Chapter 4

55 0 0
                                    

Jade's POV

"Nastya, behave there, okay?" I reminded Nastya who happens to be sitting on the baby seat.

Luckily, our driver brought it kaya naiattached namin ito sa back seat ng kotse ni Sandro.

"Ang bait ng anak mo, Jade." Nagulat nalang ako.

What does he call me?

Huy, Jade! Wag mo bigyan ng meaning yung kabaitan ng tao!

"Ah, oo. Syempre mana sakin." Pilyang sagot ko kay Sandro.

Tumawa naman ito. Napatingin lang ako ng tila manghang mangha sakanya.

"What?" Takang tanong nito. Siguro dahil napansin nya na nakatingin ako sakanya na parang baliw.

"Wala naman. Kasi ngayon lang kita nakita na tumawa ng ganyan eh, sa TV lang naman kasi kita nakikita kaya di ko akalain na mau ganitong side ka pala."

Nakatingin lang sya sa daan at nangingiti. "Tao pa din naman ako ah."

"Wala lang, kasi kala ko kayong mga Marcoses mga seryoso at sobrang disciplined at--

"At masungit, mamamatay tao, magnanakaw?" Tuloy nito na kala mo simpleng simple lang sakanya ang mga binitawan niyang salita.

"Hindi naman sa ganun." I told him. Medyo na awkward ako sa part na yun na sinabi nya. It's a sensitive topic.

"Eh yun naman talaga sinasabi ng iba sa family namin diba? Let's be realistic, Jade. And I am fine with it." Simpleng sabi lang nito.

"I don't... I don't think you guys were that kind of person. Lalo na ikaw." Tila natigilan ito at maya maya'y naging normal ulit ang kanyang ekspresyon.

"I mean, you helped me, and my daughter kahit na hindi mo naman kami talaga kilala. You practically saved my daughter's life." Mahinang sabi ko sakanya at sinulyapan sa likod si Nastya.

If it wasn't because of Sandro, siguro ay mas lumala ang sitwasyon noong nasa ospital si Nastya.

"I don't know. I just feel like doing it. And telling the truth, sobrang nakakagaan ng loob talaga yang baby mo."

******
"Oh my! Who is this little girl!?" Sir Bongbong exclaimed when he saw Nastya.

"Who is this sweetie bunny?" Asked Attorney Liza.

Si Nastya naman ay pabibo din na nagwave sa mag asawa.

"Hello po, Sir, hello po, Attorney." Magalang na bati ko sakanila. Nasa likod ko lang naman si Sandro.

"Ma, that's Nastya. Jade's daughter." Pakilala ni Sandro kay Nastya.

"Oh really? Napaka cute naman ng bata na ito. Kung hindi mo lang sinabi na anak ni Attorney Montefalco ito ay iisipin kong anak mo, Sandro. Look at her eyes oh." Attorney Liza said and carried Nastya.

Sandro just chuckled while happily looking at them.

"Anyway, Jade. Gelai will be here in 20 minutes." Sir Bongbong told me.

"For now, Sandro introduce Jade to her future colleagues." Utos nito sa anak.

Lumapit muna ako kay Nastya na buhat buhat ni Attorney Liza.

"Nastya, don't be naughty ha. Attorney, okay lang po ba?" Nahihiyang tanong ko dito.

"Yes iha. It's okay. Do your thing. Hindi naman umiiyak eh." Sagot nito habang pinanggigilan si Nastya.

"Jade, tara." Aya ni Sandro. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko using my fingers at sumunod na kay Sandro.

Pinakilala nya ako sa mga makakatrabaho namin. Nakakatawa lang, they all know my dad! And expecting me to be good as him.

"Don't worry, I'll be doing my best for congressman." I assured them.

Minsan minsan ay nagkakatinginan kami ni Sandro kaya medyo naiilang ako habang nag uusap usap kami.

