REASON TO SMILE (CHAPTER II)

27 0 0
                                    

Araw ng pagdating ni Gregg sa Pilipinas, isang napakalakas na ulan ang sumalubong sa kanya:

"Sakto ang dating ko ang daming sumalubong sa akin" pagbibiro ni Gregg sa sarili sabay tingin sa kanyang cellphone "Naku, naghihingalo na rin ang baterya ng telepono ko, anak ng tipaklong"

Mabuti na lamang at may nakita syang cafeteria sa loob ng airport; "Dito nalang muna ako magpapalipas ng ulan at nang makapag charge na rin" bulong ni Gregg sa kanyang sarili.


Ilang oras rin ang lumipas bago humina ang pagpatak ng ulan, sya ring paglabasan ng ibang mga kagaya nyang naghihintay na tumila ang ulan kaya sadyang napakahirap humanap ng masasakyang Taxi. Salamat na lamang at sa matagal niyang paghihintay ay nakakuha din xia ng masasakyan papunta sa isang kalapit na hotel para dun magpalipas ng magdamag.

Samantalang si Yam ay panay ang tingin sa kanyang cellphone at naghihintay ng tawag mula kay Gregg upang kompirmahin kung nakalapag na ba ang eroplanong sinakyan nito.

"Gregg asan ka na ba, bakit di ka man lang nagpaparamdam?" hinaing ng nag aalalang si Yam "Alas dose na ng hating gabi" sabay tingin sa orasan ng kanyang cellphone.

"Oh Yam, anung balita di pa ba tumatawag si Gregg?" bati ng kanyang board mate na lumabas ng kusina para uminom ng tubig.

"Di pa nga eh, nag aalala na nga ako baka anu na ang nangyari, ang lakas pa naman ng ulan" sabay buntong hiningang sabi ni Yam.

"Mag relax ka nga dyan, umandar na naman yang pagka negative mo... tatawag din yun" sabay balik ng kwarto ng ka board mate nya.

"Sana nga" Bulong ni Yam


Kinabukasan maagang nagising si Gregg, naisip nyang tawagan si Yam bago pumunta ng terminal papuntang probinsya.

"Good morning" bungad ni Gregg

"Oh kumusta? Kagabi pa kita hinihintay bakit ngayon ka lang tumawag?" Komento ni Yam

"Ang lakas ng ulan eh, lowbat pa ang cellphone ko kaya di agad ako nakatawag, pasensya na" mahabang paliwanag ni Gregg.

"Okay lang sagot ni Yam, Buti naman walang masamang nangyari sayo... pinag alala mo ako eh." Sagot ni Yam.

"Cge, magkita nalang tayo sa Thursday, bakante ka ba? Uwi muna ako sa amin" sabi ni Gregg

"Okay, text text nalang" ani Yam

Araw ng pagkikita nila Gregg at Yam, isa itong tagong restaurant na animoy isang paraiso sa gitna ng lungsod, napaka romantic ng lugar na napapaligiran ng mga halaman, sa tabing bahagi ay may maliit na fountain na may mga isda at may mahinang musika na maririnig.

Unang dumating sa lugar si Yam nakasuot ito ng isang simpleng damit na bumagay sa kanyang balingkinitang katawan at medyo kulot na buhok. Lingid sa kanyang kaalaman, kanina pa siya pinagmamasdan ni Gregg nag aalangan ito kung lalapit ba sya kay Yam.

(Abangan ang susunod na kabanata)

Reason To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon