CHAPTER 1
Gilliane's POV
"Hoy Gelay yung pagkain mo ubusin mo na malelate na tayo." nagmamadaling sabi ng kaibigan kong si Jing
"Oo na eto na nga, dalhin ko na lang sa room." nagmamadali ako habang nililigpit ang mga gamit ko, 2nd semester na malapit na din ang bakasyon excited ako kaya ganado ako magpakasipag ngayon, Gusto ko yung summer eh. Hey, by the way I'm Gilliane Torres, 18 year's old, 2nd year college, BSEducation major? Filipino, hindi kami mayaman pero dito ako nagaaral sa isang sikat na Unibersidad sa aming lugar. Paano ako nakapasok dito? well mabait ang mga kamag anak ko at tinutulungan ang mga magulang ko sa pag-papaaral sa akin, kaya nga kahit hindi ako matalino ay nagsusumikap ako, ayokong masabihan na walang utang na loob nakakahiya kina Tiya Sonya at Tiyo Dellio.
Papasok na kami sa classroom, tapos na ang klase ng ibang estudyante kaya marami na ang naglalakad papalabas ng kanikanilang mga silid aralan, at dahil nagmamadali kami, hindi ko naman sinasadya pero may nakabangga ako at yun natapon yung sandwich na dala dala ko, Sayang! sa kamalas malasan ang pinakagwapo daw di umano na nilalang sa University ang nakabangga ko.
"Are you stupid?" aba ang yabang naman, pwede naman magalit pero bakit may kasamang tanga, nagaaral akong mabuti sasabihan lang ako ng tanga dahil lang nabunggo ko sya, ako pa nga ang agrabyado dahil natapon na yung sandwich ko.
"Sorry, nagmamadali kasi kami" hingi ko na lang ng paumanhin baka kasi sabunutan ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa lalaking toh, Yes he is. Mayaman, at GWAPO daw, siguro, hmm pwede na. The one and only badboy slash gwapo slash walang modo para sa akin bwisit sya. the one and only William Velasco.
"Pakelam ko?" sigaw nito sa mukha ko, nakakahiya ang dami pa namang nakatingin, hinila na ako ni Jing dahil alam nito na baka kung anong magawa ko. Uminit na ng bongga yung ulo ko sa pagka-antipatiko ng hinayupak na William na toh. Day ruined! at tuluyan na kaming nakalayo sa walang modong lalaking yun.
"Uy gaga ka, hinay hinay lang baka mapatalsik tayo dito ng wala sa oras." si Jing, na hindi ko alam kung pinapakalma ba ako o tinatanggalan ng karapatang magalit.
"Napaka walang modo ng lalaking yun, akala nya kung sino syang gwapo!" impit kong sigaw bwisit talaga.
"Bakit gwapo naman talaga Gelay" kinikilig na sabi ni Jing, isa pa tong babaeng toh. sarap batukan.
"Ewan sayo dun ka na isa ka pa." inis na sabi ko.
------------
Manonood kami ng basketball game ng University namin laban sa ibang University, pinilit pilit pa kasi ako nitong si Jing, gusto nya daw makita si Jack leche parang di naman namin nakakasama si Jack sa room.
"Uy, Gelay, player pala si William oh." turo nito sa lalaking antipatiko. sinimangutan ko lang ito, at nagkibit balikat naman ito, alam naman sigurong mainit ang dugo ko sa sira ulong yun.
Nagsimula ang laro ng maayos, nasa malapit kami kaya kitang kita namin bawat galaw at hitsura ng mga player. Lamang ang school namin hanggang sa 3rd quarter, pero ng nagsimula na ang 4rth quarter ay nahabol ng kalaban ang score kaya naging tabla ang laban, nahagip ng mata ko ang matalim na titig ng sira ulong kapre, anong problema nya. Inirapan ko ito at nagpatuloy sa pagcheer, hindi ko namalayan na may mangyayari pa lang kakaiba.
"Gelaaaaaaaayyy!!!" sigaw ni Jing, hindi ko alam pero bago pa ako nakalingon ay nawala na ako sa huwisyo, blackout
Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko, OMG anong nangyari, agad akong luminga at nakita ko ang isang mukha na walang kagana gana, at kahit ako ay nawalan din ng gana, bakit andito tong panget na toh.
BINABASA MO ANG
First Kiss, First Punch!(JaDine)
RomanceHanggang ngayon ba naniniwala pa din kayo sa first love? Si William Velasco ata naniniwala pero nasa indenial stage sya dahil sa isang babaeng tatanga tangang may hawak ng sandwich na nabangga nya sa hallway, hindi nya sinasadya pero nabangga nya iy...