Chapter 4
Gilliane
Maaga akong nagising, hindi rin naman kasi ako nakatulog ng maayos, paano naman kasi ako makakatulog kung yung nararamdaman ko kagabi ay kakaiba, biglang para bang gumulo yung utak ko. Tumayo ako malapit sa lalaking nakahiga pa rin sa comforter sa ibaba ng kama ko, mahimbing pa rin ang tulog nito, gusto ko sanang pagmasdan na lang muna ang gwapo nitong mukha pero naisip kong baka lalong magulo yung nararamdaman ko, dapat siguro pauwiin ko na tong kumag na toh hindi pwedeng buong bakasyon na narito itong lalaking toh baka kung anong isipin ng mga kamag anak at mga magulang ko. Sinipa ko sya sa tagiliran, Oo tama sinipa ko ng malakas para siguradong gising sya agad.
"Ouch! that hurt!" usal niya habang tila nasasaktan dahil nakakapit ito sa kanyang tagiliran, bumangon ito dahan dahan sa pagkakahiga.
"Umuwi ka na." mataray na sabi ko, napalunok ako habang sinasabi iyon, bakit ba kasi ang gwapo nitong mayabang na toh nagkakasala tuloy ang mga mata ko. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya, matipunong katawan gwapong mukha OMG patawarin nyo ko pero ang HOT nya talaga, hindi ko alam pero nakakaattract siya.
"Mamaya na, gusto ko pa dito." he said.
"Anong mamaya, ngayon na baka kung ano ng isipin ng mga kamag anak ko." mataray ko pa ding sabi.
"Do you really want me to go home?" tila malungkot ang mukhang sabi nito, Ano ba wag kang gumanyan!
"Yes, so get up and fix yourself." sabi ko lang at agad na lumabas ng kwarto, ayokong magkasala pa baka kung ano lang madagdag sa nararamdaman ko.
Dumeretso ako sa kusina, naabutan ko si Tatay na nagkakape magisa sa lamesa habang nagbabasa ng balita sa diyaryo, lumapit ako dito at nagmano, bago lumapit sa lamesita kung saan nakalagay ang mga gatas at kape balak kong magtimpla rin ng kape ipagtitimpla ko na rin si William para makaalis na ito agad.
"Anak, yung pag-aaral mo wag mong papabayaan." biglang sabi ni Tatay, napatingin ako dito at napangiti.
"Tay naman, hindi ko ho pinapabayaan ang pag-aaral, wag kayo magalala." natatawang sabi ko habang nagsisimiula ng magtimpla ng kape.
"Eh kasi naman ngayon ka lang nagdala ng nobyo, baka mamaya kung saan mapunta yang mga ganyan." kunwa'y sabi ni Tatay na para bang natatakot sa maaaring mangyari kung ano man yun alam nyo na, pero malabo sa isip kong umabot sa mga ganoong kalagayan, Teka hindi ko naman boyfriend yung abnoy na yun bakit ako apektado. You like him. bulong ng isipan ko, ay hindi pwede, hindi talaga pwede tigilan mo ko.
"Tay hindi ko ho sya boyfriend." sabi ko na lang, na nililipat na sa lamesa ang dalawang tasa ng kapeng tinimpla ko, ang tagal namang lumabas ng kumag na yun.
"Hindi ba, eh bakit sabi nya-" hindi natapos ni Tatay ang sasabihin ng biglang pumasok na ang hinihintay ng tinimpla kong kape, napalingon ito sa akin matapos ay kay Tatay.
"Good morning ho Tay." muntik ko ng mabuga ang kape ko sa sinabi nito, tinawag nya ang tatay ko ng tay? wow feeling close talaga tong sira ulong toh.
"Ma-magandang umaga rin." utal na sabi ni Tatay. tiningnan ko sya ng masama ng tumingin sa akin.
" Tay uuwi na po ako." sabi naman nito, agad agad talaga? hindi pa nga sya nagkakape. Di ba yun ang gusto ko yung umuwi na sya bakit parang disapointed ka?
------
Parang ang tagal lumipas nung summer ngayon, parang may kulang pero hindi ko alam, mula ng umalis yung gwapong mayabang eh tila lumungkot yung mundo ko, ano ba toh namimiss ko ba sya? hindi naman siguro. Naglalakad ako papunta sa bahay nila Jing hindi naman kalayuan sa bahay namin kaya nilakad ko na lang. Nakarating naman ako sa kanila ng safe at walang kahit anong masamang naganap, kilala ko naman ang mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
First Kiss, First Punch!(JaDine)
RomanceHanggang ngayon ba naniniwala pa din kayo sa first love? Si William Velasco ata naniniwala pero nasa indenial stage sya dahil sa isang babaeng tatanga tangang may hawak ng sandwich na nabangga nya sa hallway, hindi nya sinasadya pero nabangga nya iy...