Gilliane
Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang inis ko kay William, hindi naman sa tama ang patutsada niya sa akin kanina pero nakakainsulto lang, hindi ko alam kung bakit noong mga oras na iyon ay para akong binuhusan ng kumukulong mantika sa sakit! Mali sa inis pala.
Nakaisip tuloy ako ng magandang pang asar sa lalaking iyon, tingnan ko lang kung hindi sya mapanganga pag nagtwo piece ako, kakainin nya ang lahat ng sinabi nya kanina lang, kahit labag sa kalooban ko ang magtwo piece eh ipupush ko makaganti lang sa mayabang na yon.
"Wow, Gelay anong nakain mo?" si Jing, nagulat siguro dahil sa suot ko.
"Seafoods?" nakangiting sabi ko, pero sa isip isip ko lang ay ang plano kong asarin si William.
"Talagang magsusuot ka nyan?" she said.
"Oo, heto nga at nakasuot na di ba?" sabi kona lang habang sinisuklay ang mahaba ko ng buhok.
"Gaga ka natalbugan mo pa yata ako dyan sa suot mo, kaloka ka." natatawang sabi ni Jing kaya natawa na din ako.
Ilang minuto pa kaming nagayos ni Jing dahil baka maging epic fail ang mga tali ng two piece namin at makitaan kami ng hindi dapat maipakita.
"Ayan okay na, sure thingy na toh gora na teh!" parang baklang sabi ni Jing natawa na lang ako. Tumango ako sa kanya habang sinusuot ang isang kapiraso ng tela na parang net ang hitsura.
Nakita namin na naliligo sa ang mga kasama namin sa beach kaya naman napatakbo na si Jing at naiwan ako sa di kalayuan at naglalakad natawa na lang ako, marami kasing nakahaing ulam sa dagat kaya excited ang babae. Huhubarin ko na ang see through na suot ko, lahat yata sila ay napatingin sa akin, hala sinasabi na nga ba nakakahiya yung suot ko, hayaan kasi may pagantiganti ka pang nalalaman bwisit ikaw tuloy ang mapapahiya ngayon.
Nakita ko ang matalim na titig ni William, teka bakit hindi nya ako pinagtatawanan? di ba dapat matawa sya dahil napahiya na ko ngayon.
Lumapit si Onel sa akin.
"Gusto mo pahiran kita ng sunblock para hindi ka masunog pagligo mo?" seryosong sabi nito, tatango na sana ako pero biglang lumapit si William.
"Gusto mo ipahid ko sa mukha mo yan Onel?" matapang na sabi nito kay Onel, ano na naman kayang problema nitong lalaking toh, napasimangot ako.
"Ano na namang problema mo?" sabi ko na medyo mataray, nakakagulat na lang lagi na susulpot at magtatapang hindi naman namin sya pinapakialaman.
"Malandi ka talaga ano?" woah, sa sinabi nya para naman akong naubusan ng dugo sa galit at pakiramdam ko ay ilang segundo pa ay lalaglag na ang mga luha sa mata ko. Natahimik ito ng makita ang hitsura ko at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Bro grabe ka naman magsalita kay Gelay." pagtatanggol ni Onel sa akin. Tumalikod ako at humarap kay Onel na napatingin sa akin.
"Bakit hindi ba totoo, kaya ka nagsuot ng ganyan para magpapansin?" patuloy pa ni William, hindi ako nakapagsalita, hindi naman totoo yung sinasabi nya, nasaktan lang talaga ako, at dahil sa sinabi nyang iyon tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko, nagaalalang napatingin sa akin si Onel, nahagip ng mata ko ang inis sa mata ni Onel habang nakatingin kay William.
"Ano ba talagang problema mo? Walang mali sa ginagawa namin, nanliligaw ako sa kanya kaya natural lang na magalok ako ng mga ganoong bagay. Kaya pwede ba back off Liam, napupuno na ako sayo.! O may gusto ka din kay Gelay kaya ka ganyan?" Dire-diretsong sabi ni Onel ng malakas, napapikit ako dahil kaharap lamang niya ako, hindi ko masyado nadigest yung sinabi nya para akong mabubulunan Ano daw? nililigawan nya ko? Nagulat ako so type nya ko, nakaramdam ako ng katuwaan sa aking pakiramdam pero parang hindi malalim.
BINABASA MO ANG
First Kiss, First Punch!(JaDine)
RomanceHanggang ngayon ba naniniwala pa din kayo sa first love? Si William Velasco ata naniniwala pero nasa indenial stage sya dahil sa isang babaeng tatanga tangang may hawak ng sandwich na nabangga nya sa hallway, hindi nya sinasadya pero nabangga nya iy...