CHAPTER 3
Gilliane
Nageempake na ako ng ibang gamit ko para iuwi sa San Jose, salamat dahil makakatakas ako sa lalaking yun, isang buong gabi akong hindi nakatulog, hindi ko alam kung anong nakain ko pero hindi ko pa rin talaga alam kung bakit iniisip ko pa rin ang mga pinagsasabi niya kagabi kaloka. Gusto mo sya. OMG over my dead beautiful body, ayokong maging boyfriend yung kumag na yun, maliban nalang kung iihip ang hangin pabaliktad ng ugali nya.
"Saan ka pupunta?" napatalon ako sa sobrang gulat, bwisit!
"Ano ba! Nakakagulat ka!" sigaw ko sa biglang nagsalita kanina, isang malaking kamalasan yata ang natatamo ko ngayon, bakit andito na naman tong lalaking toh.
"I'm asking, where are you going?" siya pa ang masungit ngayon nakakabwisit, kailangan ba magpapaalam pa ko sa kanya hindi ko naman sya boyfriend. Hindi ako papayag!
"Ano bang pakelam mo?" mataray na sabi ko, nakita ko ang pagngalit ng mga ngipin niya, hala nagalit ata anong masama dun sa sinabi ko, feelingero talaga tong lalaking toh.
"Saan ka nga pupunta? Bakit hindi ka man lang magpaalam sa akin?" seryosong sabi nito. Nakakatakot ang mga titig nya kaya nagiwas ako ng tingin, Ano ba dapat ang sasabihin ko? Bakit pakiramdam ko kailangan kong magpaliwanag sa kumag na toh.
"Sa San Jose sa amin, ano happy ka na?" sabi ko na lang para wala ng gulo, at inayos na ang natitirang gamit na kailangang ilagay sa bag ko. Agad naman syang lumapit at kinuha ang maliit na maleta at back pack ko.
"Ho-Hoy! saan mo dadalhin yan!" patakbo ko syang sinundan, hindi man lang ito sumagot, imbis ay isinakay sa likod ng kotse ang mga gamit ko, ano yun? ano yun? Tulungan nyo ko! kikidnapin nya ata ako.
"Come on hop inside." utos niya, nakakatakot yung tingin nya hindi ko alam kung anong sasabihin, bumubuka ang bibig ko pero wala akong maapuhan masabi, anong sasabihin ko? Hindi ako nakapagsalita, iginiya nya ako ng pagkabilis bilis sa front seat ng kanyang kotse at ikinabit ang seatbelt sa akin, hindi ko alam pero I feel something inside my heart ata ng maamoy ko ang mabango nyang pabango.
"Tell me your directions." mahinahon ng sabi nito, tumango na lang ako at hinayaan na lang sya, Oo nga hayaan ko na lang sya atleast libre yung pamasahe ko, napatawa ako ng nakakaloko.
"What's funny?" kunot noong tanong niya sa akin, umiiling lang ako baka kasi kung saan pa mapunta yung usapan namin.
"Idiot." mahinang sabi niya. Imbis na gumanti ay tinalikuran ko ito, naiinis ako, ang sama talaga ng ugali nya. Kung magiging boyfriend ko sya hindi talaga ako makakatagal, baka minuminuto yung away namin, o baka nga segusegundo pa. Pero kung magiging boyfriend ko sya pahihirapan ko talaga ang isang toh, ang sama ng ugali!
------
William
Hindi ko mapigilang mangiti ng makita ko ang pagkainis ni Gilliane ng sabihan ko sya ng "idiot" akala mo'y bata ito na nagtatampo dahil napagalitan. Alam ko naman talaga kung saan ang bahay nila sa San Jose, inalam ko yun kay Jing bago kami bumyahe, nabanggit kasi ni Jack na uuwi na daw ng San Jose ang babaeng kasama ko ngayon dahil summer break, nanghina ako ng marinig ko yon, isang gabi nga lang di ko sya nakita napipikon na ko sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa babaeng ito. I was her first kiss, and I was happy when I realized it after she punched me in my face, nagulat ako noong araw na iyon na magagawa nya akong suntukin dahil sa nagawa ko, I didn't feel mad of what she did, All I feel was amazement. Sounds stupid right? But that's just happen, I can't explain any further right now.
BINABASA MO ANG
First Kiss, First Punch!(JaDine)
RomanceHanggang ngayon ba naniniwala pa din kayo sa first love? Si William Velasco ata naniniwala pero nasa indenial stage sya dahil sa isang babaeng tatanga tangang may hawak ng sandwich na nabangga nya sa hallway, hindi nya sinasadya pero nabangga nya iy...