Eve's Pov
Hindi pa ako nakakapasok sa gate ng school. Juice ko may nagtangkang pumatid sakin buti nalang naiwasan ng paa ko.
Tinignan ko ng masama yung murenong lalaking nakaupo sa sementadong upuan at nakaunat ang isang paa para patirin ako pero ayun siya at sumisipol ng pasimple. Kunwari walang alam.
Tuktukan ko kaya puyo nito.
No, Masama yun kaya nagpatuloy nalang ako sa paglakad pero binalik ko ulit ang mata ko sa kaniya at tama ang hinala kong may masama nanaman siyang balak gawin sakin!
Biruin mong nakatayo na siya at may hawak pa siyang papel na may scatch tape.
Laos na yan men.
Gamit ang dalawang daliri ko. tinuro ko ang mga mata ko tapos naman yung sa kanya senyales na minamasdan ko ang kinikilos niya.
May sharingan kaya ako baka akala mo.
Sumipol nanaman siya pero may halo ng piyok sabay tago ng papel sa likod niya. Kapag hindi talaga nagtino to kukutongan ko talaga to mga bente.
Sa wakas at nakapasok na ako ng gate. Ano nanaman kayang pakulo ng school para sakin. Babatuhin kaya ako ng bato tulad ng sinabi ni gwapong Andris.
Hu? Ang tahimik ata ngayon?
Wala pang gumagawa ng masama sakin ngayon bukod dun sa shokoy sa labas ng school na balak akong patirin. Himala at nagbagong buhay na yata silang lahat.
Natakot ata sa duguang naganap nung nakaraang araw. Pero kahit na ginawa nila sakin yun basta't magbagong buhay na sila, Matatanggap ko yun at pagpalain na nawa sila.
Nang biglang may bumuhos sakin ng something brown and something smelly.
Napahinto nalang ako sa gulat at sa bilis ng lahat ng mga pangyayari. Hindi ma-absorb ng utak ko lahat.
Umuulan na ba ng chocolate ngayon?
Napatingala ako mula sa taas at ayun silang tatlo na lalaki na nasa sa second floor, nagtatawanan sa ginawa nilang pagtapon ng putik sakin na mula pa yata sa bukid.
Hindi lang putik dahil pustahan may halong dumi ito ng kalabaw!
Pistiyawang marimar! Amoy na amoy ko! Amoy na amoy ko ang pinaghalong damo, fertilizer at ang pagmamahal ng isang kalabaw!
Promise gusto ko ng umiyak dahil nasayang lang ang panginginig ko sa ligo kanina!
Hindi niyo lang alam kung ano ang paghihirap ko at mga pinagdaanan ko para lang maligo ako!
Pero hindi ko magawang umiyak dahil nahagip ng mata ko ang fourth floor kung saan nakita ko siya.
Kasalanan niya nanaman ba to?!
VAN IXIELL DEIMOOOOOON! YAWA KUDASAAAAAAIIIIII!
Kusang naglakad ang mga paa ko paakyat sa hagdan. Maraming nagtataka na estudyanteng nakasalamuha ko dahil nga sa naging itsura ko ngayon. Alam ko sa sarili ko na mukha ako ngayong baboy na kakaahon lang sa putik pero hindi ko tanggap yun.
May halong tae kaya ng kalabaw to!!!
Nakarating na nga ko ng fourth floor at para akong si ET come home dahil sa dami ng sumusunod sakin papunta dito para lang pagmasdan ako pero hindi ko nalang sila pinansin dahil ang dahilan kaya ako pumunta rito ay para tapusin na ang lahat ng tungkol samin.
BINABASA MO ANG
Daughter of Mercenaries
Любовные романыEve is a troublesome daughter of some mysterious couple, living in a rural province. And because of a big problem she did cause, Her mother commands to get her transferred to Traiden International University, which it's within a City. On her first d...