Nasasaktan na Kinikilig

38 3 2
                                    

Gilliane


Hindi ko naramdaman ang enjoyment ng summer, pasukan na bukas at ako het at lutang pa, hindi rin ako pinapansin ni Jing, kung bakit? hindi ko alam. Siguro mali nga ang nangyari noong nakaraang buwan pero sobra naman pati kaibigan ko iniiwasan ako.

Narito na ako sa boarding house na tinutuluyan namin, magkalapit lang yung kwarto namin kaya naisipan kong sumilip muna sa kwarto ni Jing, nakita kong may kausap ito sa cellphone niya habang nakaupo sa kama, nakita nya ako pero ni hindi nya ako tinanguan.

"Hi Jing an-" akala ko babatiin nya ako kasi lumapit sya sa may pintuan yun pala eh pagsasarhan ako ng pinto. Aray ang sakit. Ano bang meron wala naman akong ginawa sa kanya last summer. :(



———

First Day of First Semester


Ngayon lang ako papasok ng school na hindi kasama si Jing, nakakalungkot kung bakit ba kase anong meron at may galit sakin yung babaeng yun.


"Hi Gelay!" si Onel na sinabayan ako habang naglalakad.

"Hi" tipid kong sabi, nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.

"Nabalitaan mo na ba?" hindi ko ito pinansin sa halip ay nagpatuloy sa paglakad, maya maya ay nahagip ng mata ko si Jing, tatawagin ko sana pero nagulat ako ng makitang may umakbay sa kanyang lalaki, para bang tinusok ng kung ano ang kaloob-looban ng dibdib ko, si William ang umakbay sa kanya napatda tuloy ako sa paglalakad ko.

"Yun ang sinasabi kong balita, Sila na." sabi ni Onel. Hindi ko na lang pinahalata na apektado ako, teka bakit nga ba ako apektado? tsss. sa halip ay nginitian ko ito.

"Ah yun ba, ayos eh di masaya sila." sabi ko at nilagpasan ang magkaakbay na si Jing at William, sumunod lang si Onel hanggang makarating ako sa locker agad ko iyong binuksan at naisubsob ang mukha ko doon.

"Hey okay ka lang?" agad kong nilabas ang pagmumukha ko sa loob ng locker.

"Ha-Ha?" wala sa sarili kong sabi, Gelay ano bang nangyayari sayo?

"Sabi ko kung okay ka lang ba?" teka hindi ko nga alam kung okay ako, bigla tuloy ako tinamad pumasok ano ba naman ito anong klaseng pakiramdam.

"Di pa regular class bukas ka na lang pumasok, gusto mo lumabas muna tayo?" alok ni Onel sakto dahil nawalan ako ng gana sasama ako sa kanya sapagkat hindi ko talaga nagugustuhan ang nakikita ko eh este nararamdaman ko.



————

Bar?



"Onel teka ha? sabi mo lalabas ano toh?" nagaalalang tanong ko.

"Alam mo wala akong ibang alam na puntahang lugar, hindi naman tayo iinom wag kang magalala coffee shop din dito." he said, I sigh wala na din naman akong magagawa dahil narito na kami, sa isang banda parang gusto kong magpakalango hindi ko alam kung bakit.

"I want to drink." wala sa sariling sabi ko.

"What do you mean? coffee?" takang tanong ni Onel.

"I mean beer?" nakangiting lingon ko sakanya, ngumiti ito at bumaling sa waiter to order some drinks.

"Two buckets? seriously?" natatawang sabi ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting paggaan ng pakiramdam, ngayon lang naman dapat siguro lubusin ko na din ang araw na toh baka sakaling malaman ko kung ano nga ba talaga ang problema ko sa sarili kong napaka gulo.

First Kiss, First Punch!(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon