5

436 19 2
                                    

Rose's POV

                   Time check: 2:42pm. Okay, may 18 minutes pa ako para gumala sa kabuoan ng school. Buti nalang at may meeting si Rain kasama ang team niya, hindi niya ako mapipigilang gumala-gala.

Bwahahaha.

Gusto ko lang naman makita ang ganda ng University'ng ito eh. Baka kasi match ang beauty niya sa beauty ko, edi perfect. Kulang nalang ang Prince Charming..


Speaking of price charming, natigilan ako sa paglalakad at pangunguya ng lollipop sa bibig nang mapagtanto kung sino ang nalagpasan ko ngayon ngayon lang.

Nanlaki ang mga mata ko at unti-unting pumihit patalikod upang makita at mapatunayang sila nga iyon..

Tulad ko ay pumihit din sila patalikod kaya nagkatinginan kami.

Omg, napalingon ba sila sa ganda ko?

"J-josh?"

Si Josh iyon kasama si Stell ng Syclups. Omg, fan na ba ako? Bakit pati dating nila, memoryado ko na?

"Hello"
Sagot naman ni Stell habang nakangiti.


Gwapo siya, oo.. Pero iba talaga ang dating ni Josh sa akin eh. Parang may something sa kanya na nagpapalingon sa magandang si ako.. Omg, omg, omg..

Siya naba ang Prince Charming ko?


"Rose, right?"
Josh said.

Napakurap kurap ako ng ilang beses bago sumagot.
"O-oo, paano mo nalaman?"


Stalker ko naba siya? Kaloka naman Lord, nakakakilig haa.


"Pinsan ka ni Rain, of course alam namin.."
Stell mysteriously said.

Doon ako nagising mula sa pag da-daydream at napakunot ng noo. I turn my glance into Stell and asked..

"What do you mean? Rain has something to do with Syclups? Close kayo?"
Seryosong tanong ko.

Dati ko pa toh gustong itanong.. Nung nakita ko silang kasama si Rain sa canteen the other day, napuno na ako ng curiosity.


Papaanong naging close ang yelong pinsan ko sa mga sikat at naggwagwapohang limang lalaking ito?



Nagkatinginan silang dalawa at sabay na sinabi ang tanong na sinagot ko lang sunod sunod na iling.


"Hindi ba sinabi sa iyo ni Rain?"







***

       Pagkapasok ng pagkapasok ko ng dorm ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Rain. Nakaupo siya sa harap ng study table niya at nag dedesign na naman ng interior.

Walang salita-salitang hinawakan ko siya sa braso at hinila papuntang sala.

"Ano na namang problema mo?"
Walang ganang tanong niya pero hindi ko lang siya pinansin at itinulak paupo ng sofa.

Pumameywang ako sa harap niya habang puno ng tanong ang walang buhay niyang mga mata.

Doon ko ibinuka ang bibig kong kanina pa tikom dahil sa pagkagulat at agad na nagsalita.




"Tell me, kailan mo balak sabihin sa akin ang lahat?"
Kumunot ang noo niya sa tinanong ko.



Sarkastiko akong tumawa at pinanlakihan siya ng mata.

"Bakit hindi mo sinabi saking nanliligaw sayo si Justin De Dios ng Syclups?!?!!?"



~FLASHBACK~

           "What do you mean? Rain has something to do with Syclups? Close kayo?"

Curious kong tanong.

"Hindi ba sinabi sa iyo ni Rain?"

Lalong kumunot ang makinis kong noo sa sinabi niya. Anong hindi sinasabi sakin ni Rain?

Napansin iyon ni Stell at natawa.
Seryoso lang na nakatingin sa akin si Josh na hindi ko muna pinagtuonan ng pansin.

May kailangan akong malaman eh..


Napailing iling si Stell sabay sabing,
"Justin has been courting Rain for almost 3 weeks now. Akala nami'y alam mo na.."

Nahulog ko ang hawak hawak kong isang stick ng lollipop dahil sa sinabi ni Stell na iyon.
Bumagsak ata sa balikat ko ang mundo ng hindi ko namamalayan..


Bagsak kasama ang mga panga kong hindi ko aakalaing babagsak dahil sa narinig ko.




~END OF FLASHBACK~




"It's not like that, Ros—"

"Anong it's not like that, it's not like that.. Explain"
I snapped.

Pabagsak akong umupo sa tabi niya at nagcrossed arms. Nagtatampo talaga ako ng sobra. Tinago niya talaga ang napakalaking bagay na iyon sa akin?
Sa akin na bestfriend, kambal tuko, pinsan, at other half niya?!


"Look, it's Justin De Dios. Member of syclups, pride of university.. Of course he's just joking around when he decided to court me.."

Wow, record breaker.. Marami rami na yun na sinabi niya in her entire life..
Pwede na.. Nakakawala ng tampo.


"Pero kahit na, dapat hindi mo nilihim sa akin. Kung hindi pa ako nagtransfer dito, hindi ko malalamang may pumupurma na pala sayo. Panghabang buhay mo bang itatago sa amin na may sikat kang manliligaw? .. Jusmeyo, Rain Quenirry.."

I said as i massage my temple.

Napa 'tsk' lang siya at tumayo na, then walk out.


" Hoy! Hoy ano ba, hindi pa tayo tapos! Ako ang galit dito okay?! "

Pahabol ko pero pag sara ng pinto ng kwarto niya ang tanging sagot nakuha ko.

For real?

Hindi pa nga ako nakakarecover sa pagkashock ng malaman ko ang lahat..



3 weeks na..

So matagal tagal na..

Isang buwan na..


Omg..



Omg...


Bakit sobrang surreal?
Kakaiba talaga ang genes naming Quenirry. Biruin mo, napaka cold at sungit niya, hindi pa pasalita, tapos nakakatakot pang titigan...



Pero isang sikat, gwapo, mayaman, at idolo ng lahat ang nagkainterest sa kanya?




Don't me!




Isang JUSTIN DE DIOS yun!

She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now