Chapter 4

5.4K 119 2
                                    

Uniform po nila lorrine. Cute noh?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Third Person's POV

Binitawan na ni shane ang bibig ni lorrine at saka nag salita

"Shhhh, wag kang maingay baka may makarinig sayo at pumunta dito. Teka may nakalimutan ako, punta muna tayong canteen babalik na lang tayo dito" sabi ni shane at hinawakan na ang kamay ni lorrine at akmang lalakad na ngunit pinigilan sya ni lorrine

"Eh kadadating lang natin eh, mamaya na" pag pigil ni lorrine

"Saglit lang 'to, ayun lang ang canteen o" pag hila naman ni shane kay lorrine

"Osige na nga, tara" sabi ni lorrine at sumama na kay shane

~~sa canteen~~

"Ate pabili nga pong R.C., isa lang" sabi ni shane at ini abot ang bayad sa tindira

Sus yun lang pala ang bibilin kailangan pa kong isama-sabi ni lorrine sa kanyang sarili at sakto ibinigay na nung tindira ang plastic ng R.C.

"Tara na" at hinigit na ulit sya ni shane pabalik sa secret garden

~~sa secret garden~~

"Teka, bago ang lahat pano mo 'tong lugar nalaman?" Tanong ni lorrine dahil kahit ang ibang estudyante walang alam dito na may secret garden ang kanilang school

"Nadaanan ko, kanina kasi pag katapos nila akong ibully pupunta sana akong CR kaso ang akala ko dito ang daan papunta dun kaso secret garden pala toh" sabi ni shane at umupo na sa damuhan at sinenyasan si lorrine na umupo ito sa tabi nya

"Ah ok, ano nga pala yung sasabihin mo kanina?" Tanong ni lorrine habang linilibot ang tingin sa magagandang bulaklak na nakapaligid sa kanila

"Ay oo nga pala nawala sa isip ko" sabi ni shane sabay inom ng kanyang soft drink

"Ganito.. Wag na wag na wag na wag na wag mong sasabihin ang apilyido mo" pag patuloy ni shane

Haba naman ng sinabi nyang wag na eh 'yon lang pala ang sasabihin-sabi ulit ng utak ni lorrine

"Bakit naman?"

"Baka kasi yung iba, alam din nilang ang apilyido ng nawawalang anak ng mga billionaryo ay Newton eh Newton ka eh malamang ikaw ang sasabihin at maiinggit sila sayo at ibubully ka nila at sasabihan na iniba mo lang ang apilyido mo ganun pero don't worry I trust you because I know you are telling the truth" paliwanag ni shane

"Ayan ka nanaman sa pa english-english mo eh" sabi ni lorrine ng may tumunog sa may likod ng puno

"Ano 'yon?" Tanong ni shane

"Ewan" sagot ni lorrine

"Takboooooo!" At sabay silang tumakbo paalis ng secret garden at papunta sa room nila

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mr. Ditective's POV

Ano ba yan, natakot ko pa yung dalawa sayang hindi ko na tuloy maririnig yung sasabihin nung babae tss, kaya umalis na lang ako dun.

Totoo kaya yun? Alam nya ang tungkol sa nawawalang anak nila ma'am at sir, at posible rin kayang Newton ang apilyido nung isa. Irereport ko toh kay sir para malaman nya.

Di-nail ko na ang number ni sir at sinagot naman

(Hello?, Mr. Ditective?)

"Ma'am?!, asan po si sir?"

(Inutusan akong sagutin ang tawag nya dahil nasa banyo sya)

"Ah ganun, osige po sainyo ko na lang sasabihin pakisabi na lang po kay sir"

The billionaires long lost daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon