Lorrine's POV
Naka uwi nako sa bahay, tumakbo na nga ako eh dahil biglang bumilis yung tibok ng puso ko, pero lord ayoko muna hindi pa ko ready please lord wag muna ngayon
Nag rereview kasi ako para sa recitation bukas para may extrang grade ako pero bakit ngayon pa tristan, bakit ngayon pa. I can't stop thinking about you huhuhu :'(, hindi tuloy ako makapag concentrate
Bakit mo kasi ginawa yun? Ngayon baka kailangan na kitang iwasan huhuhu, lord bahala ka na sakin bukas pero gagawin ko ang lahat para makapag review ako ng maayos at para narin hindi kita maisip...... Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh hindi ko talaga mapigilin :'(/:("
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tristan's POV
Andito parin ako sa school kung saan ako dinala ni lorri kahit 7:00 na ng gabi, anoba naman kasing pumasok sa utak ko at hinalikan ko sya now maiilang na sya sakin. What ami gonna do :(
"Kuya mag sasarado na kami ng mga 8:00 hindi ka pa ba uuwi?" sabi ni manong guard dahil lumapit sya sakin
"Manong 30 minutes nalang"
"Osige boy" at umalis na sya
Please lord sana hindi naman sya mailang sakin... Ano ba kasi tong emosyon na 'to at napapahalik ako ng babae sa wala sa oras eh
Hay! Uuwi na nga lang ako
~~kinabukasan~~
Papunta na ko sa room ko ng makita ko si lorri na maraming dalang libro. Gusto ko sana syang lapitan at kausapin kaso hindi ko alam ang sasabihin pero bahala na nga, basta kailangan ko syang makausap
"Uhmm lorri teka lang!" sabi ko at tumakbo na palapit sa kanya kaso nung makita nya ako tumalikod sya at binilisan ang lakad
"Please lorri I need to talk to you" sabi ko at nung mahabol ko sya hinawakan ko sya sa braso at bigla naman syang tumigil
"Lorri please kausapin mo naman ako" sabi ko at humarap na sya dahan dahan
"Lorri I'm sorry kung nahalikan kita kagabi pero sana wag mo naman akong iwasan" dag dag ko pa pero nakatingin lang sya sakin
"............ Okay" yun lang ang sinagot nya at tumalikod na ulit at umalis na
Sana talaga kausapin nya na ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi nya parin ako papansinin. I need a plan but what?.............. Ting! Alam ko na!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lorrine's POV
Nasa library ako kasama si shane dahil wala na rin naman syang gagawin ngayon so sinamahan nya ko kaso habang nagbabasa ako sa libro ko na wala naman akong naiintindihan kanina pa sya tingin ng tingin sakin
"Bakit ba kanina ka pa naka titig sakin?" tanong ko at tiningnan narin sya
"May tinatago ka ba sakin?" diretsohan nyang tanong
"Bakit mo naman sinasabi yan?"
"Eh halata eh, ano ba kasi yon?"
"Wala nga"
"Meron kaya, kaya sabihin mo na sakin please?!, bestfriend naman kita eh"
"*sigh* sige na nga pero mamaya na"
"Yey thank you! Simula ngayon ang tawag ko na sayo ay bestie so I love and thank you bestie!" sigaw nya at yinakap ako
"Shhhhhh!" sita naman nung librarian at nag peace lang si shane
Grabe I can't believe na nagkaroon ako ng bestfriend na katulad ni shane
~~fast forward~~
Uwian na namin at ngayon nag lalakad kami papunta sa bahay nila shane dahil napag isipan namin na dun nalang mag reiw and sa daan ko nalang ikekwento yung nangyari kahapon
"Lorri wait, may sasabihin lang ako sayo!" at pag lingon ko......... Patay! Sya nga =_='
"Shane tara na nagugutom na ko" sabi ko at hinila na si shane
"Pero bestie, may sasabihin daw sya sayo" pangungulit nya na bumalik
"Lorri teka lang!" sigaw nya ulit habang tumatakbo
"Tara na shane naiihi na ko" sabi ko at hinawakan na si shane at tumakbo na
Pag dating namin sa bahay nila pumasok agad kami sa loob at nakita ko naman si tristan na dire-diretsong tumatakbo
"Bakit ba kasi natin sya tinataguan?" biglaang tanong ni bessy
"Wala"
"Ayan ka nanaman sa wala mo eh, sabihin mo na please?" sabi nya at nag puppy eyes pa
"What ever. Kahit hindi ka naman mag puppy eyes sasabihin ko eh, remember nag promise ako diba?"
"Oh right, o go na bestie, tell me na"
"Okay, ganito kasi yon. Kahapon nung uwian pupunta dapat akong library kaso naka salubong ko sya at nag yaya na syang mag pasama sakin pero wala naman akong nagawa dahil may in-offer sya sakin na deal na ang deal na yon ay sasamahan at tutulungan nya daw akong mag review so wala akong nagawa kung hindi sumama dahil ang kulit nya. Hindi ko inaasahan na dadalhin nya pala ako sa place kung saan huli nyang naka sama ang mama nya so ako naman bilang kaibigan kinomfort ko sya at dinala sa place kung saan napapangiti ako at hindi nga ako nag kamali dahil ngumiti sya. Nag pasalamat sya sa akin at bigla nalang kaming nag kiss pero 3 seconds lang dahil may narinig kaming nag flash ng camera" paliwanag ko
".......... Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"
"Hoy wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo!"
"Unang una hindi hoy ang pangalan ko, pangalawa wala naman si mama kaya pwede sumigaw at pangatlo ang pangit naman ng love story nyo, parang once upon a time you met a boy and then you kissed-the end. I think you need a date with him para naman pag naging kayo, may memories" sabi nya sabay smirk
"Unang una rin wala kaming love story and we don't need a date okay? At pangalawa, hindi kami prinsesa o prinsipe para mag karoon ng so called once-upon-a-time"
"No, no, no. Your date will be settled on saturday so wala ka nang magagawa"
"Sino naman mag aasikaso nun eh diba hindi rin naman kayo mayaman hindi katulad ng ibang student ng school natin"
"Hindi nga kami mayaman pero mga kamag-anak namin oo"
"Weh?! Talaga?!"
"Oo"
"Ah okay, mag review na tayo"
"Wait lang, ano? Agree ka na sa date nyo ni tristan sa saturday?"
O-oo kaya ako o hindi?, well gwapo naman si tristan mabait, hindi mayabang hindi katulad ng iba dyan, cru--- no, no, no, no. Hindi ko sya crush at I will not agree to that date
"Deal.. I mean----"
"Walang bawian so your date will be settle on saturday... Don't worry I'll be in your back ;)"
Oh ow, what did just I said. Hu hu hu bakit ba kasi ang ingay ng bibig ko :(. Ano naman kaya ang isusuot ko eh puro pantalon at blouse lang ang damit ko eh tapos wala pa akong matinong sapatos dahol tsinelas lang ang meron ako, huhuhu :'(
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yieeeeehh may date ang LorTan ♥
Enjoy reading ;)
BINABASA MO ANG
The billionaires long lost daughter
General FictionSi Lorrine ay isang mahirap na babae but turns out to be the billionaires long lost daughter Tatanggapin nya kaya na sya ang nawawalang anak ng mga billionaires It's just a story of my imagination so lahat ng mababasa nyong lugar, pangyayari o panga...