Ito po yung binili ni shane for both of them
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lorrine's POV"Bestie what do you like? Pink *taas ng casual dress na color pink* or Black *taas rin ng casual dress na color black*" sabi ni bessy habang hirap na hirap sa pag pili
"Diba ang daming damit na binigay sayo yung tita mo?"
"Yes.. But it's not for me"
"For whom?"
"For my best friend!!" so ipinag palit na nya ako porket gumanda lang sya? -_-
"=_=" ganyang mukha lang ang ipinakita ko sa kanya habang may so-ipinagpalit-mo-na-ako-ngayon? Look
"Syempre hindi, diba nga ikaw lang ang best friend and forever bestie ko?"
"Ganon? So para sakin yan?"
"Uh-huh dahil......" pabitin din 'tong si bessy eh
"Dahil?!!!" excited kong tanong
"Birthday ni TJ!!! O diba?. Ay nga pala may gift ka na?"
"Teka nga!, birthday ni istan tapos hindi ko alam?"
"Oo kaya pumili ka na dyan at libre ko na yan kahit sinabi kong hindi kita ililibre kaya bilis na dahil bibili pa ko ng gift"
At dahil sa narinig ko, kinuha ko na yung pink at binayaran ko na pero syempre kila bessy galing yung pera, pero bakit kaya ganon yung tito nya, parang piso lang ang isang libo sa kanya kaya ipinamimigay nya na lang
Nung ibinigay na nung babae yung damit ko daw, hinila ko na agad si bessy at tumakbo papunta sa gift shop kahit naka heels ako. Bilib nga ako sa sarili ko dahil kahit naka pointed heels ako hindi man lang ako natapilok kahit first time kung mag suot nito.
Narating na kami sa gift shop ng hingal ng hingal ng mag salita si bessy
"Bestie ang sakit na ng paa ko kakatakbo ha" sabi nya habang hingal ng hingal
"Sorry. Kailangan ko na kasing umuwi pag katapos nating bumili ng regalo eh" paliwanag ko
"Para saan? Eh ang aga-aga pa ah"
"Mag babalot pako ng regalo ko eh"
"No problem, gift shop 'to kaya libre na ang pabalot dito"
"Ah ganon?... Okay"
"Yey! marami pa tayong time para mag-bonding, Yey!!"
Parang bata pala 'tong si shane, hindi ko alam
Nakapila kami ngayon dahil ipapa-wrap na namin yung regalo pero si shane dalawa yung binili nya pero yung isa tinatago nya yung isa nasa basket namin. Siguro nanakawin nya yun, wag naman po sana please kasi baka makulong yung bestfriend ko huhuhu, sya na nga lang yung naging kaibigan mawawala pa
~~~
After a while tapos na rin at kumain muna kami ng late breakfast kasi 10:49 am na
"Anong favorite color mo?" tanong nya bigla habang kumakain
"Uhmmm.. Let me think....... I think... Violet!"
"Ah ok, mine is red tandaan mo yan dahil sa friendship dapat kilala nyo ang isa't isa"
"Ah okay" yun lang ang sinabi ko at kumain ulit
"By the way, here" sabi sabay abot ng box
"Ano 'to?"
"Necklace"
"I know but what I meant is para saan?"
"Friendship gift, souvener for being may honest and kind best friend. Kahit wala ng kapalit okay lang, I didn't expect for the return naman eh so accept it" paliwanag nya kaya kinuha ko naman
"Thank you" sabi ko nalang at tiningnan kung ano yung design
"Wow!! Infinity design?!! Cool!! Thank you very much!! Talagang kilala mo talaga ako!! I love you bessy!!" sabi ko at niyakap sya
"O tama na, were going to have some fun right?"
"Oh right" sabi ko at umalis na sa pag kakayakap at dahil tapos na kaming kumain tumayo narin sya at umalis na kami
Lakad lang kami ng lakad, sya naman yung nagle-lead ng daan kaya naman nag salita na ako
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakatingin sakanya
"Look" sabi nya at tinuro yung nasa harapan nya
Pag kakita ko naman
"Wow!! World of fun!!!!! Tara na!" sabi ko at excited na hinila si bessy at tumakbo na kami
Habang tumatabo kami may naka bangga kaming mag asawa
"Ay sorry po!" sabi ko at tiningnan sa mata sa mata yung babae
Nakatitig lang naman sya sakin at teka parang familiar sakin yung dark blue eyes nya ha
"Bessy pahiram salamin" sabi ko habang nakatingin parin dun sa babae
Agad naman akong inabutin ni bessy ng salamin at nakita ko na yung mata ko ay color dark blue rin pala. Bigla naman akong hinawakan sa magkabilang shoulder ko nung babae
"Anak?" sabi nya habang may tumulo ng luha sa mata nya
"Ahh sorry po pero hindi ko po kayo kilala" sabi ko habang dahan dahang inaalis yung pag kakahawak nya
"Anak ikaw ba yan?" tanong nya ulit
"I'm sorry miss but I don't talk to stranger. Halika na bessy" sabi ko at hinawakan ko na yung braso ni bessy para makaalis na kami
"Anak hindi ako stranger. Nanay mo ako" pahabol nya dahil nakaalis na kami kung saan kami naka pwesto kanina
"Bestie, bakit ang rude mo naman dun sa babae? Eh ang ganda nga nya pati yung asawa nya. I wonder kung may anak na sila?... At infairness mag-kamukha kayo pati sa mata mag kapareho kayo... *act ng parang na shock* sya ba yung nanay mo?"
"Oh no sister, she's not my mother. Remember I have a mother?... Nasa prison nga lang"
"Yun na nga eh, may nanay ka pero hindi kayo mag kamukha. And that women we just met is just like you at malay mo newton din apelyido nilang mag asawa"
"Teka nga! Bakit mo ba pinapakialaman yung personal life ko?!" galit kong sabi
"Dahil curios ako na baka sya nga yung tunay mong magulang!" inis narin nyang sabi
"She's just a stranger! Nothing else!" sabi ko ulit pero medyo pasigaw na
"I hate you!"
"I hate you too!" sabi ko at tinalikuran na sya, ganon din ang ginawa nya
After 5 seconds hamarap kami sa isa't isa
"Sorry" sabay naming sabi
Natawa naman kaming dalawa at lumapit ako para yakapin sya at ganon din ang ginawa nya
Habang mag kayakap kami may narinig kamin pumapalakpak at pag tingin ko ang daming taong naka paligid samin at naka ngiting pumapalakpak
Bigla naman kaming nagkahiwalay ng yakap dahil nakakahiya kasi sa gitna pa kami ng mall nag away at nag bati
"Ang cute naman nilang dalawa, mag aaway tapos mag babati agad. Sana ganun din tayo 'no?"
"Oo nga best!" rinig kong usapan nung dalawang babae
Umalis na kami dun at pumasok na lang sa world of fun
~~~
Natapos rin ang araw at masaya at safe naman kaming naka uwi ni bessy. Tulog na si arlene sa kama at ako naman naka upo lang sa tabi nya habang iniisip ang mga nangyari
Pano kaya kung totoo ngang sya yung totoo kung nanay?... Hay wag ko na ngang isipin yun.
Kinuha ko yung binigay ni shane sakin at isinukat ko at tiningnan sa salamin, maganda naman kaya tinanggal ko na at tinago at natulog na
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hey there! Thank you nga pala kay @FriesLover_ for voting all the chapter. I love you very much ate hahaha chos. Please vote if you like?
BINABASA MO ANG
The billionaires long lost daughter
General FictionSi Lorrine ay isang mahirap na babae but turns out to be the billionaires long lost daughter Tatanggapin nya kaya na sya ang nawawalang anak ng mga billionaires It's just a story of my imagination so lahat ng mababasa nyong lugar, pangyayari o panga...