.Chapter 7

5.1K 108 4
                                    

Shane and lorrine ↑

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tristan's POV

Andito na kami, dinala ko sya kung saan wala pa akong pinag dadalhan na babae dito. Ewan ko ba kung bakit bigla ko nalang sya dinala dito, pakiramdam ko kasi forever friends kami nito at ever since wala pa akong naging kaibigan dun dahil nga nakakarindi yung mga babae dahil kada dadaan ako titili sila buti nga hindi na masyado dahil siguro may bago na pero ayos na yon but for now ikekwento ko sakanya lahat ng gusto kong sabihin

"Lorri gising na, nandito na tayo" sabi ko at inalog alog pa sya

"Huh? Asan na tayo?" tanong nya at halatang nagulat nung ginising ko sya

"Andito tayo sa lugar kung saan tayo lang ang makaka-alam" sabay smirk

"Teka parang narinig ko na yan sa lyrics ng kanta.... Wag!" sabi nya sabay takip ng katawan nya

"Alam mo? Ang libog ng isip mo tara na nga" sabi ko at tinulungan na syang bumaba

"Asan nga tayo?"

"Dun sa sinabi ko kanina"

"Sa kung saan tayo lang ang makaka-alam?" tumango nalang ako

Andito kami sa lugar na hindi ko pa alam ang pangalan pero dinala na ako ni mommy dito kasi dati daw yung first boyfriend nya dinala daw sya dito kaya gusto nya ang magiging first girlfriend ko ay dadalhin ko dito pero ewan ko ba pero dinala ko tong si lorri dito eh hindi ko pa naman sya girlfriend eh

Umupo kami sa sa may garden fountain at nanguha ng barya haha trip lang walang magawa eh pero ang itsura kasi nitong place na'to ay parang castle na mansion. May gate na sobrang laki at pag pasok mo dire-diretso yun papasok ng mansion tapos pagtingin mo sa gilid punong puno ito ng rose garden at pati narin sa kaliwa.

Ang sabi ng iba, itong bahay na'to ay bahay ng mga pamilyang newton at sila rin daw ang pinaka mayamang tao sa balat ng lupa, at dapat daw ire-regalo daw itong mansion na'to sa anak nila nung 1 years old palang yung baby kaso nawala sya at hindi parin nakikita hanggang ngayon so abandonado parin 'to hanggang ngayon pero may nag aalaga naman nito kaya malinis parin

"Alam mo ba nung bata ako dinala na ako ni mommy dito"

"Talaga? Kaya pala alam mo na 'to eh, mag kwento ka pa dali!"

"Osige, ganito kasi yun

~~flash back~~

I was about 7 years old nung dinala ako ni mama dito. Nag lalakad kami ngayon papasok sa loob dahil libre naman wag lang mag kalat

"Mama bakit tayo nandito?"

"Kasi anak.... Ito ang pinaka mahalagang lugar sa lahat ng napuntahan ko para sakin"

"Bakit?"

"Kasi alam mo, nung wala ka pa dito dinala ako ng first boyfriend ko dito. Ang pangalan nya ay pritz, sa totoo lang ako lang daw ang minahal nya ng totoo nung nakikipag balikan sya sakin pero nasa tiyan ka na ni mama kaya hindi na pwede" nakita ko namam syang biglang lumungkot

"Hayaan mo na mama, mahal na mahal ka naman ni papa eh" sabi ko at ki-nomfort sya dahil may tumulong luha na sa mata nya

"Tara na anak, uwi na tayo" sabi nya at hinawakan na ang kamay ko paalis sa lugar na iyon kaso pag tawid namin

*boogshhh*

Nasagasaan si mama at namatay sya kaya simula non wala na akong kinakausap na estudyante dahil lagi kong naaalala yung pangyayaring yon

The billionaires long lost daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon