Vaccination Center.
Nagising ako sa aking pagmumuni ng tumunog ang aking Cellphone. Tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Elaine lang pala, kaya sinagot ko na ito.
'Hello?' nakakunot saad ko dahil hindi ko naman alam kung bakit ito tumawag.
'Gaga, saan kana nag send na si sir ng link sa google meet. ikaw nalang kulang kaya bilisan mo' nakasigaw na sabi nya. Kaya dali dali kong tinignan ang aking cellphone upang tignan kung anong oras na. At nagulantang ako ng makitang sampung minuto nakong late sa subject naming Gen. Math.
Pinakahate ko pa naman ang subject na ito dahil kahit anong intindi ko e talagang bubu ako sa math. Tapos e yung Teacher namin dito e terror pa.
'Gaga, e bat ngayon kalang tumawag?sampung minuto nakong late. Tapos talaga ako kay sir nito.' Bakit kasi di ko namalayan ang oras at nawili ako kakaisip kung ano kaya mangyayari kung hindi kumalat ang virus na tinatawag na COVID-19 na naging dahilan kung bakit online learning nalang ngayon at hindi face to face.
'E alam mo naman yun si sir sobrang suplado kaya sa sobrang takot ko e hindi ko na din namalayang wala ka pala. Sorry na bestieee.' Kahit di ko nakikita, alam ko na nakanguso to ngayon.
'Oo na sige na. Papatayin ko na baka mapagalitan pako.' Saad ko. Alam ko naman kasing hindi nya kasalanan kung bakit malalate ako. Kasalanan ko naman dahil di ako tumingin sa oras.
Dali dali kong pinatay ang tawag at nag ayos ng mukha. Sabay punta sa gc namin upang makita ang link.
Bago ka pa naman makapasok ay kalaingan ng permiso ng creator ng meeting na iyon kaya alam kong di ako makakatakas kay Sir. Kaya inihanda ko na ang aking palusot.
Nang ako ay makapasok na, ay pinagsabihan agad ako ng aming guro.
'Bakit ngayon kalang Ms. Gomez?' Saad ng aming guro. hindi pa nakatulong na naka open cam kaming lahat kaya mas lalo akong kinabahan.
'Pasensya na po Sir, meron kasing pinagawa sakin si Mama. At di ko na po namalayan ang oras.' Saad ko habang nanginginig ang aking kamay. Sabay ngiti nang hilaw kay Sir.
'Okay Ms. Gomez. But I hope this will not happen again.' Saad nya habang nakatingin sa camera ng seryoso.
'Okay Sir. Salamat po.' Sabi ko. Putspa, kala ko talaga katapusan ko na buti nalang at ito ang unang beses na nalate ako sa klase nya kung hindi ay talagang katapusan ko na.
Nag tagal ang klase ni sir ng dalawang oras. Natapos ito ng 2:30 ng hapon, at nagkaroon kami ng 10 minutes break bago ang susunod naming subject. Naging maganda naman ang daloy ng klase ngayon. Sa majority ng mga klase e inaantoklang ako. Kaya pag katapos ng calculus kung saan pwede na kaming mag off cam ay humilata ako sa kama, ngunit hindi ako natulog kahit inaantok ako dahil baka biglang tanongin ako ni Ma'am.
Natapos ng 4 ng hapon lahat ng subject sa araw nayun. Nawala namn agad antok ko pag katapos. Inaantok lang talaga ako sa klase. Araw araw ganito ang ganap. Hindi din naman kami makalabas masyado dahil nga sa takot na mag ka COVID at pinagbabawal din ang mga minor de edad na lumabas habang di pa nababakunahan.
**
Ala-syete na ng gabi ng ako ay tawagin ng aking nanay sa aking kwarto. Kakain na daw kami kaya't ako'y bumaba agad.
BINABASA MO ANG
Love at first dose (SHS Series #1)
RomantikA love triangle. Cristine is torn between the two love of her life. The First love and the New love. Sino ang pipiliin nya? Magagawa nya ba ang tamang desisyon? Mapipili nya ba ang tamang tao?