Chapter 3

26 4 8
                                    

Eve's Pov

May kasabihan. Be careful what you wish for at baka maihipan ka ng demonyo.

Inihipan yata ako ng Van na yun kasi they did their best nga!!

Hindi ako naligo kaninang umaga kasi ang lamig ng tubig mula sa gripo tapos pagpasok ko ng school dito lang pala ako maliligo!!

Buhusan ba naman ako ng isang timba ng tubig ng mga lalaki sa gitna ng daan?!

with ICE pa!!!

Fvckingcold!!!!

Gusto kong maiyak dahil sa sobrang babait nitong mga batang ito. Pagpalaan sana kayo ni san pedro mga yawa kayo. Pistiiiii!!!

Mabilis na nanginig ang katawan ko sa malakas na ihip ng hangin. Para akong nag-tour sa Antarctica sa lamig. Kahit na anong yakap ko sa katawan ko nilalamig pa rin ako.

Tinitigan ko ng masama yung mga lalaki na nagbuhos saakin. Kung black eye-an ko kaya sila?!

No no no, Learn your lesson Eve, Paano kung isa sa kanila ay anak naman ng presidente ng pilipinas? Baka hindi lang sa school na ito ako ma-expell kundi sa bansang to na!!

"Malamig ba?! Hahahaha!! Lol!"

"Iiyak na yan!!!"

"Frozen meat! Hahahaha!!"

Sa isang iglap, biglang dumami ang estudyante sa paligid. Pinapanuod lang pala nila ako mula sa malayo. May mga hawak din silang cellphone at pinagpi-picturan nila ako. Artista na ba ako?

Hindi yun 'yon, Bullying ang tawag dito. Pinagtatawanan nila ako ng may paturo-turo pa at paglalait. Nakakatawa ba ang itsura ko para sa kanila?

Pathetic souls...

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kahit na maraming nakaharang, Pinagtutulakan pa ako ng iba na parang diring-diri sila saakin.

Oo, Ako na ang hindi naliligo!

Nang makaalis na ako sa kumpol nila, Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Lahat ng nadadaanan kong estudyante ay napapatingin sakin dahil maganda daw ako-Char!Hanggang sa makarating ako ng room.

"Eve!! Anong nangyari sa'yo?!!". Napatayo pa si Heena sa upuan niya at nilapitan ako sa pinto.

Nag-swimming kasi ako sa labas.

"Tara muna sa CR, Magpalit ka ng damit!". hinila ako ni Heena kasama sila Rose at Andris papunta ng CR sa dulo ng hallway.

"May dala ka naman sigurong pamalit ngayon?". tanong ni Andris.

"Wala e".

"Ang tamad mo talaga Eve! Andris kunin mo yung reserba kong PE uniform sa locker ko". binigay niya yung susi ng locker kay Andris. Hindi naman siguro pagbabawalan ng mga teacher na magPE uniform ako dahil civilian attire pa rin naman ako.

"Eew! Ipapakalkal mo ko sa locker mo?"

"Wag ka ng maarte, Nasa bungad lang yun". Walang nagawa si Andris kung hindi sumunod nalang sa utos ni mama Heena.

Pagkapasok namin sa CR, pinapasok kaagad ako ni Heena sa loob ng cubicle para pahubarin ng damit habang silang dalawa naman ay naghihintay sa labas para magbantay.

"Bakit ka ba pumasok ng basa Eve?". si Rose.

"Nababahuan yata sila sakin kaya pinaliguan nila ako". Pabirong sagot ko.

"Anong shampoo ginamit nila?". Rose is still the Rose. a Clueless kid.

"It's not time for the joke, Rose". seryosong boses ni Heena.

Daughter of MercenariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon