I Love you Gilliane

34 1 0
                                    

Gilliane


Halos dalawang linggo na kaming napagkakamalang magkasintahan ni Onel, hinahayaan ko na lang ang mga tsismis kahit hindi naman totoo, pinagbubuti ko na lang ang pag-aaral ko ngayon dahil graduating na ako. Kung tatanungin nyo ako kung naiisip ko ba yung kapre araw-araw, Isang malaking OO ang isasagot ko, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan pag nakikita ko silang magkasama ng matalik kong kaibigan na ngayon ay unknown na ako para kay Jing, hindi na kami naguusap, nalulungkot ako kaya naisipan akong kumbinsihin ni Onel na sa kanya na muna ako tumira upang mabawasan ang hinanakit ko sa buhay dahil malapit na akong matapos eh baka daw doon pa ako bumagsak dahil lang sa mga walang kasiguraduhang pakiramdam, Okay kami para kaming mag-kapatid sa loob ng bahay, sa katunayan ay wala na sa amin ang ilangan dahil tanggap na niya na hindi ko sya gusto bilang boyfriend, mabait si Onel at ayoko syang masaktan. Magkasabay muli kaming pumasok habang angkas ako sa kanyang motorsiklo ay hindi pa rin maalis ang mga mapanuring tingin para sa aming dalawa. Maraming naiinggit pero hindi ko sila pinapansin dahil, ano naman ang ikakainggit nila sa akin, wala naman kasi talagang malisya sa aming dalawa ni Onel.

"Gelay mauna ka na sa klase dadaan muna ako sa Gym may practice daw kasi." magaang paalam ni Onel.

"Okay sige, see you later." sabi ko na nakangiti. Lumapit siya sa akin at humalik sa aking pisngi. Nakasanayan ko na iyon, parang hello and goodbyes namin iyon bilang magkaibigan. Tumungo na ako sa klase ko, kaklase ko si Jing at hindi pa rin niya ako pinapansin, yung kanila ni William hindi ko alam kung sila nga ba pero nakikita kong palagi silang magkasama. Nakakaramdam ako ng selos, oo dahil alam ko sa sarili kong gusto ko si William pero hindi naman ako yung klase ng babae na mag-papaka desperada para lang sa isang lalaki. Nagsimula at natapos ang klase hanggang sa huling subject ngunit nanatili lang ang daily routine ko na hindi ako pinapansin ni Jing kahit nginingitian ko ito ay hindi pa rin niya ako pinapansin.

Palabas na ako ng pintuan ng classroom ng makita kong nag-aabang sa akin si Onel. Ngumiti ako dito at maging siya ay sinalubong ako ng ngiti at kinuha ang mga librong dala ko upang siya ang magbitbit.

"Ano Gel wala pa din bang pagbabago?" usisa sa akin ni Onel na ang tinutukoy ay si Jing.

Nag-kibit balikat ako at ngumuso, naintindihan naman agad nito ang ibig kong iparating kaya iniba nito ang usapan.

"Saan mo gustong kumain ng dinner?" anito.

"Sa totoo lang wala akong ganang kumain, pero kung ililibre kita at papayag ka eh kakain ako." sarkastikong sabi ko. Natawa ito at napailing.

"Ako na nga kasi baka maubos ang allowance mo, sabihin pa ng nanay mo pinagbabayad kita ng renta para sa bahay." anito, pero hindi ako papayag dahil lagi na lang sya ang taya nahihiya na ako kumakapal na ang ipon ko eh wala naman akong pagkakagastusan.

"Sige na ngayon lang naman." sabi ko na kumapit sa braso nya upang ipilit ang gusto ko.

"Okay  okay, pero ayoko sa labas kumain, gusto ko ipagluto mo ako." natatawang saad ni Onel natuwa naman ako dahil sa wakas ay pumayag sya. Nabasag ang tawanan namin habang naglalakad ng hilahin ako ng isang taong araw-araw ko naiisip. Si William.

"Hey Liam! san mo sya dadalhin?" habol ni Onel, hindi nagsasalita si William pero agad nakabawi ng makitang sumusunod si Onel.

"Ihahatid ko sya wag kang mag-alala, I just need to talk to her." He said samantalang ako ay napatanga sa sunod-sunod na pangyayari. Nakasakay na kami sa kotse nya ng makahuma ako para magsalita.

"Ano bang problema mo?!" inis na sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin, kitang kita ko sa mga mata niya ang galit.

"Are you living in with Onel for good?" walang ganang tanong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Kiss, First Punch!(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon