Jade's POV
"Kuku, how are you guys?" I asked the nanny while I can see that Nastya is busy playing.
"Okay lang naman po, ate. Hindi naman po kayo masyado hinanap. Nakakain na din po sya."
Nginitian ko lang si Yaya. Habang nasa likod ko si Sandro. Andito kami sa pinto ng kwarto ni Nastya.
"Ang mama at daddy, nasaan?" Tanong ko pa habang pinapanood pa din si Nastya maglaro na mukhang hindi pa nararamdaman na nakauwi na ako.
"Ang mama niyo po, bukas na daw po uuwi, ang daddy nyo naman lumipad pa po papuntang Dumaguete may aasikasuhin daw."
"Ganun ba? O sige na yaya, ako na bahala dito. Pag gawa mo nalang ng kape itong si Sir Sandro mo."
Nagpalipat lipat naman ang tingin ni Yaya sa amin ni Sandro. Nakita kong nginitian lang naman ito ni Sandro bago ito umalis.
"Nastya. Kuku.." Tawag ko dito. Napalingon naman ito agad at lumapad ang ngiti.
"Mommy!!!" Tili nito at tumakbo palapit sakin. Nag squat naman ako at pinaulanan ito ng halik.
"How's my baby?"
"I am good, mommy. Oh! It's you! Tito Sandro!" Baling naman nito kay Sandro na hawak hawak lahat ng binili nito sa toy store.
"Hey there! How are you? Mommy said you had your tagalog lessons. How was it?"
"Mabuti po." Nanlaki ang mata namin ni Sandro at nagtinginan kaming dalawa at sabay na tumawa.
"Wow galing na ah!" Biro ni Sandro dito. Sabay upo para makalevel si Nastya.
"Anak, go to Tito Sandro first, he'll give you something. Right, tito Sandro?" I asked Sandro.
Namilog naman ang mata ni Nastya.
"Really, tito Sandro? You have a present for me?"
"Of course, I do! One moment, I'll just bring them here." Tumayo si Sandro at kinuha nga ang sandamakmak na laruan na binili nya.
"Wow! Too many toys!" Tili ni Nastya at yumakap pa kay Sandro.
Napangiti naman ako sa nakita ko.
"Thank you tito Sandro!" She said cheerfully and kissed Sandro on his cheeks.
"Sarap naman nun. You're welcome, baby." Sabi naman ni Sandro at kiniss din si Nastya sa noo.
Kumalas si Nastya sa yakap niya kay Sandro at inumpisahan na ngang buksan ang mga box ng laruan.
"Told you, she'll like it." Bulong ni Sandro habang nakangiting pinapanood si Nastya.
Busyng busy ito kaya naupo muna kami ni Sandro sa sofa sa kwarto ni Nastya. Napagod din kami kakalakad kanina sa mall.
Pagkaupo ay nagcheck agad si Sandro ng phone nya.
"May problema ba?" Tanong ko sakanya.
Ibinulsa ulit nito ang phone. "Wala naman. Trabaho lang. Sa campaign lang ni Dad. Pinapasama tayo, may mga nagfile ng protest sa candidacy nya."
Napabuntong hininga lang ako. "Why just now? 2 months nalang eleksyon na. And Sir Bongbong was constantly acing the surveys." Pagtataka ko.
"He's a Marcos, my dear." He just shrugged and pinched my nose.
"Don't worry about it, you don't work under my Dad's legal team, so, si Attorney Sandoval ang maiistress d'yan. However, dad personally requested your presence tomorrow." He informed me.
![](https://img.wattpad.com/cover/293849989-288-k754117.jpg)
BINABASA MO ANG
The Marcoses: Memories from the North
FanficSandro Marcos is a congressman of First District in Ilocos Norte. He was labelled as the grandson of the former president of Ferdinand Edralin Marcos and the eldest of Bongbong Marcos. At his age, he is a successful young man who devoted his life a...