REASON TO SMILE (CHAPTER 5)

21 1 0
                                    

Kinaumagahan nagising si Yam sa tilaok ng mga manok sa paligid, sumilip siya sa bintana na nakaharap sa malawak at tahimik na dagat, papasikat palang ang araw at namangha siya sa ganda ng tanawin sa paligid. "Subrang tahimik ng lugar na ito" bulong ni Yam sa kanyang sarili na napapikit pa upang namnamin ang dampi ng banayad na hangin sa kanyang pisngi. Napapitlag pa siya ng biglang kumatok sa pinto si Shane, "maghanda na tayo Yam maaga tayong tutulak para di tayo abotan ng pagtirik ng araw" yaya ni Shane at iniayos nila ang kanilang mga gamit, pagkatapos ay lumabas sila upang pagsaluhan ang inihandang agahan ng kanilang tiya.

"Wow, ang sarap naman!" pahayag ni Yam ng makita ang kapeng barako, sinangag, itlog at tinapang nakahain sa mesa "Kapag dito ako tumira tiyak tataba ako agad."
"Pwede ka namang dito tumira eh kung gusto mo" sabi ng nakangiting si Gregg

Natigilan bigla si Yam at tahimik na umupo, paminsan minsan din ay nahuhuli niyang nakatingin sa kanya si Gregg, di naman nagpakita ng pagkailang si Yam. Kailangan niyang ipakita na di siya naapektohan ng presensya ni Gregg, kailangan niyang labanan ang paghanga dito.

Pagkatapos ng almusal ay tumulak na sila, napakaganda ng lugar na iyon malayong malayo sa lungsod ang hitsura nito. Marami na rin silang magagandang lugar na napuntahan, bawat lugar ay may mga picture silang magkakasama at masaya nilang binusog ang kanilang mga mata sa ganda ng tanawin sa paligid.
Nang mapagod ay napag desisyonan nilang tumigil muna sa isang white sand na isla at magpahinga, inilabas din nila ang kanilang inihandang baon upang busogin naman ang kanilang mga tiyan.

Isang tawag naman sa cellphone ang natanggap ni Shane, isa itong emergency at kailangan niyang bumalik agad sa bahay ng tiyang nila.

"Insan, magpapahatid muna ako kay tiyo kasi isinugod daw sa hospital ang papa, kailangan kung pumunta para makatulong." Paalam ni Shane kay Gregg

"Sasabay na ako" saad ni Yam

"Naku wag na, maaga pa naman makaka balik pa ang Bangka dito bago lumubog ang araw" sabi ni Yam

"Oo nga naman Yam, babalik naman sila eh... saka sayang naman yung inihanda mong swimsuit kung di mo gagamitin" pagbibiro ni Gregg

"Sigurado ka Shane ha? bago lumubog ang araw nakabalik na kayo rito." Pagtitiyak ni Yam gusto niya muna kasing namnamin ang ganda ng kapaligiran.

"Oo nga, malapit lang naman to eh, saka bakit ka ba nag aalala kasama mo naman ang hari ng mga syokoy" ani Shane na si Gregg ang pinatutungkolan.

"Ako na naman ang nakita mo, cge na umalis na kayo... balitaan mo ako agad kung kumusta ang tiyo Kardo ha?" sabi ni Gregg

"Cge, ingatan mo ang kaibigan ko ha? Kung hindi lagot ka sa akin" wika ni shane at umalis na ito.

Reason To SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon