Tulala ako sa aming klase nang bigla akong kalabitin ng seatmate ko. Transferee ito, at kahapon lang nakapag tranfer. Hindi ko nga akalain na may mag t-transfer pa kasi grade 9 nadin kami at hindi na common ang Transferee dahil pag galing ka sa Public tas nag transfer ka dito sa amin na Private school e di ka na scholar at buong tuition ang babayadan mo.
Sa pag kaka alam ko galing to sa maynila ngunit hindi ko ka matandaan ang kanyang pangalan. Malas pa nga at pina lipat si Elaine ng upuan dahil nong nagpapakilala tong Transferee ay nag chi-chismisan kami kaya napagdesisyon ni Sir na pag hiwalayin kami at nilagay sa tabi ko tong Transferee.
Tinignan ko sya na parang nagtatanong.
'May ballpen ka?' Tanong nya. Napakunot naman ang noo ko. 1 week palang namang nag uumpisa ang klase at kahit Transferee sya at kahapon lang nag Transfer e alam ko namang dapat meron tong ballpen.
'Na iwala ko kasi kanina ang akin' dugtong nya siguro'y nahalata nyang di ako mapakapaniwala na wala syang ballpen.
Agad kong hinanap ang isa ko pang ballpen at binigay sa kanya, sabay tingin ulit sa harap. Di kasi ako sanay kumausap sa mga di ko masyadong kilala.
'Ako nga pala si Kenneth Oliver Taneo. Ken for short' Saad nya ulit habang nakangiti sabay lahad ng kamay nya. Napakunot nanaman ulit ang noo ko sabay tingin sakanya. Ngunit napag desisyonan ko nading mag pakilala dahil nakakahiya naman kung di ko tanggapin ang nakalahad niyang kamay.
'Cristine Desiries Gomez. But you can call me Crissy' sabi ko sabay abot ng kamay nya. Malambot ito. Halatang di nagta-trabaho at buhay prinsipe lang.
Ngumiti naman ito. Nag focus na ulit kami sa pakikinig.
**
Dahil sa interaksyon na iyon ay lagi nang nangungulit sakin si Ken. Dahil nga wala din itong kaibigan, ako at si Elaine nalang palagi ang kasama nito. Pero mas madalas na kami ang magkasama dahil si Elaine ay di naman sumasama sakin palagi dahil daw baka nakaka istorbo sya sa amin ni Ken. Ang babaeng yun talagang pinagkakanulo ako kay Ken, botong boto ang gaga e di naman nanliligaw tong si Ken at di ko din naman gusto. Pero minsan aaminin ko kinikilig din ako dahil masyadong sweet si Ken. Syempre ako marupok din.
'Crissy sabay tayong uuwi mamaya ha?hatid kita sainyo.' Nakangusong sabi nya. Laging ganto, gusto nyang hinahatid ako palagi, dahil daw baka mapano ako. E dati naman mag isa lang din akong umuuwi di naman ako na aano.
'Oo na. Palagi naman e. Nako ikaw talaga kung di lang kita kilala aakalain kong may gusto ka sakin.' Saad ko. 5 months nadin kasing ganto ang trato nya sakin. Napag kakamalan nadin kaming mag jowa ng iba dahil daw ang sweet namin at lagi pang magkasama.
'Gusto naman talaga kita.' Bulong nya ngunit sapat na ito upang marinig ko. Nagulat naman ako pero itinawa ko nalang baka kasi nag bibiro lang sya.
'Gago, nice joke HAHAHAHA.' Saad ko sabay tawa. Tumingin ito sakin ngunit hindi ito nakangiti tulad ko. Seryosong seryoso ito habang nakatingin sa akin. Itinigil ko naman ang pagtawa ko dahil mukha nakong baliw.
'Di nga. Seryoso ka?' Dugtong ko ulit. Kinakabahan na. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na ito sa katawan ko dahil sa bilis ng tibok. Para bang tumakbo ako pero hindi naman.
'Oo. Matagal na. Unang kita ko palang sayo crush na kita. Ikaw lang naman tong manhid tsk.' Sabi nya sabay baling ng kanyang tingin sa ibang direksyon. Nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga. Kaya napangiti ako.
'Ikaw ha. May lihim kapalang pagmamahal sakin yiee.' Tudyo ko pa. Ngunit ng bumaling ito sakin ay nabitin ang ngiti ko dahil sobrang seryoso nya at ito nanaman ang kabog ng dibdib ko. Kung tumingin siya ay parang nakikita nito ang kaluluwa ko.
BINABASA MO ANG
Love at first dose (SHS Series #1)
RomanceA love triangle. Cristine is torn between the two love of her life. The First love and the New love. Sino ang pipiliin nya? Magagawa nya ba ang tamang desisyon? Mapipili nya ba ang tamang tao?