Si Gelai naman ay hindi pa naghahapunan ay nakikipag sunog atay na habang nakikipagkwentuhan.

Kumuha ko ng isang wine at sumandal ng konti sa poste habang pinapanood ko si Sandro na nakikipag usap sa mga taga legal counsel nya. His expressions, his laughs and even his gestures. Mahahalata mo talaga na sanay na sanay sya ganitong uri ng pamumuhay. Bagay na bagay sa kanya.

"Mommy..." napatingin ako sa baba ng may humila sa slacks ko.

"Yes baby?" Nakanguso lang ito at nagbabadya ng umiyak.

Nag squat ako sa harap nya para maka level ko sya. I don't talk with Nastya na nakatingala sya sa akin. My communicating style is whenever we are having a conversation, we need to have an eye to eye contact.

"What's wrong?" Ulit ko. Ngumuso lang ito at tuluyan ng humikbi.

Nataranta naman ako at binuhat ko sya. I wiped her tears off. "Shh. You sleepy?" I asked her. Umiling lang naman ito at sumiksik sa leeg ko.

"You hungry, Nastya?" I asked her and she nodded. Habang nakasiksik pa din sa leeg ko. Gulo gulo na din ang buhok ko kakasiksik nya.

Shit. Nasa kotse ni Sandro yung traveling bag ni Nastya.
Mukha pa namang busy si Sandro. But Nastya here won't stop crying. I had no choice.

Lumapit ako kay Sandro. Narinig kong bumulong ito. "What's wrong?" Tanong nya habang hinahaplos ang buhok ni Nastya.

"I forgot her bag sa trunk ng kotse mo. She's hungry. Pwede pahiram susi mo?" Tanong ko dito.

"Excuse me lang ha. I'll be right back." Paalam nito sa mga kasama niya.

Hinawakan ako nito sa braso para akayin.

"Stop crying na, baby." Alo ko pa kay Nastya.

Pagkarating namin sa parking area ay binuksan ni Sandro agad ang trunk.

"Here. Come here sweetheart." Akmang bubuhatin ito ni Sandro pero ayaw nito sumama.

Natawa lang ako ng sumimangot si Sandro. "Moody." I mouthed him.
Tumango tango naman ito.

"Nastya, can you go down first? Gagawa lang si mommy ng milk mo." I asked her pero tanging iling lang ang sinagot nito.

"Please?" Ulit ko.

"No." She's really not in the mood.

"Wala talaga sa mood." Natatawang sabi ko kay Sandro.

"It's alright, I may help. Just tell me what to do." He volunteered again.

Napataas ang isang kilay ko. "Seryoso ka?"

"Oo. Basta ituro mo kung paano." Sagot lang nito.

I let out a deep sigh. Sa sobrang hiya.

"Okay, tignan mo water level, anong number na reach ng water?" I asked him. Dali dali naman nitong hinalughog ang bote.

"6 oz ito, Jade."

"Perfect, now 4 scoops of the formula."

Dahan dahan naman itong sinunod ni Sandro.

"Then shake it para malusaw yung milk."

"Nastya.." tawag ni Sandro kay Nastya mula sa likod.

"I have something for you." He's trying to persuade her.

"I prepared your milk." Sandro continued.

Nag angat naman ng tingin si Nastya.

"Ahhh look at you. Stop crying na." And he wiped her tears and fixed her messy hair.

"Now, will you go with me?" Sandro asked her. Naglahad naman ito ng kamay. As if telling Sandro that he'll carry her.

"Here's your milk na." Sabi pa ni Sandro habang buhat buhat si Nastya.

Nakangiti lang ako sakanilang dalawa.

Sa totoo lang, ayoko masanay si Nastya nakakakita ng father figure. Natatakot din ako one day na baka mahanap nya tatay nya. Kuhanin sya sakin or baka sumama sya don.

Tawanan lang ng tawanan si Sandro at Nastya. Habang ako, nag ooverthink nanaman.

The Marcoses: Memories from the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon