.
"Sige." Sagot ko saka medyo binilisan ang pagpedal.
"Kung ako nandiyan sa pwesto mo kanina pa sana tayo nasa bayan." Sabi niya na pinapahiwatig sa'kin na mabagal akong magbike. Mula nung isang araw ay ganito na siya makipag usap sa'kin. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng konting asar sa tono niyang gan'yan na ngayon ko lang naramdaman.
"Gusto mo palit tayo?"
"Ayoko." Sagot niya at maya maya pa ay naramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa likod ko. Tahimik lang kami ngayon habang nag b-bike ako. Naboring ata siya sa'kin dahil hindi ako madaldal.
"Naalala ko sabi sa'kin may delikadong part daw ang bayan dito." Ngayong sinabi niya yan ay naalala ko rin ang sinabi ng kuya ko dati tungkol sa bayan dito.
"Ha? Edi babalik na tayo?" Tanong ko sa kan'ya.
"Nope. Nandito na tayo." Sagot niya kaya napahinto ako at bumaba naman siya sa bike. Napatingin ako sa unahan namin at kita ko ang bayan.
"Akina yung bike l-lock ko." Bumaba naman ako agad at pinanood na i-lock ni Jesin yung bike.
"Makinig ka sa sasabihin ko." Seryosong sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Lumapit pa siya sa'kin na akala mong may sasabihin na importanteng sikreto.
"Pag may lumapit sayo na hindi mo kilala at sa tingin mo may hindi mabuting gagawin, sabihin mo lang 'to habang nakatingin ka sa kan'ya na tipong matatakot siya." Seryosong sabi niya kaya pati ako ay seryoso ring nakikinig.
"Fuck off you piece of shit." Sabi niya habang nakatingin ng masama sa'kin at bigla namang nag loading ang utak ko.
"Nagmura kana ba?" Napailing naman ako dahil buong buhay ko ay hindi ko pa 'yon nagagawa.
"Effective yung sinabi ko sayo base on experience."
Anong base on experience??
"Tara na." Aya niya kaya naglakad na kami.
Pagkapasok namin sa bayan ay pansin kong wala masyadong tao pero malinis ang buong paligid.
"Wala ka bang bibilhin? Sakto pa ba yung stock ng pagkain sa bahay?" Tanong niya habang nagtitingin sa mga bilihin.
"Marami pa 'yon saka magpapadala si kuya ng grocery next month."
"Tara do'n sa kabila." Aya niya saka naunang maglakad sakin kaya sumunod naman ako agad.
Maya maya pa ay biglang napatigil si Jesin kaya nabunggo ako sa likod niya. Pagtingin ko sa gilid niya ay may lalake na mukhang nabunggo siya.
"Bulag ka bang gago ka?!" Sigaw nito sa'min pagkaharap niya kaya napatingin ako. Magkasing tangkad lang sila ni Jesin pero yung itsura nito parang mas matanda sa'min ng ilang taon. Mukhang haggard na tambay.
"Sorry." Sabi ni Jesin at para kong namangha dahil nag sorry siya sa gan'tong klaseng tao.
"Hah! Sa susunod--"
"I didn't see you, you look like a low level goblin. Now that I'm seeing your face.. wait is that even a face? I thought it's your ass."
ಠ_ಠ ??? What did I just heard?
"Aba't ginagago mo ba ko?!" Galit na sigaw nito saka siya kinwelyuhan. Napatingin naman sa'kin si Jesin habang ako ay hindi alam ang gagawin.
"Help me, Jia." Sabi nito pero walang reaction ang mukha niya kaya hindi ko alam kung nanghihingi ba talaga siya ng tulong o hindi.
"Grabe na pambabastos mo ah kinakausap pa kita!" Galit na sigaw sa kan'ya nung lalake habang nakatingin pa rin sa'kin si Jesin. Nataranta na lang ako bigla nang itaas nito ang kamao niya at balak sapakin sa mukha si Jesin.
Mabilis ko namang pinigilan ang lalake sa pamamagitan ng paghawak ng kamao niya. Napatingin siya sa'kin habang masama naman akong nakatingin sa kan'ya.
"FUCK OFF YOU PIECE OF SHIT!" Galit na sigaw ko.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile
RomanceThe expressionless girl who will meet an interesting teenage boy saying that he will change her boring life in whole summer. Their story that began in summer.