Chapter 12

68 2 0
                                    

Jade's POV

"Pagpasensiyahan nyo na po kung ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon. Alam ko po sobrang unethical na ligawan ko po ang anak ninyo." Pag uumpisa ni Sandro habang nasa dining area kami.

Pinipilit din nya mag tagalog kaya tawang tawa ako kasi sobrang slang nya talaga sa mga salita.

"Pero mahal ko po si Jade. Gusto ko po sana na pormal ko siyang hilingin mula sainyo. Sana po ay huwag nyo po ako tignan bilang isang anak ng Marcos. Tignan nyo po sana ako at ang intensyon ko bilang si Sandro." Magalang na sabi nito.

Napahinga naman ng malalim ang daddy.

"Sandro, you know that Jade has a daughter. Hindi lang siya ang dapat mong tanggapin sa buhay mo. Ayaw namin na kapag malapit na ang loob sa'yo ng apo namin ay bigla nalang magbabago ang isip mo. Hindi sa wala akong tiwala sa'yo. Pero ama kasi ako." Nag aalalang sagot ni Daddy.

Iyon din naman talaga ang inaalala ko. Na baka pag okay na lahat, sanay na kami sakanya. Saka siya mawala dahil sa mga kumplikadong rason.

"Naiintindihan ko po na nag aalala po kayo. Pero gaya nga po ng sabi ko. Alam ko po ano ang magiging papel ko sa buhay nila. Tanggap ko po si Nastya. Kung si Jade nga po ay tinanggap sya ng buong puso noong dumating siya sa buhay ni Jade, ganoon din po ako."

Tinignan naman ako ni Mama na parang nagtataka sa sinasabi ni Sandro. Wala kasing alam sila Mama na nasabi ko na kay Sandro ang pagkatao ni Nastya.

"Nasabi na po sakin ni Jade. Wala po kayong dapat ipag alala." Pag aassure ni Sandro sakanila.

"Eh ang mga magulang mo? Alam na ba nila itong relasyon niyo ni Jade?" Tanong ni Mama.

"Ayoko lang maapi ang anak ko." Diretsahang sabi nito.

Hinawakan naman ni Sandro ang kamay ko.

"Ako na po ang bahala magsabi sakanila at ako na din po ang magpapakilala kay Nastya at Jade sakanila."

"Sa tanda kong ito, aaminin ko sa'yo. Natatakot ako para sa anak ko, Sandro." Malumanay na sabi ni Mama at bakas talaga sa mukha nya ang pag aalala.

"Ayoko po sana madaliin ang lahat. But I can assure you, I don't date to flirt, lalo na may batang involve sa relationship na papasukin ko, at may batang mag iinvest ng pagmamahal sakin. But I just want you to know that I date to marry." Matapang na sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Anong I date to marry. Eh hindi ko pa nga siya sinasagot! Siraulo talaga itong lalaki na to. Masyadong advance, ano ba vitamins nito ng bata ito? Sobrang kapal kasi ng mukha. Hahaha.

"Harangan ko man kayo ng sibat, eh ano pa magagawa ko? Mukhang di naman na kayo makukumbinsi." Sabi lang ni Daddy at naglahad na ng kamay kay Sandro.

"I know you are a Marcos, but please, take care of my daughter. She fell in love before and that asshole even showed his face here before he broke my daughter's heart." Daddy said.

"I won't break her heart, Attorney." Nakangiti namang sabi ni Sandro at inabot ang kamay ni Daddy.

*****
Iniwanan muna namin si Nastya kila Mama para makapag usap kami ni Sandro. Pasado alas 10 na ng gabi ng huminto kami sa isang parking lot around BGC.

"Bili kang beer at pag usapan natin 'to, bilis." Utos ko kay Sandro pagkahinto ng kotse.

"Samahan mo ako, may unli beer sa pupuntahan natin." Sagot lang nito at nauna ng bumaba ng kotse.

Hinugot ko ang cellphone ko na nagchacharge sa kotse nya at bumaba na din.

"Gagi, condo to ah?" Sita ko sakanya.

The Marcoses: Memories from the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon