4

495 26 5
                                    

Rose's POV

         

        "Kamusta naman ang study niyong dalawa?"

Biglang sabi ni Daddy sa kalagitnaan ng hapunan. Napatungo naman si Rain na kanina pa humihigop ng sabaw.


"Ayos lang naman dad, madaming pogi.."
Seryosong sagot ko na ikinasamid ni mommy.

Sa amin tumitira si Rain, i mean except sa dorm, sa amin siya umuuwi. Weekend kasi ngayon kaya umuwi kami dito para magpahinga from endless designs..

Ang parents ko ang legal guardians na ni Rain, wala na ang both parents niya.. Her father was the older brother of my dad.

Parang tunay na kapatid ko na rin ang yelong ito, kahit na magkaibang-magkaiba kami ng ugali, nagkakasundo at nagkakaintindihan kami.



"I told you to focus on your study, Rose"
Malambing na sermon ni mommy sa akin na tinanguan ko lang.



"Okie, okie mom.. Alam ko na yan, mas mahigpit pa si Rain sakin kaysa sa inyo eh.."
Biro ko.

Sinipa naman ako sa silong ng mesa ni Rain at binigyan ng tumahimik-ka look.

Tumawa naman si dad sabay sabing,
"Si Rain naman ang hinihintay kong magkaboyfriend.."

Sabay kaming nasamid ni Rain sa sinabing iyon ni dad at napahinto sa pagkain.


For real?
Ako paba talaga ang anak ng daddy ko?
Ang unfair, bakit ako hindi pwedeng mag boyfie? T^T


"Hay nako dad, you better wait forever than wait for her having a boyfriend. Lahat nga ng tao iniiwasan niya sa school bukod sakin at sa mga teacher.."


Pagsasabi ko ng totoo.
Wala ng nagawa si Rain at hindi na ako nasipa dahil naiwas ko na agad ang hita ko.



Oh, mali pala ako..
She's close to that Justin De Dios..
Omg, naiiyak ako
Ngayon lang naglihim ng ganito kalaking sekreto ang pinsan kong ito.. Parang napupunit ng paulit ulit ang aking heart..

"You still have struggle in communicating, Rain?"
My mom sweetly asked.


"Hindi po tita, busy lang ako.."
Sagot naman niya sabay lamon.


"Oo nga mom, kaya nga naging close niya si Justi—"

"Rose Quenirry, manahimik ka"
Banta niya sa seryosong tono.


Natawa lang si dad at mom sa akin at nagsimula ng kumain ulit.

Ganito ang ginagawa namin palaging tatlo para libangin si Rain. Kapag kasi tahimik kami, magkakaroon ng chance si Rain para mag overthink na naman.
Andami daming niyang aalalahanin. Lalo na pag nasa hapag kami.. Madami siyang maaalala na alam kong makakasakit sa kanya ng husto.. Mga memorya niya kasama ang papa niya..


Her past made her turn into this.. Cold,
Cold like ice..

Hindi ko alam kung matatawag iyong trauma pero isa lang ang gusto namin nila dad at mom,


Ayaw naming malungkot ulit siya.







***

  Third Person's POV

                  Dumadagundong sa ingay ang hall ng Stallion University pagkatapos nilang i-on ang tatlong naglalakihang speaker, tanda na magsisimula na ang kanilang mahalagang okasyon.

She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now