Chapter 2
Gilliane's POV
Two days na lang bakasyon na, nagpapasalamat ako dahil wala akong bagsak kahit saang subject ng finals namin, salamat talaga sa tulong ng masidhi kong pagaaral. Eh di wow Gelay! wow talaga pinaghirapan ko yun. Naglalakad ako mag-isa papuntang canteen, umuwi na kasi si Jing sa San Jose kaya ako lang magisa ngayon, tutal daw kasi na dalawang araw na lang ang klase eh hindi na daw sya papasok, ok lang naman yun nakapag-exam na kasi sya sa lahat ng subjects kaya ayos lang wag ng pumasok, Kaso heto ako napakaLoner, kakain magisa sa canteen.
"Hey stupid!" ang sama naman ng ugali ng taong yun, kawawa na yung sinasabihan. Dirediretso ako sa paglalakad hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Napahinto ako ng may humarang sa akin, si Mr. Habagat, ano kayang problema nito. Kunot noong tinitigan ko lang sya.
"Tinatawag kita kanina bingi ka ba?" maangas na ika nito.
"Hindi ko narinig na may tumawag ng pangalan ko." tanging sabi ko lang, at tumuloy na sa paglalakad, naalala ko tuloy yung may tinawag na stupid kanina, di kaya ako yun? Anak ng kamoteng lalaki yun ang yabang talaga, may inembento namang pangalan ang mga tao kahit sya meron nun bakit hindi nya itry gamitin, bwisit!
"Sabay na tayo, Are you going to eat.?" tanong nito, na di ko namalayang nakasunod na pala sa akin. Wow anong kinain nito at parang feeling close? baka nauntog nung isang gabi, hmm siguro nga.
"Kung sasabay ka sakin mawawalan ako ng ganang kumain." pang-aasar ko. at nilagpasan sya para mauna sa loob ng canteen, maasar sana para tantanan ako, baka isalvage ako ng mga babae sa campus pag nakitang kasama ko ang nilalang na ito, ay nako kanila na yang Habagat na yan, Agad kong nakita si Jack na nakaupo kasama ang ibang players, lalapit sana ako pero nagdalawang isip ako, baka nga kasi masalvage ako ng mga babaeng mababa ang lipad sa school na ito, papatay ata ng tao pag may kumalabit kahit konti sa mga crush ng bayan.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan at lamesa malapit sa may gitna, Laking gulat ko ng makitang katabi ko na si William, tiningnan ko ito ng masama.
"Oy, anong ginagawa mo dyan?" takang tanong ko. Baliw ba tong lalaking toh gusto ata talaga akong mapahamak.
"Halata naman sigurong nakaupo ako di ba?" sabi nito na nakatingin lang sa akin. He smirk and stare away to other way. Napakagat labi ako, ayokong masabihang malandi OMG, yung huling nabully dahil sa lalaking ito umalis na ng school at ayokong may mabalitaang ganoong klaseng pangyayari tungkol sa akin ang nagpapaaral sa akin at mas lalo na ang parents ko.
"Naroon yung mga teammates mo dun ka umupo." pabalang na turo ko sakanya sa mga kaibigan nya, ayoko magpahalata sa ibang taong naiinis na ko sa kanya.
"I want here, I said earlier sabay tayo kakain."
"I said earlier mawawalan ako ng gana kumain." sabi ko.
"Okay lang hihintayin kitang magutom, panigurado kakain ka din." walang pakialam na sabi nito, jusme anong gagawin ko dito, mukhang hindi ko sya mapapaalis, isip isip Gelay! Agad akong tumayo at lilipat sana ako ng ibang upuan ng balaan ako nito.
"Stay here or I'll make scene here." panakot nito, ano namang eksena ang gagawin niya, at saka di ba sya nakahalata na kanina pa kami pinagtitinginan, ano ba namang kamalasan ang taglay nitong Habagat na toh nakakainis. Wala akong nagawa kundi naupo.
"May itatanong ako." I said, panigurado maaasar sya sa sasabihin ko.
"Spill it." sagot lang nito na nakatutok sa cellphone nya. Ako naman ay di mapakali, nahiya tuloy ako sa mga team mates nito baka isipin inaagaw ko yung kaibigan nila.
BINABASA MO ANG
First Kiss, First Punch!(JaDine)
RomansaHanggang ngayon ba naniniwala pa din kayo sa first love? Si William Velasco ata naniniwala pero nasa indenial stage sya dahil sa isang babaeng tatanga tangang may hawak ng sandwich na nabangga nya sa hallway, hindi nya sinasadya pero nabangga nya iy...