REASON TO SMILE (CHAPTER 4)

32 0 0
                                    

Marami pang mga araw ng nagdaan na laging magkausap sina Gregg at Yam, palagay na ang loob nila sa isat isa at masaya sila sa bawat araw na magkasama. Hindi na maipaliwanag ni Yam ang kanyang nararamdaman sa binata, may mga pagkakataon kasi na bigla na lamang itong pumapasok sa kanyang isip, excited siya kapag may mensahe ang binata at hinahanap hanap niya ang presensya nito. Pero alam ni Yam na kailangan niyang pigilin ang kanyang nararamdaman, hindi pa siya sigurado kung may kahihinatnan ito kaya kailangan niyang supilin kung anu man ang pwersang umuusbong sa kanyang puso.

"Pero Paano?" yun ang katanungang gustong mabigyan ng kasagutan ni Yam, "Paano ko iiwasan at itatago ang nararamdaman ko kay Gregg? Gayong alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ang puso ko sa kanya." Malalim na pag iisip ni yam. Natatakot siya na baka dumating ang araw na mahulog ng tuloyan ang kanyang puso kay Gregg at mabigo lamang siya. Takot siyang masaktan kaya simula pagkabata ay di pa siya nagkakaroon ng boyfriend. Ayaw niyang matulad sa mga napapanood niya sa telenobela na iniiwan ng kanilang boyfriend kasi baka di niya makayanan ang sakit kaya naipangako niya sa kanyang sarili na kapag magboboyfriend siya yun na ang gusto nyang makasama habang buhay.

"Alam ko na, habang maaga pa iiwasan ko na si Gregg... Baka masaktan lamang ako kapag nagkabalikan sila ng matagal na niyang girlfriend" yun ang tiniyak ni Yam sa kanyang sarili.

Ilang araw na rin ang lumilipas pero di pa rin nagpaparamdam si Yam samantalang araw araw siyang tinitext ni Gregg sinusubukan nya rin itong tawagan ngunit di ni Yam sinasagot.

"Yam, galit ka ba sa akin?"
"Yam kausapin mo naman ako"
"Yam may nagawa ba akong di mo nagustohan? Sabihin mo naman sa akin"
"Usap naman tayo kahit sandali lang, para naman malaman ko ang dahilan bakit bigla ka nalang hindi nagparamdam sa akin"
Mga mensahe ng binata sa dalaga na di man lang nagkaroon ng kasagutan.

Lumipas ang halos tatlong linggo na walang mensaheng natatanggap si Gregg mula kay Yam, sinubukan niya itong puntahan sa kanilang bahay ngunit sabi ng ina ng dalaga ay ayaw daw siya nitong makausap, ilang araw niya na ring inaabangan sa trabaho ang dalaga ngunit parati siya nitong iniiwasan. Nag isip ng paraan si Gregg kailangan niyang makausap si Yam, May ilang buwan pa siya para makausap ang dalaga bago siya bumalik sa abroad.

Isang paraan lamang ang naisip ni Gregg, kukuntyabahin niya ang kaibigan ng dalaga na si Shane, kasamahan ng dalaga sa trabaho at malapit niyang pinsan, ito rin ang dahilan kung bakit nagkakilala ang dalawa. Agad niya itong tinawagan at swerte namang agad pumayag ang kanyang pinsan;

"Salamat insan ha? The best ka talaga" pagbibiro ni Gregg
"Ayos lang, kung di ko lang iniisip na baka di mo ako pasalubongan pagbalik mo dito galing ng abroad, di kita tutulungan" Pagbibiro rin ni Shane.

Inayos ng dalawa ang set up sa napagkasunduang lugar at oras.

"Yam sama ka mag island hopping tayo sa sabado, tutal holy week naman at mahaba ang bakasyon natin" yaya ni Shane kay Yam
"Saang lugar ba at sinong kasama?" tanong ni Yam
"Tayo tayo lang, anu maghanda ka na mamayang gabi ang alis natin para bukas makapag enjoy na tayo" kaswal na sagot ni Shane
"Cge para naman makapagrelax at mabawasan ang stress ko nitong mga nakaraang araw" pahayag ni Yam.
Lihim na napangiti si Shane "everything goes according to the plan".

Nagulat si Yam nang makarating sila sa lugar kung saan sila titigil ng ilang araw, pamilyar sa kanya ang taong nahagip ng kanyang paningin sa isang sulok ng kubo malapit sa bahay na kanilang tutuloyan. Di siya maaaring magkamali... si Gregg iyon, biglang parang gustong bumalik ni Yam sa sasakyan at magpahatid sa pinanggalingan nila ngunit pinigilan siya ni Shane.

"Yam tara na, naaamoy ko na ang paborito kong sinigang na hipon na inihanda ni Tiyang sa loob" sabay hilang sabi ni Shane
Walang nagawa si Yam kundi ang sumunod kay Shane, bigla din siyang nakaramdam ng gutom nang maamoy ang pagkain.
Masagana ang kanilang tanghalian, di nila kasabay si Gregg, kausap ang tiyo nito na tuwang tuwa sa pasalubong na sapatos mula sa abroad.

Habang nagpapahinga pagkatapos kumain pumasok na sa loob ng bahay sina Gregg at ang kanyang Tiyo. Naabotan nila sina Yam at Shane na panay ang lantak ng bagong pitas na mangga. Nagtama sandali ang paningin nila Gregg at Yam na bigla din namang binawi ng dalaga sabay alok sa binata ng kinakain nila. Di naman tumanggi ang binata at nakipagkwentohan na rin kay Shane na kunyari ay inosente sa mga nangyayari.

"Bukas ng umaga na tayo pumunta ng isla, magpahinga muna kayo ngayong araw at tiyak na mapapagod kayo sa lakad nyo bukas" pahayag ng kanilang tiyo.

Reason To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon