Prologue

66 7 11
                                    

Nakahiga ako sa isang malambot na kama pero ang bigat ng ulo ko at ang tiyan ko mainit. Mommy ang hapdi!

Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit pero hindi ako makasalita. Hindi ko rin maigalaw ang mga kamay ko. Natatakot ako.

Nakakarinig rin ako ng maingay na bagay. Kaparehas ng tunog ng Wi-yu-wi-yu na sasakyan na nilalaro ko.

Nang naimulat ko ang mga mata ko. Kahit na malabo, nakikita ko ang mukha ni mommy na nagiging red tapos blue tapos red ulit. Ang sakit sa mata.

"Mommy, Gutto ko na uwi". Sa wakas at nakasalita na ako. Gusto ko na umuwi at kumain ulit ng matamis na yelo tapos lalaro kami ni daddy ng baril barilan tapos papatay patayan kami.

"Oo, baby, uuwi na tayo. Wag kang matutulog baby, please! Please baby wag kang matutulog magagalit si mommy. Kakain tayo ng favorate mong yelo. Wag kang pipikit baby promise?". Nang naging malinaw na ang paningin ko, saka ko lang nakita si mommy na namumula ang mukha at may kung anong tubig na lumalabas sa mata niya at tumutulo iyon sa pisngi ko kaya pati ako naiiyak na rin. Malungkot si mommy kaya malungkot din ako. Bakit si mommy malungkot?

"Pwamis....Mommy. Wag kana iyak"

"Um 'di na iiyak si mommy"

"Mommy, Init ng tiyan ko at ang tsakit, tsakit din kamay ko". Sumbong ko kay mommy. Ipinasok ako sa kotse na puti na may ilaw sa taas na kulay red at blue na nagbi-blink-blink. Ang linis sa loob pero may hindi akong kilala na lalaki naka puting uniform na umaasikaso sakin. May itinusok siya sa kamay ko na hindi ko alam kung ano pero hindi ko masyadong naramdaman kasi mas masakit yung tiyan ko.

Umupo si mommy sa gilid sa loob ng kotse. Hinalikan ako ni mommy sa noo ko at ang mainit at nanginginig niyang kamay ay hinawakan ang pisngi ko.

"Aalisin ni mommy yung sakit, k-konting tiis nalang baby, Wag na wag kang pipikit. Wag na wag kang pipikit magagalit kami ng daddy mo. Wag kang mawawala samin baby please, please, please". Ipinagdikit ni mommy ang mga palad niya at dun yumuko ng bahagya na animo'y nagdarasal siya. Nagwi-wish si mommy. Ano kaya wish niya?.

Patuloy parin siya sa paghagulgol habang umiiyak. Sabi niya hindi na siya iiyak?

"Aalis ba ko mommy?". Saan ba ko pupunta? Nakahiga lang naman ako sa tabi niya.

Nakaramdam ako ng panghihina at unti-unti ring bumibigat ang mga mata ko pero ang sabi ni mommy bawal daw ako matulog. Pero napapagod na ko.

"HINDI! No! Wag kang umalis baby! Nandito pa kami ng daddy mo!!!". Lumingon si mommy sa ibang dereksyon at naglabas ng baril kagaya ng laruan ko sa bahay.

"Ano ba! Bilisan niyo pang mangmaneho! Pag may nagyari sa anak ko papatayin ko kayo at ang mga pamilya niyo! Wag niyong hintayin pa na mamatay ang anak ko dito!!!"
































Naimulat ko ang mata ko matapos ng panaginip na iyon. Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakabalot ang buo kong katawan sa kumot.

Bakit ko ba napaginipan yun?

Yun yung araw na kinidnap ako nung five years old ako. Medyo hindi ko na nga natatandaan ang mga nangyari sakin sa lugar na yon pero ang alam ko, natamaan ako ng bala ng baril sa tagiliran ko at dinala sa hospital para operahan.

Mabuti nalang at nabuhay ako kung hindi baka kasama ko sa hukay ang buong staff ng hospital kasama na rin pati pamilya nila.

Magre-reunion kami sa langit di oras. Wait...

Argh! Bigla kong nakalimutan yung panaginip ko. Ang naalala ko nalang yun binaril ako pero ano yung mga nangyari bago yun?

Nevermind....

Lumabas ako ng kwarto ko para gumawa na ng almusal ko at nagtimpla na rin ng kape.

Ngayon, mag-isa nalang ako. Nakakatamad man pero kailangan kong magkilos para sa sarili ko.

Malayo na kasi ako sa pamilya ko dahil pinapunta nila ako dito sa syudad para mag-aral. Kahapon lang ako nakarating dito sa appartment na ito na pagmamayari ni mama noong nag-aaral pa daw siya rito. Pinalinis ito ni mama bago ako palayasin kaya pagdating ko rito nakaayos na ang lahat, Gamit ko nalang ang kulang.

Oo, tama ang binasa mo, as in pinalayas talaga nila ako, Ang dami kasing nangyayari sa lugar namin at ako ang pinaka-ugat ng lahat ng iyon, Takaw-gulo kasi ako. Kung saan man ako mapadpad, aasahan mong may gulong magaganap. Ang dami ko ng school na nalipatan at araw-araw umuuwi akong may pasa.

Hindi ko na alam kung pang-ilang lipat ko na ng school ito pero ngayon nagkaroon na ako ng revision sa buhay.

Ayaw ko na ng away, Ayaw ko na ng gulo at hindi na ako manggugulo. Bagong school, Bagong buhay.

I want to live peacefully here~

Pero bakit ako dito nila mama pinadala? Nakahanda na rin pati ang school na papasukan ko.

Well, That's a secret. Gusto ko rin naman dito, Walang nakakakilala sa akin.

Wala nga ba?

Ngayon ang last day ng entrance exam ng Traiden International University kaya maaga akong natulog kagabi para maaga rin akong magising. Naunahan ko pa nga ang alarm clock.

Nang matapos mag-almusal ay mabilis akong nagkilos at nagtungo agad sa papasukan ko. Nag-commute lang ako papasok dahil wala naman akong kotse. Hindi ko afford. Pwede rin naman siya lakarin pero isa akong malaking TAMAD. At isa pa, baka kasi may adik sa kanto.

Naka maong pants lang ako at plain white long t-shirt, Nagsusuot rin ako ng salamin dahil malabo na ang mata ko ng slight, hindi naman malala, Palala pa lang. Ito na ang normal kong outfit. Mukha akong bola na sinuotan ng damit.

Pansin kong maraming tumitingin sakin pero yung may halong lait na tingin. Sanay na ako diyan. Alam ko rin kasi sa sarili ko na tumataas ang timbang ko. Hindi ko rin po kasi makakayang hindi kumain hindi ba?

Napasobra nga lang ako ng kain.

Pinakita ko kay manong guard ang entrance sheet o kung ano mang sh't ang tawag dito. Tinuro saakin ni kuya guard yung building at room ng examination. Nagsimula na akong magtungo roon at pansin kong unti nalang ang mag-eentrance exam ngayon. Nang dumating na ang teacher, Nagsimula na kaming magsagot.

Hindi naman ako masyadong confident sa magiging score ko kaya sana makapasa ako kung hindi patay ako kay mama pag bumalik ako sa province namin. I'll do my best, Ma!

Kinabukasan, Sabado ng alas siyete ng umaga. Bumalik ako sa school para tignan ang score ko. Ang alam ko ang passing score dito sa school na ito ay 80 and above. Hinanap ko ang pangalan ko sa bulletin board.

Averice Eillya Lanfort ----- 91 / 100

Waaaaah! PASADO AKO! I'M ALIVE!

Sa monday na ang pasok ko agad at sana maging peaceful na ang school life ko dito.

Sana...











-----
Please don't forget to Vote, Comment, and Share.

Follow me for more updates!
@Jei2moon

Daughter of MercenariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon