22

320 24 3
                                    

Rose's POV

                    "Umay.. May girlfriend na si Justin?"

"Err, pwede pa sana. Pero sa Rain Quenirry na yun? Eh hindi nga yun maganda eh!"

"I bet, she seduced him!"


Napakuyom bigla ang kamao ko sa narinig. Tumingala pa ako para sana pakalmahin ang sarili ko at hindi ko makalbo ang mga babaeng walang alam gawin kundi ang pagchismisan ang ibang tao lalo na ang pinsan ko.



I was about to approach and confront them but someone arrived there first.



Babae.. Pamilyar na babae.



"Talaga?"
She said to them.


Nagulat ang mga babaeng kaharap niya at mukha hindi inaasahan ang nakikita.



"I think, i am disagree for what you said na hindi maganda si Rain.. Remember your first year college here? She won in a pageant. She won over hundreds of candidates. And to think na matalino pa siya, sa tingin ko, ako pa ang magtutulak sa kanyang landiin ang kapatid. Because she's capable. Kayo? Anong kaya niyo? All you can do is to talk about Syclups and follow them, am i right? In other words... "







"You're just a desperate fan and obsessed woman"







Napasinghap ang mga babaeng nakarinig nun mula sa bibig ng isang De Dios.
Sabi na eh, kaya pamilyar siya. She's the sister of Justin, Jacee De Dios.




Tama nga si Rain.
She's a savage, cool woman.



Natawa at napangisi nalang tuloy ako habang tinitignan ang mga mukha nilang hindi makapaniwala.




Nagsimula ng maglakad papalayo si Ate Jacee kaya agad ko siyang sinundan.
Pero bago yun, binilatan ko muna ang mga malalanding babae na ang kakapal pa ng make up.




"Ate Jacee, wait!"


Huminto naman siya sa paglalakad at hinarap ako.
Hinihingal pa akong dumating sa harap niya kaya hinabol ko muna ang hininga ko.



"You are..?"




"Rose.."
Sagot ko.




Kumunot naman ang noo niya, halatang hindi ako nakilala.


"Rose Quenirry, pinsan ni Rain. Remember?"


Napatango tango lang siya sa sinabi ko at sinabayan na ako sa paglalakad.
Umayos na din ako ng tayo at nakisabay sa kanya. I bet, nakita niya ang trending sa social media at narito para sa kapatid niya.



"Salamat pala kanina, ate"
Wika ko.


"It's nothing. That's what a sister in law should do"
She said and grinned.

Natawa nalang ako. Ngayon pa talaga siya magbibiro.



Kalat ngayon sa lahat na may namamagitan kela Justin at Rain. Madaming proof kaya mabilis na kumalat.

Picture nila sa contest ni Rain, sa classroom, sa field at madami pang iba. Iba sa kanila ang kinilig at natuwa sa trending na yun, pero ang karamihan, katulad ng mga babaeng iyon kanina, ay nagagalit at naiinis kay Rain.



A lot of them was bashing her and i almost spent my whole night fighting with those online addicts like a keyboard warrior.



This isa bad.
Bakit kung kelan nagkakamabutihan na yung dalawa, tska naman umepal ang tadhana?



She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now