18

328 20 0
                                    

Rose's POV

                      "Ang lakas ng stamina ng lalaking iyon. Nakaya ang ilang beses na rejection"

Namamanghang sabi ko habang pumapalakpak pa.

"Manhid na kaya yun?"
I even asked.

"Hala baka biglang manibago yun kapag sinagot mo dahil sa paulit ulit na rejection, HAHAHA!"
Pagtawa ko pa.


Huminto lang ako at tumingin sa kanya na ngayo'y hindi naman nakikinig at nakatingin lang sa kung saan.

"Hoy Rain, kinakausap kita"

Nasa rooftop kami ngayon ng building. Ito yung pinakamaliit sa university kaya hindi masyadong mataas ang kinaroroonan namin.

"I don't think he'll still pursue me after that rejection"
She finally said.


Napangiti nalang ako at tinapik tapik ang balikat niya.
"Now you're worried that he might give up?"


"I'm not. I'm just telling the truth"
Depensa pa niya.


Umupo ako sa tabi niya at tumango rin para panuorin ang makulimlim na alapaap.
We were swallowed by silence for a short time.

"Ganito nalang. Magpustahan tayo. Kapag sumuko sa panliligaw sayo si Justin, magiging yaya mo ako for one week. Pero kung nagpatuloy siya, you'll consider him as your boyfriend, dare?"

Sabi ko sabay taas baba pa ng dalawang kilay.

"No way. The stake is to big to deal"
She answered.


"Anong malaki doon? Jojowain mo lang naman si Justin. Hindi ka mamamatay kapag ginawa mo. Walang mawawala."
Pangungulit ko.



Ayaw pang umamin ng bruhang ito.
Pero alam ko, nararamdaman ko, nahuhulog na siya ng paunti unti kay Justin.
Lumalambot na siya.


Kung napapansin niyo, payag na siyang pagusapan namin ang ibang tao tulad ni Justin, hindi katulad dati na wala siyang interest sa kahit na ano.


Her straight brain and cold heart was finally conquered by Justin.


It's my turn to help them.


"Still no"
She said.




"Rain, let's get serious here.. Think about Justin, about the things he done for you, the efforts he made to make you atleast happy. Hindi kana makakahanap ng ibang lalaking handang kilalanin at tanggapin ang buo mong pagkatao katulad ni Justin. Alam na niya halos ang lahat sayo, kahit nga paborito mong kulay na hindi ko alam, alam niya. He remember everything that's important to you. Araw kung kailan ka dadatnan, oras ng pagdating mo sa school, kung paano ka malungkot, kung saan ka takot, kung ano ang kinaiinisan mo.. Rain Quenirry, please wake your heart up."

Hinga ng malalim Rose, kalma.
Grabe andami kong nasabi.

Dahan dahan naman siyang napayuko at nanatiling tahimik.
Alam kong kahit na hindi siya sumasagot, pinagiisipan niya ang mga sinabi ko.

Doon naman siya magaling eh, she keep and think about everything by herself.



"You rejected him many many times. Tao rin siya, alam kong alam mo na nasasaktan din siya. But he didn't gave up. Madami pa sa madami ang mga nagkakagusto sa kanya. Kayang kaya ka nga niyang palitan kahit kailan eh, mayaman na nga siya, tapos gwapo pa, tska sikat.. Pero alam mo kung ano yung nakakamangha dun? Hindi ka niya sinukuan.. "



" Hindi ko sinasabi ang mga toh dahil sa kaibigan ko siya, pero dahil sa ito ang totoong nakikita ko.. "



Jusko. Magiging labguro pa ata ako ng wala sa oras dahil sa babaeng ito.
Bakit ba kasi ginagawa pa niyang komplikado ang lahat? Napapa speech tuloy ako ng wala sa oras..

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Sumuko nalang ako at napabuntong hininga.


"Forget it, let's go downstairs, may exam pa tayo mamaya"
Pag aaya ko.



Bumaba na nga kami ng building na iyon at dumiretso sa floor.
Naghiwalay lang kami ng direksyon dahil nga sa magkaiba ang room ng ID at room ng FD


Malapit na ako sa room namin nang makita ko ang isang babae, she's not student, i guess. She's not familiar to me.

Pinagtitinginan din siya ng iba.


"Omg, si Annie?!"

"Bumalik na siya?!"

"Ang ganda pa rin niya. I'm sure, Syclups will be surprise here"


Annie?
Sino si Annie?
Kilala siya ng Syclups?


The girl was beautiful, really really beautiful. Maputi pa tapos matangkad.


"Hi, uhm, can you tell where's the room of business management?"

Nabalik lang ako sa reyalidad nang mapagtanto kong kinakausap na pala ako ng babaeng iyon.

"A-ah, hi. Let me guide you there"
Sagot ko.

Business management?
Anong gagawin niya dun?



Hindi kaya...


"Are you looking for Josh Cullen Santos?"
I asked out of nowhere.

"Ah yes, you know him?"

Pati boses niya mala anghel. A piece of heaven..



"A-ah, n-not really"
Sagot ko.



Kaano ano siya ni Josh?










***

       "Ngayon alam mo na kung sino si Annie"

Dahan dahan kong itinango ang ulo ko pagkatapos kong marinig ang sinabing kwento ni Stell sa akin ngayon ngayon lang.


Natulala ako at halos hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi niya.

Nasa canteen kami ngayon, kasama si Rain at ang Syclups except for Josh.


Napalagok nalang ako ng juice ng wala sa oras.




Si Annie, yung dyosang tinulongan kong mahanap ang room ng  business management, ay ang babaeng dahilan kung bakit chi-chicboy chicboy si Josh.


She's Josh's ex. Umalis siya at pumunta ng ibang bansa, ilang taon na ang nakakaraan. She promised Josh that she'll come back. Josh waited for many years but she didn't came back.


She turn Josh into this Josh now.


She made him not trust woman in any aspect kaya wala ni isa sa mga babae ang seneryoso niya.


"Haist... Bakit nagsisibalikan ang mga ex ngayon"
Biglang wika ni Justin na sinamaan lang ng tingin ni Rain.


I know he's talking about Zaijan.

Bakit ganun, kahit na gusto kong matawa sa inaasta nilang dalawa, hindi ko kaya.

Anong kayang ginagawa ni Josh ngayon?
Anong pinaguusapan nila ni Annie?

Magiging magkaibigan lang naman siguro sila diba?

After all, Josh already locked his heart for her.

Iniwan at niloko siya ng babaeng iyon, he must be crazy kung magpapaloko pa siya ulit.

"Rose.."
Pagtawag ni Rain.

Nginitian ko lang siya at kunwari'y natawa.
"Hay, ano ba kayo. Okay lang ako, tulad ng sabi ni Justin, Ex means Expired! Kayo talaga.."
Masiglang wika ko pa.


Pero ang totoo , patuloy pa rin akong binabagabag ng katotohanan..



Paano kung magkabalikan sila?

She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now