Chapter 1

8.4K 148 8
                                    

Lorrine's photo nung mahirap palang sya :)

~~~~~~~~~~~~

Lorrine's POV

Yes! Bukas June na at anong meron sa june?.... Pasukan na at hulaan nyo kung bakit ako masaya?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kasi sa magandang school na ko papasok yey!! ^_^

Napasok ako sa isang private school dahil daw ang utak ko pang genius na, hindi naman sa nag yayabang pero yun yung totoo. Ay nga pala mag ke-kwento muna ako tungkol sa buhay ko

Ako nga pala si Lorrine Amber Newton, 3rd year highschool na bukas at mahirap lang kami, hindi naman yung sobrang hirap na namumulot na lang kami ng tira tira ang ibig kong sabihin ay nakakakain lang kami ng tama yung tatlong beses sa isang linggo, ganun

Ang pangalan ng mama ko ay si Teressa Layugan at ang kapatid ko naman ay si Charlene Anna Layugan, ang tawag ko sa kapatid ko ay arlene kaso pag tinatawag ko syang ganun ganito lagi ang expression nya 'ew! Don't you dare call me to that name, we're not even close!', arte noh kala mo kung sinong amerikana kung maka ingles pero ang tawag ni mama kay arlene ay anna, ewan ko pero nachi-cheapan ako dun sa pangalan na yun na anna.

Nung bata ako malaki ang pag-tataka ko kung bakit mag kaiba ang apelyido ko sa mama ko at dahil sa apelyidong yun lagi na lang ako na bubully

~~flashback~~

6 years old ako, grade one nung graduation tinawag ang pangalan ko at pangalan ni mama nung emcee

"Our next graduate, Lorrine Amber Newton and her mother, Teressa Layugan" I was about to step on the stairs to claim my diploma but all of my classmates laugh at me

"Mama anong nakakatawa?" Bulong ko sa mama ko but hindi nya ako sinagot at sinamahan nya nalang akong umakyat sa stage at kinuha ang diploma ko at dahil hindi ako makuntento tinanong ko ang mga ka-klase ko

"Anong nakakatawa?" Tanong ko gamit ang mic para marinig nila ako

"Lorrine, nanay mo ba talaga sya?" Tanong ng kaklase kong babae

"Oo" sagot ko

"Eh bakit mag kaiba kayo ng apelyido?" At nag tawanan na ang mga kaklase ko

"Mama, totoo po ba yun?" Tanong ko with teary eyes because of the dissapointment

"Tara na, umuwi na tayo" at hinigit na ako ni mama pauwi ng hindi manlang tinapos ang graduation kaya simula no'n lagi na akong napapagalitan

~~end of the flashback~~

Wala namang nabanggit na kahit anong dahilan kung bakit mag kaiba ang apelyido namin eh kaya I just always shut my mouth when I feel I want to ask why

"Lorrine mag bihis ka!" Sabi ni mama habang nag lilinis na ako ng sapatos ko na gagamitin bukas, actually yung gagamitin kung sapatos ngayon eh yun yung ginamit ko last year at dahil ayos pa naman yun ang gagamitin ko ngayon

"Bakit po?" Tanong ko at linigpit na ang sapatos ko at tumayo na

"Bibili tayo ng gamit mo at gamit ng kapatid mo sa school" pag kasabi nya no'n pumunta na ko sa damitan ko at nag bihis.

Naka bihis na ako at naka alis narin kami ng bahay kaya ngayon nakasakay kami sa jeep papunta kung saan

~~sa mall~~

Nandito na kami sa.... Mall?!. Hindi lang sya basta mall na lahat pwedeng maka punta, isa itong mall na pang mayaman

"Mama anong ginagawa natin dito? Eh diba mall 'to ng mga millionaryo" tanong ko

"Wag ka ng masyadong maraming tanong" yun na lang ang sinabi nya at binuksan nya ang wallet nya at pag tingin ko, grabe hindi ako makapaniwala sa nakita ko

May lamang 20 pieces ng ₱1,000 at 40 pieces ng ₱500, as in grabe kasi dati lagi ang laman ng wallet ni mama ay ₱500 lang pero ngayon... What the!

"Mama saan nyo yan nakuha" tanong ko ulit

"Wag kang maingay, hindi ko toh nakuha pinaghirapan ko toh" sabi nya nalang at tinago na ang wallet

Parang masama ang kutob ko dyan sa mga pera ni mama

"O ayan bibigyan ko kayo ng ₱10,000 pesos at bumili na kayo ng mga kailangan nyo para sa school, mag hiwa-hiwalay na tayo, mag kita nalang tayo sa labas ng mall bago mag 4pm" sabi ni mama at umalis na

Umalis narin si arlene kaya pumunta na ko sa national bookstore at namili ng mga murang gamit lang para makabili pa ko ng ice cream.

Tapos na ko bumili ng gamit at nabayaran ko narin kaya off to Dairy Cream

Habang kumakain ako ng ice cream pakiramdam ko may nakatingin saking lalaki, di ko kilala pero pakiramdam ko naka suot sya ng pang detective kaya dinala ko nalang yung ice cream ko at umalis na tutal mag fo-four narin naman eh

~~~~~

Mr. Detective's POV

Sakto nakita ko na ang babaeng matagal ng hinahanap ni sir at ma'am

Umalis na ako doon at tinawagan ko na si sir, buti sinagot naman agad

(Any information?) Tanong ni sir

"Yes sir, nakita ko po syang kumakain sa Dairy Cream and I know na yun ang anak nyo sir" sagot ko

(Linapitan mo ba o tinanong ang pangalan)

"Hindi po sir, medyo nakakahalata po kasi sya eh"

(Well you better follow her around and ask her name if she's trully my daugther okay)

"Okay sir, bye"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:Hala! Nahanap na ang long lost princess ng Mrs. and Mr. Newton

The billionaires long lost daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon