JIA'S POV
"NO!" Mabilis kong sagot at kita ko naman ang pagkagulat sa expression ng mukha niya.
"Hey kid, what's your name?" Masungit na tanong niya kay Jesin.
"Huh? I'm not a kid and I'm taller than you." Sagot ni Jesin sa kan'ya at tiningnan ko naman ang height difference nila. Mas matangkad nga si Jesin pero konti lang.
"Are you dating this kid?!" Baling niya sa'kin na mukhang nainis sa sagot ni Jesin.
"Yes we're dating, got a problem with that?" Nakangising sagot ni Jesin na nang-aasar pa talaga at kita ko ang gulat na gulat na expression ng kapatid ko.
"We even.." tinuro niya ang labi niya saka ngumisi. Feeling ko uminit ang mukha ko dahil nasa harap ako ng kapatid ko at nakakahiya.
"Ate, is it true?!" Pagkumpirma niya sa'kin at tiningnan ko naman siya, parang hindi siya makapaniwala dahil sa reaction ng mukha ko.
"Just kidding. We're not dating." Sabi ni Jesin saka tumawa.
∆∆∆
Pagkalipas ng ilang oras na asaran at inisan nilang dalawa mula kaninang umagahan ay naglalaro naman sila ngayon dito sa sala.
"I got 30 kills."
"Just you wait, I'll get more kills in next round!"
"Ayell bumaril, ubos lahat ng bot." Pang-asar ni Jesin habang tumatawa.
"Hindi sila bots!" Sagot naman ng pikon kong kapatid.
"Hina mo naman tumutok. Daig ka pa ng ate mo." Nilingon naman ako ng kapatid ko na may pagtatakang tingin.
"Ate naglalaro ka rin nito?!" Tumango naman ako at agad niya kong inaya pero tumanggi ako.
"Palakas ka raw muna sabi ng ate mo." Sulsol ni Jesin at bigla namang ginanahan lalo maglaro si Ayell.
Lumipas ang oras at hapon na ngayon. Tinigilan na nila ang paglalaro dahil kanina pa sila babad sa cellphone.
"Let's go outside I'm bored." Pag-aaya ng kapatid ko at tumingin naman ako sa bintana. Sakto lang ang sikat ng araw sa labas hindi ganong mainit.
"Market lang ba ang meron sa lugar na 'to?" Tanong ni Jesin.
"Nope. May park sa kabilang daan ng market place, doon madaming tao dahil maganda yung lugar. Malayo nga lang, need mag sasakyan." Sagot naman ng kapatid ko. Hindi ko alam na may park pala sa kabila.
"Puntahan natin." Aya ni Jesin at tumingin naman sila sa'kin kung sasama ba ko.
"Isa lang ang bike dito." Sabi ko nang maalala na isa lang magagamit namin.
"May dala kong bike. Sinakay ko kanina sa sasakyan ni kuya." Nakangiting sagot ni Ayell.
"Tara na." Naunang tumayo si Jesin at sumunod naman kami.
"Walang upuan sa likod yung bike ko."
"Meron yung sa'kin." Hinila naman ako ni Jesin saka pinasakay sa bike.
"Kumapit ka sa'kin baka mahulog ka." Bulong niya saka hinawakan ang dalwang kamay ko at nilagay sa bewang niya.
Nagsimula ng umandar ang bike at nauuna sa'min si Ayell.
"Hey, let's race!" Aya ng kapatid ko saka binilisan ang pag b bike. Sasawayin ko na sana sila pero biglang binilisan ni Jesin kaya napayakap tuloy ako sa bewang niya.
Hindi na ko nakapagsalita dahil sa lakas ng hangin.
Ilang minuto na ang nakalipas at nandito na kami ngayon pababa ng bundok. Sure na mahihirapan umakyat mga bike ng dalawang 'to.
Kitang kita ko ang syudad habang pababa kami. Mas maganda siguro 'to tingnan pag gabi.
Lumipas pa ang isang oras at dumadami na ang mga taong nakikita ko na nadadaanan namin. Tourist spot ata yung park na sinabi ni Ayell.
"Malapit na tayo!" Sigaw ni Ayell dahil nauuna siya sa'min pero bumagal na rin ang pag pedal niya dahil sa mga tao at sasakyan.
Pagliko namin ay nakita ko ang malaking amusement park at may resort itong katabi. Sabi na nga ba tourist spot 'to.
"I thought it's just a normal park. You didn't mention the amusement." Sabi ni Jesin saka hininto ang bike. Nandito kami sa parking area.
"Hehe. Let's go now. It's my treat." Aya niya pagkatapos ilock ang bike saka pinakita samin ang dala niyang wallet.
"Your hair is a mess." Sabi ni Jesin saka tinawanan ang buhok ko na gulo gulo dahil sa lakas ng hangin kanina. Aayusin ko na sana pero siya na ang nag-ayos.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko at para kong kinakabahan. Hindi rin ako makatingin sa kan'ya.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile
RomanceThe expressionless girl who will meet an interesting teenage boy saying that he will change her boring life in whole summer. Their story that began in summer.