Kabanata 2

1 1 0
                                    

Bar.

'Are you freaking serious?hindi mo talaga kilala kung sino yan?' sabi ni Elaine na parang nahihiwagaan sakin. Dapat ba talaga kilala ko lahat ng pogi dito sa Capiz?Kahit wala naman talaga akong nakikitang pogi dito, ngayon lang kaya di ko talaga kilala teh.

'Uhm yes? Dapat ba kilala ko yan? Ngayon ko lang nakita yan e' sabi ko sabay kamot ng ulo ko. Never ko naman talaga nakita yang lalaki sa buong existence dito sa mundo natin, edi sana dati ko pa naging crush diba?

'Seryoso ka? Nag pa pic pako dyan nong may dance competition last time kasi ang pogi, 2 years ago na yun ha' saad ni Emerald. Aba type din ata nito dati yung crush ko, well di ko sila masisisi kasi pogi naman talaga.

'Ay gagi Ems, patingin? Pero ano actually nakilala ko yan dahil may common friend kami. Si Aj, yung one of my bestfriends nong elementary' hindi na talaga ako magugulat na kilala to ni Elaine e bestfriend of everyone ata to. Parang may sash ng Miss Congeniality palagi kahit saan mag punta e.

'Wait hanapin ko' saad ni Emerald habang kinakalikot yung phone.

'Ano ba name nyan? Para ma add ko na sa fb at ng malandi ko ng malala charriz' saad ko sabay tawa. Pag nalaman ko talaga name nito stalk malala sa fb to.

'Travis Harron Fernandez, pangalan palang ulam na ulam na mhie' sabi ni Elaine sabay taas baba ng kanyang kilay.

'Eto oh, tignan nyo dati palang talaga poging pogi na' biglang saad naman ni Emerald sabay pakita ng picture nila sa phone nya. Totoo naman yung sinabi nya dati pa nga talagang pogi tong Harron.

'Add ko na sa fb para pag na accept ako edi masaya' sabi ko naman sabay ngisi at kuha ng cellphone ko sa bulsa upang ma e add na ito sa fb.

'Sige go teh, support ako sa ka pokpokan mo' sabi ni Elaine sabay taas baba ng kanyang kilay.

Agad ko naman itong sinearch sa fb at nagulat ako sa nakita ko, na add na pala ako nito.

'Oy gaga na add ka na pala e, haba ng hair teh?baka type ka din nyan.' Agad na sabi ni Elaine. Mukhang nagulat din katulad ko, dali dali kong inaccept ang friend request ni Harron. Pero wala akong balak e chat ito, di naman ako ganon ka desperada no.

'Oh tapos na ba kayong kumain? Tinatawagan nako ni papa umuwi na daw ako, baka aalis ng bahay at papa bantayan muna sakin si lola.' Biglang sabi ni Emerald. Mabuti nalang at patapos nadin kaming kumain ni Elaine kung kaya't madali kaming natapos kumain.

'Oy kitakits tayo this sat ha? Merong bagong tayong bar dyan sa Poblacion, puntahan natin total wala nadin namang cases dito sa Capiz at malapit nadin mag face to face classes' sabi ni Elaine, hilig talaga mag party ng babaita at totoo nga ang sinabi nyang malapit na mag face to face classes kung kaya't e enjoy nalang namin habang online classes palang.

'Oo na, ayan na yung sasakyan ko pauwi byee girls. See you soonest' saad ni emerald at sumakay na sa tricycle, medyo malayo kasi ang bahay nya kumpara sa amin ni Elaine na mag kalapit lang.

'Oy girl, wag talkshit ha?ako na ang bahalang humingi ng permiso kay tita' sabi ni Elaine. Sakto namang nakakita ako ng tricycle na padaan kung kaya't nag oo nalang ako sakanya at inaya na syang sumakay para makauwi kami.

***
Wala namang ganap sa buhay ko after naming kumain last thursday, hindi ko din triny na e chat si Harron kasi magmumukha akong hayok sa attention non, or maybe nahihiya lang talaga ako. Pero syempre na istalk ko na sya at hindi din naman ganon ka dami yung pics nya sa fb mostly shared post at tag post lang ang nasa timeline nya. Today is saturday. It's already 6 pm at mamayang 9 pm kami aalis pa puntang bar nina Elaine and I'm waiting for her to come here kasi nga sabi nya sya na ang kakausap kay mama upang payagan akong pumunta ng bar, and as usual laging late ang lola nyo sabi nya 5:30 sya pupunta but it's already 6 at wala padin sya, ang babaeng yon talaga. Kanina pako dito sa gate namin at kung di pa dadating yun papasok na talaga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at first dose (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon