Jade's POV
My relationship with Sandro went smooth. And he even is with Nastya.
Sa ngayon, busy kaming lahat sa trabaho. 20 days before halalan, we are all totally underwater and even Sandro.
We barely see each other at kung magkita man kami ay halos wala din kaming oras.
Sandro is running for another term bilang congressman. I must say, malakas pa din sya sa tao.
Right now, we are in Quezon City for a mass gathering of BBM.
"Pagod ka na?" Tanong ko dito habang buhat buhat ang sandamakmak na tshirts, ballers at cap.
"Kaya pa naman, babe." Simpleng sagot lang nito sakin.
Sa kasagsagan ng event ay nagulat nalang kami nang may magpaputok ng baril. Nagsigawan ang mga tao.
"Cover BBM!" Sigaw ng isang guard. Sabay sabay naman kaming umupo.
Nagkagulo ang mga tao.
"Sandro!" Sigaw ko nang mawala si Sandro sa paningin ko. Nanginginig ang kamay ko na tumayo para hanapin sya.
"Attorney, delikado!" Sigaw ni Gelai na nanginginig na din sa takot at hinawakan ako sa braso.
"Ma'am!" Sigaw nang mga guard nila Sandro nang tumakbo ako sa kabilang dulo ng stage.
"IBALIK NYO NINAKAW NYO!" Sigaw ng ilang kalalakihan.
"Sandro!!"
Napatingin ako sa stage at wala na doon si Sir Bongbong. Malamang ay naialis na doon ng mga guards.
"Sandro.." Mangiyak ngiyak na tawag ko sa pangalan niya sa sobrang pag aalala.
Mas lalong nagsigawan ang mga tao nang biglang maglabas ng itak ang mga kalalakihan. Umakyat na din sila sa stage.
"Jade!" Napalingon ako. Boses ni Sandro yon.
Nang makita ko siya ay agad akong tumakbo papalapit sakanya pero bago mangyari iyon ay inatake ako ng isang lalaki ng itak.
Patakbo akong nilapitan ng guard pero huli na ito nang maituloy na nang lalaki ang kanyang motibo.
"Jade!"
Napahiga nalang ako sa stage habang nagkakagulo ang mga tao at halos himatayin ako ng makita kong puro dugo na ang mga braso ko.
Napaiyak ako sa sakit ngunit hindi pa din nakuntento ang mga ito, sinubukan pa nilang saktan din si Sandro.
"Sir! Delikado!" Rinig kong sigaw pa ng isang guard habang halos matapak tapakan na ko ng mga tao dahil sa pagkakahiga ko sa sahig. Hindi na din ako makahinga at nahihilo na din ako sa dami nang mga taong dinadaan daanan lang ako.
Naramdaman ko nalang na binuhat ako ng isang guard bago ko maipikit ang mga mata ko.
****
Pagkagising ko ay nasa ospital na ako.
"Thank God, you are awake!" Pulang pula ang mga mata ni Sandro at nilapitan ako agad.
Hinalikan ako nito sa noo. "I'm sorry." his voice cracked.
Pero pinilit kong bumangon at tinignan ang mga braso nya.
"Were you hurt anywhere?" Alalang tanong ko dito. Napangiwi ako nang maramdaman kong kumirot ang braso ko.
"I'm okay. I'm okay. Don't worry about me." Nag aalalang sagot nito at tinulungan akong humiga ulit.
"Attorney!" Sabay kaming napalingon sa malakas na pagbukas ng pinto at iniluwa non si Gelai na mayroon din bandage sa noo.
BINABASA MO ANG
The Marcoses: Memories from the North
FanfictionSandro Marcos is a congressman of First District in Ilocos Norte. He was labelled as the grandson of the former president of Ferdinand Edralin Marcos and the eldest of Bongbong Marcos. At his age, he is a successful young man who devoted his life a...